Chapter 1

31 0 0
                                        


"Ano Mia? Nasan ka na? Kanina ka pa otw ng otw jan! Yung totoo nasan ka na ba?" Sabi ni bff sa kabilang linya. Hahahaha natawa na lang naman ako.




"Basta! Malapit na ako. Sige na! Ba-bye na!" Sabi ko.






"Hayyyy nako talaga! Basta bilisan mo! Mg-te-10 na dadating na si ma'am herrera kaya bilisan mo. Lagot ka nanaman dun!" Sabi sakin ni bff. Tumawa na lang ako at pinatay na yung tawag.





Malapit nanaman kasi talaga ako sa school ang kaso nga lang ang tagal nung trycicle driver nagpapalit pa, wala kasi syang barya. Tssk! 😒 ang nakaka-inis lang, tinanong ko sya kung may isusukli sya sa 100 kasi wala akong barya at nakalimutan kong magpapalit meron naman akong coin purse ang kaso naiwanan ko sa bahay at ang sabi nya nga meron daw yun naman pala wala. Hay nako naman si manong talaga! Hahahaha 😁😁😒😒






Maya-maya dumating nadin yung driver.







"Sorry ihja ha? Wala lang kasi akong pasahero eh kaya naisakay na kita, sayang ang kita. Kaya pasensya kung sinabi kong merong pangsukli kahit wala naman talaga. Pasensya na." Sabi ni manong at naibigay sakin yung sukli ko. Bigla naman daw akong naawa. 😔






"Nako manong! Okay lang po yun. Sige! Salamat po." Sabi ko at ngumiti, ngumiti na lang din naman si manong. Kaya ayun pumasok na sa loob ng school.






Madali akong mahabag sa mga ganung tao, yung parang nagmamakaawa na, tapos matanda pa. Hay nako onyok! Nawa nama'y maraming sumakay sa kanya na pasahero.




At yun nagmamadali na akong maglakad. Tinignan ko yung relo ko, 10:13 na. Jusko 2 mins na lang ang palugit na oras bago magsara yung pinto. Binilisan ko pa ulit ang paglalakad, lakad takbo na nga ang ginawa ko, paakyat na ako ng hagdan, nung nakaakyat na ko, nakita kong papasok na si ma'am ng pinto, kaya tumakbo na ko. Medyo nasa tapat na ko ng pinto ng makita kong pasara na kaya hinarang ko yung kamay ko dahilan para maipit ako.





"Ahhhhhh!" Medyo pasigaw kong sabi kaya naman agad na may nagbukas ng pinto at nakita ko si abby ang nagbukas nun. Hinawakan ko naman yung kamay kong naipit.






"Omg! Sorry Mia, hindi ko sinasadya, hindi ko naman alam na nadun yung kamay mo. Sorry talaga." Sabi ni abby na nagaalala.






"Ayos lang. Okay lang. Ako naman talaga ang nagharang ng kamay ko para hindi masara yung pinto. Hindi mo kasalanan. Keri lang to." Sabi ko kay abby na medyo mangiyakngiyak na.






"Pero." Hindi nya na nadugtungan kasi sinenyasan ko syang okay lang talaga kahit masakit.





At yun tuluyan na nga akong pumasok sa room.






"Good Morning po Ma'am. Sorry po late." Sabi ko kay ma'am na may pilit na ngiti na medyo winawagayway yung kamay ko para medyo tanggal yung sakit.





"Are you okay Miss Fernandez? Come here. Let me see your hand na naipit." Sabi ni ma'am herrera kaya wala akong nagawa kundi lumapit at ipinakita yung kamay ko.






"I think you should go to the clinic. Look oh namumula tapos medyo namamaga na." Sabi ni ma'am na medyo tinutusok tusok yung kamay ko. Binawi ko naman yung kamay ko.





"Ahh. Ehh after na lang po ng klase nyo ma'am saka ako pupuntang clinic." Sagot ko.






"Are you sure Miss Fernandez?" Tanong pa ni ma'am.





MiaWhere stories live. Discover now