100 Airplanes

158 12 16
                                    

A/N : Hi Jas ! Ganti ko sayo dahil sa dedic mo sakin last time sa Kill Me . LOL . Ito , magsawa ka . Gusto lang kitang gantihan kaya ganan . HAHA . Peace tayo . Korni to , pero basahin mo . Utos ko yan . LOL ! :p

----------

Sabi ng tropa ko , kapag daw nagbilang ka ng eroplanong lumilipad at naka-isang daan ka , ang taong kasama mo nang oras na yun ang soulmate mo .

Ang isinagot ko sa kanya , "Tol , you're so gay . Naniniwala ka sa ganyan ?"

Nagkibit balikat lang sya at sinabing , "Proud ako tol , hopeless romantic ako e ."

Hindi ako naniniwala sa mga kasabihang ganyan na makikita o makakatuluyan mo ang soulmate mo kapag ginawa mo ang bagay na iyon . Mas naniniwala ako na kapag may effort ako , mapapansin ako ng babaeng matagal ko nang lihim na gusto .

Yung lang , hindi ko akalain na magagawa kong magbilang ng eroplanong lumilipad dahil once e kasama ko sya nang sa hindi inaasahang pagkakataon e may nakita akong eroplano sa himpapawid . Yun pa yata e yung mga pang sandataang lakas ng Pilipinas na pinag eensayuhan ng mga hindi pa kagalingan na mga piloto . Yung tipong giray na ang pakpak nito at kinakalawang na ang tunog ng makina .

Pero dahil nga ang sabi ay kahit anong eroplano pa yan , basta lumilipad ay bilangin mo . Kaya napabilang ako ng wala sa oras dahil nakakita ako ng eroplanong lumilipad habang nakatitig ako sa mukha ng babaeng iniibig ko .

Hindi naman ako torpe , pero hindi ko alam bakit pag sya ang kaharap ko , nauumid ang dila ko ? Panay kamot sa batok lang ang nagagawa ko kapag nandiyan sya . Panay ngiti lang ang kaya kong ibigay kapag nagtatama ang aming mga paningin . Hindi ko alam kung bakit pag dating sa kanya , nagiging jelly ace ang utak ko at hindi ako makapag isip ng maayos .

Sa ika-37th na eroplanong nakita ko , nadagdagan ang nararamdaman kong excitement dahil sa pangalawang pagkakataon ay kasama ko sya ! Nasa unahan ko sya , nakapila kami habang papasakay sa LRT . Sinabi ko sa sarili ko na wala nang atrasan sa pagbibilang ng isang daang eroplano ! Kung baga sa lingguwahe pa ng mga kababaihan e , "i-push na ito !" .

Sa pangatlong pagkakataon na nakasama ko sya , nakapagbilang na ako ng limampung eroplanong lumilipad . Nasa eskwelahan kami at may program sa labas . Kaya parang lumulundag lundag ang puso ko dahil katabi ko sya nung eksaktong lumipad sa himpapawid ang eroplano . Kaya sabi ko sa sarili ko , kalahati na lang . Kalahati na lang at matatapos din itong kahibangan ko . Malalaman ko kung talagang may kwenta nga ba ang paniniwala ko sa sinabi ng ugok na tropa ko .

Pero sa paglipas ng ilang panahon , nakaramdam ako ng pagkabahala at kaunting kaba dahil hindi ko pa ulit sya nakakasama kahit na nakakita na ako at nakapagbilang ng 93 na eroplano . Nangangamba ako na baka eksaktong ika-100 na eroplano e hindi ko sya kasama ! Mabuti na lang at sa ika-94th na eroplano , nakasama ko ulit sya . Hindi nya man alam na may pagbibilang akong nalalaman , at least , alam nya naman na ngayon na nag eexist ako sa mundong ginagalawan nya , at alam na nya ang pangalan ko sa wakas .

Pakiramdam ko ay sinisilihan ni bathala ang tenga ko dahil sa matinding kaba . Isang eroplano na lang ang kulang at sa wakas , mabubuo na ang pagbibilang ko . Sa ika-isang daan na eroplanong makikita ko , malalaman ko na kung sya nga ba ang soulmate ko na tinatawag o hindi .

Para akong nakalulon ng happy drug nang isang araw na magkausap kaming dalawa sa labas ng gate ng unibersidad ay nakarinig ako ng malakas na ugong sa himpapawid . Napapikit ako sa matinding galak . Nasabi ko sa sarili ko , "Ito na . Ito na talaga . Sya nga ang babaeng para sa akin !" At iminulat ko ang mga mata ko . Sa pagkadismaya , isang helicopter ang nakita kong lumilipad papalayo . Nalaglag ang balikat ko , pero sinabi ko na hindi pa tapos ang laban . May pagkakataon pa !

Pero nasira na ang lahat ng ilusyon ko nang noong hapon ding iyon ay nakakita ako ng eroplano . Nagkataong mag isa ako at wala akong kasama . Masakit sa loob na isipin na kahit isang laro lamang iyon sa akin ay parang hindi na nga yata magkakaroon ng katuparan ang nais ko .

Sa mga sumunod na araw , nagtataka ako dahil parati ko syang nakakasama . Bigla na lang ay nandiyan sya at kinakausap ako . Kahit na ilang eroplano na ang dumadaan , hindi ko na pinahirapan pa ang sarili ko sa pagbilang . Hinayaan ko na lang dahil alam ko na ang resulta ng munti kong laro .

Isang araw , magkatabi kami sa upuan sa labas ng kantina at nag uusap tungkol sa aming nalalapit na investigatory project . May malakas na ugong sa himapapawid at pag tingin ko , isa na namang eroplano . Yumuko na lang ulit ako para makipag usap sa kanya . Pero nagulat ako dahil nagtatalon sya habang nakatingala at nakatitig sa eroplano .

"Ryu , Ryu , nakita mo ba ang eroplanong iyon ?" tanong nya sa akin .

"Oo naman , Jas . Anong akala mo sa akin , bulag ?" sagot ko .

Ngumiti sya bago tumalikod .

"Masaya lang ako . Kasi pang-100 na eroplano yun e ."

Sa narinig ay kusang napangiti ako . Malamang , hindi ang reference ng "100 airplane count" ko ang tipo ni Kupido . Baka mas trip nyang gamitin ang counting level ni Jas .

-----------

Ano , i-hug mo ko , dali . Ginawa kong lablayp mo si L . :p

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

100 AirplanesWhere stories live. Discover now