Center

1.3K 16 0
                                    

Naalala ko pa yong kwento ng kapitbahay namin dati. Yong bahay Kasi nila dating Center(maliit na clinic). Bagong lipat pa lang po sila nun. ok naman daw pero nung matututlog na sila, kung ano ano na lang daw nangyayari. Nag on daw bigya yong faucet sa kusina. tapos habang natututlog sila yong kama daw niyuyogyog. tapos habang naghuhugas daw cya parang may nag uusap daw sa likod niya eh cya lang naman daw naiiwan dun pag araw kasi yong tatlong anak niiya pumapasok sa schook then yong asawa niya nagtatrabaho. tapos may nakita daw siyang taong pumasok sa kwarto nila noong sinundan niya wala naman daw. tapos yong CR ni basta na lang nag lolock hind nila mabuksan eh yong lock nun nasa loob. binale wala lang nila lahat. pero may isang pangyayari na nagdecide na talaga sila na umalis. yong one time daw na nag absent yong isang anak kac masakit daw ngipin, hinayaan lang niya matulog yong anak niya sa kwarto, then may bigla daw sumutsot sa anak niya, so bumangon daw yong anak niya para tingnan kung sino yon binuksan niya yong parang maliit na bintana na mukha lang yong kasya kasi yong lang ang bintana sa kwarto nila. pagbukas daw ng anak niya may nakita daw na tao. Nagwawala na daw sa takot yong anak niya, gusto ng lumabas ng bahay , kaya nagpunta na lang nila dun sa sari sari store na katapat nila. Naglapitan na yong mga tao sa hindi tumigil yong anak niya sa kakaiyak. tinanong nila kung anong hitsura ng nakita niya ayaw daw sumagot ng bata basta lang umiyak ng umiyak. kinagabihan ayaw talaga umuwi ng anak niya kaya dun sila muna natulog sa bahay ng kapatid niya. mga ilang linggo din hind pumasok yong anak niya ayaw umalis sa tabi ng nanay niya. nag stay sila ng mga 2 weeks sa bahay ng kapatid niya hanggang sa nakakita sila ng bagong lilipatan.

malalaki na yong mga anak niya ngayon pero pag tinatanong nila kung ano yong nakita niya dun sa center nung bata pa siya. Hind pa rin sumasagot. ayaw pa rin mag kwento.

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2Where stories live. Discover now