Masakit pala umasa na gusto mo pa maulit yung dati
Yung dating masaya pa kayo....
Pero guys di ko siya crush..
Di ko din siya mahal wag kayong ano hahahahaha
Siguro kase masaya lang alalahanin yung dati, oo aaminin ko nagkagusto ako sakanya pero diba nga lahat ng bagay lumilipas
Kaya pati yung alaalang yun lumipas siguro nga hindi talaga kayo tinadhana sakaling pinagtagpo kayo pero di pinagtadhana
Masakit isipin kasi nun namamansin pa siya pero ewan ko kung bakit bigla nalang ako naging hangin sakanya i dont wish naman na maging kami ang gusto ko lang is JUST FRIENDS or kahit ano wag lang stranger
Masaya siya kasama kaya pag kasama mo siya di ka maboboring.
Ayyy dami kong dada BTW ako nga pala si Althea Gonzales ang nagiisang umaasa na mabalik ang dati
Ang Dati......
"Lutang nanaman si girl"sabi ng Bestfriend ko si Gail Cruz
"H-huh"sabi ko at bumalik sa mundong lupa de joke btw ano yung mundong lupa wala din ako idea pero okay na yan hhahahha
"Ay alam ko na yan iniisip mo nanaman siya?" Sabi ni Gail
"Sinong siya?" Sabi ko
"Hayysss girl sino pa kaya edi si Ash Marquez!" Anlakas ng boses kala mo nakalunok ng microphone
"Shatapp masyado kang malakas magsalita andyan lang sa tabi si ash pag ikaw narinig nun" sabi ko
"sorna fo!" sabi ni Gail. hayss kahit kailan kala mo talaga may nalunok na megaphone sa lakas ng boses.
oo aaminin ko iniisip ko siya pero may masama ba dun? di ko maiwasan kase ung mga bagay pinaparamdam niya sakin dati tuwing naguusap kami iba eh parang may something pero bigla nalang nagbago lahat ung pakikitungo niya sakin naging cold, super cold di ko alam kung may nagawa akong masama o may nasabi ako pero dapat ba ikagulo ng isip ko un oo naging crush ko siya, naging, pero bakit napaka-bigdeal naman masyado sakin ung mga bagay na un tulad ng tuwing dumadaan siya natataranta akong ewan bigla nalang akong nagtatago na parang may kasalanan akong nagawa bakit? kase baka gusto ko pa talaga pero dinideny ko lang? ewan naguguluhan na ako sa sarili ko
nabuhay ako, de jowk namulat ako sa pagde-daydream nung dumating na ang prof. namin
"Good Morning Sir Cruz!" bati naming lahat.
FYI lang guys di po kamag-anak ni Gail si sir sadyang parehas lang sila ng apelido.
nang humarap na si sir sa board, bigla naman akong kinausap ni gail
"bat anlalim na naman girl ng iniisip mo kanina di ka parin ba talaga move-on sa feelings mo sakanya?" aniya.
"sinong siya?" maang-maangang kong sagot.
"kahit mag maang-maangan ka pa alam kong alam mo ang sinasabi ko" bigla naman sumeryoso ang mukha nito, what's with her right now? she's creeping me out.
"wala akong oras para pag-usapan ung mga bagay na yan" pag-iiba ko ng usapan.
"hays bahala ka diyan!" sabi niya.
"makinig nalang muna tayo please." pakikiusap ko sakanya.
"K" matipid niyang sagot.
nang matapos ang klase ay tumunog na ang bell hudyat na lunch na , Great Lunch Na, may mga memories din kase ako tuwing lunch ung dati kong memories pero di ko na pinagpapansin masyado un.
"Tara na im like super duper gutom na besh" aiisshh yan nanaman siya.
pumunta kami sa canteen para bumili ng pagkain, nagprisinta naman siya naililibre niya ako pero ililibre ko naman daw siya bukas, like duhh nanlibre pa siya eh parang binawi lang din naman niya yung pinang- libre niya.
"here na gurl let's eat na" sabay abot niya sakin ng tray na may mga pagkain.
kumain na ako ng biglang ilang minutes na ang lumipas ay dumating na ang tropa ni ash at shempre kasama siya bigla naman namula sa sobrang kilig si gail ng makita niya na nandun si Brenth Vellano and yes super duper patay na patay si gail kay Brenth, di naman kagwapuhan plus playboy pa then masama ugali,okay inaamin ko gwapo na si brenth pero like duh mabait siya kaso onti tsaka depends sa mood niya pero ewan ko lang kung magbabago yan sa pagiging playboy niya pag nahanap na niya ang right one para sakanya.
bigla ko namang siniko si gail ng mahina ng biglang umupo sila ash sa malapit na table saamin nagpoker face ako kahit deep inside madaming emotions ang gusto ko ilabas pero di pwede, di pa pwede, siniko ko ulit si gail na ngiting asong nakatingin kay brenth nung hindi padin siya kumilos siniko ko ulit siya at binulungan.
"tara na, wala na akong gana" cold kong sabi,bago ako tumayo ay sinulyapan ko muna si ash na nakatingin na pala sakin, umiwas ako ng tingin, nang nakatayo na si gail ay bigla kona siyang hinila papalabas ng canteen dahil ayaw ko na talaga doon, aaminin ko medyo bitter ako kay past dahil masakit masyado pagdumadaan si ash tinatry ko best ko para magpoker face.
dahil mahaba pa ang oras bago ulit magklase pumunta muna kami ni gail sa may garden malawak ito at dito kami madalas dati ni ash madami-dami ding estyudante dito, dito kase malaya ka kung may problema ka dito ka pwede mag-drama ng magdrama pero madami din ditong couples na naglalambingan minsan nabibitter din ako sa mga couples dito.
nang tumigin ako kay gail nakit ko sa mukha niya na medyo siya naiirita.
"what's with the face?" tanong ko sakanya.
"what's with the face ka diyan! pagkakataon ko ko na tumitig ng matagal kat fafa brenth kung hindi lang dahil sayo na nagyaya na lumabas ano ba prob mo at tuwing dadaan si ash bigla ka nalang nagkakaganyan, ung totoo may feelings ka pa ba sakanya?" sabi niya, hayss dada ng dada andami niya masyadong reklamo.
di ako sumagot dahil kahit sarili kong feelings di ko naiintindihan.
"bakit di mo masagot?kase kahit katiting may natitira pa sa puso mo?" tanong niya
"di ko alam" matipid kong sagot, dahil ang totoo naman ay kahit ako di ko talaga alam.
"panong di mo alam? sarili mong feelings di mo alam?" tanong niya.
"oo, sarili kong feelings di ko maintindihan ewan ko siguro baliw na ako pero anong magagawa ko." sabi ko sakanya na ikinatahimik niya.
tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang lunch break dahil sa sunod na klase ay di na kami magkaklase ni gail dahil magkaiba kaming subject pero ditong subject lang kami nagkakahiwalay kaso ung iba halos lahat kami magkaklase na.
"bye na besh punta na kayong room" sabi niya sabay wave, malayo layo na kase siya.
"sige besh ingat papunta sa room niyo" sabi ko sabay nagwave back sakanya
**************
A/N
haiiii im very happy kase natapos ko ung prologue kahit super duper busy ako
by the way guys support me po thanks byee
