Panimula

152 0 0
                                    

Marami ang buhay na nasira dahil sa droga pero kung sa iba ito ay salot sa mga nakikinabang naman dito ay itinuturing na grasya.

Kilala si Don Juancho sa pagiging haciendero at pilantropo. Si Malvar naman ay salot ang tingin dito sa kanilang lalawigan dahil isa umano itong druglord.  Si Rigor ay isang magsasaka sa isang bayan subalit siya ang pinaghihinalaan na pumapatay ng mga adik sa kanilang lugar sa kalapit bayan at sa boung lalawigan. Galit sa kanilang dalawa si Don Juancho dahil sa kanilang mga gawain ayon kasi sa pilantropo ayaw niya ng pagpatay na walang dahilan at ayaw din nito ng droga.

Upang masugpo ang problema pinondohan ni Don Juancho ang pulisya.

Binilhan niya ito ng mga bagong sasakyan at mga bagong baril.

Pero ang nakakapagtaka sa pilantropo ay bakit puro sa pulisya lamang siya nagbibigay ng donasyon kung talagang totoo ito sa pagtulong.

Mahirap ang kanilang lalawigan bakit hindi pagtuunan ng pilantropo ang edukasyon at pangkalusugan?

Subalit ganun pa man ay tila hindi nakikita ng mamayan dahil para sa kanila ay walang kasing bait  ang pilantropong Don,at isa pa ay di naman daw umano pulitika ito para magkaroon ng obligasyon sa mamamayan.

Pero para kay Mang Luis na isang katutubo ng naturang lalawigan ay may lihim ang mayamang ito at tinatakpan lang ng magagandang gawain.

Ang makatang si Gardo ay tila naman propeta dahil sa kaniyang mga sinulat na naglalaman ng pilosopiya at para nitong nakikita ang paparating na mga pangyayari sa kanilang lalawigan.

Sa loob ng bilangguan may isang nagngingit-ngit na kalooban hindi alam kung saan siya galit sa mamayan na todo ang puri sa pilantropo o sa mismong haciendero dahil ginagamit nito ang yaman at kapangyarihan para lansiin ang mga tao ganito ang nararamdaman ni Cardo.

SestimaWhere stories live. Discover now