What Is Love?

1.2K 23 6
                                    

First Person's POV

"What is love?" Tanong nito, napangisi naman ako sa tanong nito.

"Love is painful!" Simple kong sagot.

Siguro madaming hindi sasang-ayon sa naging sagot ko pero based on my experienced yan na ang love para saakin. Maraming meaning ang love, kung tatanungin ako noon iba ang isasagot ko.

Love is the most magical feeling you'll ever experienced pero once na nasira yun doble naman ang sakit na mararamdaman mo.

Ipinaramdam niya saakin minsan sa buhay ko kung anong pakiramdam na maging isang prinsesa pero yung sakit na pinaramdam niya ngayon sobra sobra. Alam kong may mga pagkakamali rin ako nawalan ako ng oras sakanya inintindi niya ako pero hindi pala pang habang buhay yun.

...

Second Person's POV

"What is love?" Tanong nito, napailing nalang at napabuntong hininga bago sumagot.

"Love is unfair" malungkot kong sagot.

Okay ang lahat! Masaya ako sa taong mahal ko at nagmamahal saakin pero bakit kailangan mo pang dumating? Bakit kailangan mong manggulo? Bakit kailangan mong lituhin ang puso ko? Bakit ngayon pa?

Ang daming tanong sa isip ko, ang daming panghihinayang, ang dami kong gustung gawin pero wala! Hindi tayo pwede kahit masakit ito ang dapat, minsan kasi sa buhay hindi lahat ng gusto mo mapapasayo!

...

Third Person's POV

"What is love?" Tanong nito.

"Kailangan talaga yan ang tanong?" Inis kong sambit.

Nagkibit balikat naman ito kaya napilitan nalang akong sumagot.

"Love shits!" Madiin kong sagot.

Sorry sa language ko pero yan talaga ang love para saakin! Mahal ko siya yun ang nararamdaman ko sigurado ako dun pero mahal ko rin yung isa.

Ang sabi nila hindi daw posible yun pero ano bang magagawa ko? Ito ang nararamdaman ko eh! Ang dali nilang sabihin yun kasi wala sila sa posisyon ko! Hindi sila ang nakakaramdam nito! Akala ba nila ginusto ko to? Lalo na't ang laki na ng nasira ko! Nagkagulo sila ng dahil saakin!

Hindi ko na maibabalik ang nakaraan, wala na akong magawa kung di humingi ng tawad pero kahit na anong gawin ko hindi ko na maibabalim sa dati ang lahat.

...

Hi guys ✌️ new story 😁 sana po suportahan niyo parin 😊

Panuodin niyo yung nasa media box ang ganda nung poem promise ☝️

Enjoy reading 👍

Vote and Comment ✌️

Love Is:Where stories live. Discover now