"Ay, tangina!"

"Tss"

Walang sabi-sabi akong hinila ni Cone at pwersahang pinapasok sa kotse niya.

"Seatbelt" sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"Syet! Ano ba!" sigaw ko ng mabilis niyang pinaandar ang kotse pagkakabit ko pa lang ng seatbelt.

Tangina. Pag ganitong bad mood ako, baka gumulong siya sa labas ng wala sa oras!

Hindi niya ko pinansin at seryoso siyang nagmamaneho. Tumigil ang sasakyan pero hindi sa tapat ng bahay namin. Lumabas agad siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko at sinamaan ko lang siya ng tingin.

Matalim ko siyang tinitigan. "Nasan tayo?" tanong ko.

"Building ng condo ko" sagot niya habang seryosong nakatingin sakin "I won't bring you inside my condo, we'll go to the rooftop" mabilis niyang dinagdag nung bubuka pa lang ang bibig ko.

Nagtitigan pa kami ng ilang segundo at hinintay kong lumitaw yung ngising aso niya pero nanantiling neutral ang ekspresyon niya kaya napabuntong hininga na lang ako at bumaba ng sasakyan. Ayoko pa din namang umuwi. Psh.

Nauna siyang maglakad sakin, wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa rooftop. Nilagpasan ko siya at lumapit ako sa railings saka tumingala. Stars.

Bigla kong naalala si Ian. Ayaw niya sa bituin. I sighed at napapikit ako. Kinginang revenge yan. Naikuyom ko ang mga palad ko dahil gusto kong manuntok para lang malabas ko ang galit ko. Tangina. Sobrang bigat sa pakiramdam.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo dito at nakatingin lang sa kawalan. Kumalma ako kahit papaano dahil sa overlooking ng syudad sa ibaba at sa katahimikan ng paligid. Tumingin ako sa likod ko at nakita kong nakahalukipkip sa may pintuan si Cone habang nakatingin sa direksyon ko.

Nag-iwas ako ng tingin at kumunot ang noo ko habang papalapit ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang titig niya pero hindi ko na sinubukang salubungin ito.

"Uuwi na ko" sabi ko at nilagpasan siya.

Dinig ko ang mga hakbang niya mula sa likuran ko kaya alam kong nakasunod lang siya sakin. Walang nagsalita samin hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Mabilis akong bumaba ng hindi nagpapasalamat at tuluy tuloy lang ako sa pagpasok sa loob.

"Pam" salubong ni Papa na nakatayo sa pintuan katabi si Stella.

Tinikom kong mabuti ang bibig ko saka umiling, pero pinigilan ako ni Papa bago ko pa sila malagpasan.

"Kailangan natin mag-usap anak" malumanay na sabi niya habang nakahawak sa braso ko. "Pam, matagal ko na tong gustong sabihin sayo, I don't want to hide it to you after I introduced Stella but something suddenly came up kaya hanggang ngayon hindi pa namin nasasabi"

Tiningnan ko si Papa ng nakakunot ang noo. Kinakabahan ako na hindi ko alam kung bakit. Halata sa mukha ni Papa na nahihirapan siya. Bakit? Gaano ba kahalaga yung tinatago niya?

Huminga muna ng malalim si Papa saka tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Hindi lang si Stella ang titira dito" sabi niya.

Napangisi ako. "So, tama ako? May sabit pa?" sarkastikong tanong ko.

Pumikit si Papa at halatang nagpipigil na sigawan ako. Papa was never been this impatient to me, na mas lalong nakakadagdag ng sakit na nararamdaman ko. Unti unti na talagang nagbabago ang lahat ng nakasanayan ko.

"Pamela" sabi ni Stella kaya naman tiningnan ko siya ng walang binibigay na kahit anong ekspresyon.

Sinalubong niya ang titig ko. Nag-iwas agad ako ng tingin ng makita ko kung paano magsumamo ang mga mata niya. Na parang nagmamakaawa na pakinggan ko at tanggapin ko siya. Hindi ko kayang titigan kung ganun ang sinasabi sakin ng mga mata niya. Hindi ko kaya dahil lalo lang bumibigat ang nararamdaman ko.

"May anak ako" sabi ni Stella na nagpabalik ng tingin ko sa kanya "Gusto kong bumawi sa kanya kaya nakiusap ako sa Papa mo na kung pwede rin siya na dito tumira. I left him alone and I want him to feel that I regretted those years that I took him for granted.." biglang tumulo ang mga luha niya.

Bigla akong naguilty. Ramdam na ramdam ko yung pagsisisi niya. Kung sana lang, sinabi nila to ng mas maaga.. Pero huli na, kasi nangyari na ang lahat. Pare-pareho kaming nasasaktan ngayon.

"Stella.." binitawan ni Papa ng braso ko at agad na niyakap ang fiancée niya.

"Please.. accept him" sabi pa niya bago tuluyang humagulgol.

Naikuyom ko ang mga palad ko at nag-iwas ako ng tingin. Tinalikuran ko na sila at nagsimulang maglakad papasok ng magsalita ulit si Papa.

"Si Ian.."

Napatigil ulit ako sa paglalakad at kunot noong nilingon si Papa. Diretso siyang nakatingin sakin.

"Si Ian ang anak ni Stella, Pam" sabi ni Papa.

***

A/N: Matagal ko na tong gustong ipost, naghintay lang talaga ako na makahabol yung BTY. haha. Sorry and thank you for waiting! Merry Christmas guys :*

P.S. Malapit na tong matapos. Kapiy lang. ;)

#teampia or #teamconella?

Good To YouWhere stories live. Discover now