Chapter One

1K 22 3
                                    

    
      "Sino ako? Ako lang naman 'yong taong nagmamahal sa iyo. Ang lalaking binansagang matapang pero pagdating sa iyo ay naduduwag na baka mawala ka sa buhay niya."
.
.
.
MULA sa pinagkukublihan ay tanaw ni Drake ang buong lawak ng Plaza. Bilog na bilog ang buwan na parang naliligo iyon sa dugo. Sa gabing iyon ay maglalabasan ang mahigpit nilang kalaban, ang mga Asgorian vampire.

Humihip ang malamig na hangin kasabay ng nakapangingilabot na alulong ng aso. Nararamdaman na ni Drake ang paparating na puwersa ng dalawang kalaban dahil nakita na niya ang mga ito sa kaniyang isip. He can visualize events that were taking place elsewhere. He can also read the mind of anyone within a few miles of himself. The special powers he inherited from his mother since birth.         

Muli, naramdaman ni Drake ang puwersa ng dalawang Asgorian vampire kaya humanda siya. Pero hindi niya inaasahan ang biglang pagdating ng isang babae sa plaza at umupo sa concrete bench. Naamoy niya ito. Hindi ito bampira kundi isang tao!

I have to warn that woman! Baka abutan pa siya ng dalawang Asgorian vampires.

Pero huli na dahil may sumulpot sa likuran ng babae. Isang bampira, sa anyong tao! At isa pang kasama nito.

"Sino kayo?" ang narinig niyang tanong ng babae nang maramdaman ang dalawang lalaki.

“Hindi ka dapat nagtatanong ng ganiyan, Miss kundi ano ang kailangan namin sa iyo." sagot ng Asgorian na unang lumapit dito.

“At ano naman ang kailangan ninyo sa akin?" matatag na tanong ng babae na sa halip na kumaripas ng takbo ay kung bakit nanatili lang sa kinatatayuan nito.

"Just watch." tipid na sagot ng Asgorian. Basta tumitig lang ito sa mga mata ng biktima.

Natulala ang babae.  Alam ni Drake na ginagamitan na ito ng hipnotismo. Hinawi pa ng bampira ang buhok na tumatabing sa leeg ng biktima. Ang pangalawa namang bampira ay inilabas na ang mga pangil. Talagang sasairin ang dugo ng kawawang babae!

Lumabas si Drake sa pinagkukublihan at nilatigo ang bampira na napahiyaw sa sakit. Umusok ang likod nito at nabitiwan ang biktimang nawalan ng malay. Kaya ginamit niya ang kaniyang kakaibang bilis at inagapan ang posibleng pagkabagok ng babae sa nakausling bato.

"Nandito si Drake!" sigaw ng pangalawang Asgorian vampire sa takot sa bilis ng pangyayari.

Dammit! Nakatakas sila!

Walang nagawa si Drake kundi panoorin ang paglalaho ng dalawang bampira sa dilim. Hinayang na hinayang siya. Dalawa sana ang napatumba niya sa gabing iyon kundi lang sumingit sa eksena ang babae!
Sa nagsasalubong na mga kilay, sinulyapan ni Drake ang walang malay na babae sa mga bisig. Pero may kumislot sa kaniyang puso eksaktong mapatingin siya sa maamong mukha nito.

Kaytangos ng ilong nito na binagayan ng hugis-pusong mukha at mga labing kaakit-akit na parang nakakamagnetong halikan. Pero ang mas nakatawag-pansin sa kaniya ay ang mahahabang pilik-mata nito at ang magandang pagkakaarko ng mga kilay. Napakalambot sa kaniyang hipo ang mahabang buhok na kakulay ng ginto. Kitang-kita niya lahat ang kagandahang iyon sa ilalim ng buwan.

Kinarga niya ang babae at maingat na inilapag sa mahabang upuan na kahoy. Lumitaw ang mahahaba at mapuputi nitong legs sa suot na short. Isang fashionable cardigan na hanggang binti nito ang itinerno sa blouse. Larawan ng isang modernong babae.

"Miss? Miss?!" Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. Inisip niyang baka nakagat ito kaya sinuri niya ang leeg. Napakakinis ng leeg ng babae at wala siyang nakita na parang pulang marka ng kagat ng lamok doon.

Mahinang umungol ito at dahan-dahang dumilat. Ngayong gising na ang babae ay mas lalo siyang napatanga sa kagandahang nasa harapan, sa magagandang mata na ngayon ay matiim na nakatitig sa kaniya. Parang hinihigop siya sa ibang dimension. Ipinilig niya ang ulo. Pakiramdam niya ay tinamaan siya ng malakas na puwersa sa pagkakatitig dito at sumapul iyon sa kaniyang puso.

(New Version) Night Hunters Series 1: Drake (The City Hunter) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon