ANAWANGIN BEACH

5.3K 82 77
                                    

DECEMBER 2, 2013

            Ito ang napakagandang vista ng Anawangin Beach, Zambales. Ang ganda di ba? Kahit ako gusto kong marating yan, kundi lang dahil sa forwarded email na natanggap ko; kung saan naka attach din ang mga pictures na yan. Kayo na ang bahalang mag desisyon.

—–

This is a true story. Nangyari lang siya last Holy Week.

Behind the Beauty of Anawangin

Holy week,..long weekend ng March, nagkasundong mag out-of-town ang sampung magbabarkada. Ang napiling lugar, Anawangin. Para medyo malayo naman sa polusyon ng Maynila at ma-relax naman ang mga utak mula sa araw-araw na stress ng opisina. A week before pa lang nakapagpa-reserve na kami ng tickets sa bus, seat # 1 to 10 pa nga kami,ganun ka-excited. Wednesday 12midnight ang byahe namin, mabilis at maluwang naman ang kalsada kaya alas-tres pa lang ng madaling araw ng huwebes nasa SanAntonio na ang grupo. Ang San Antonio ay isang bayan sa Zambales na jump-off para papuntang Anawangin.

Madilim pa ng mga oras na yun kaya tambay muna kami sa plaza ng San Antonio, kwentuhan at kulitan muna habang nagpapa-umaga para makabili sa palengke ng iba pang madadalang pagkain, habang ang iba?y nakikipag-negotiate na ng tricycle patungong Pundakit (shoreline para maka-arkila ng bangka patungong Anawangin. Very entertaining ang mga tricycle drivers (dahil kikita nga naman sila sa amin), halos lahat nag-aagawan para lang kontratahin sila, nakilala Ko dun si Kodz, siya yung pinili namin kasi siya yung mukhang mas informative, yung iba halatang pera lang ang habol. Ayon kay Kodz lagi siyang naghahatid dun, marami na rin daw siyang suking manilenyo at labing-isang beses na daw siyang nakapunta sa Anawangin mismo. Sa tagal ng kwentuhan namin wala siyang nababanggit na delikado o sakunang pangyayari sa lugar, pawang kagandahan lang ng lugar, binigay pa nga niya yung cell number niya para ma-text ko raw siya kung pupunta uli kami dun.

Mga 15 minutes from San Antonio to Pundakit, pagdating dun negotiate na kami ng bangka, nakilala namin si Vic, isang bangkero sa Pundakit, wala kaming ibang usapan kundi kung magkano ang kontrata sa kanya at kung kailan kami muli susunduin mula Anawangin.

Around 7am nasa Anawangin na kami, hanap agad ng magandang camp area sa gitna ng matataas na pine trees, di ko ikakaila na maganda ang lugar, tahimik at relaxing. Habang nag-aayos kami ng mga gamit at nagpi-pitch ng mga tents, lumapit ang isang ale sa amin, maganda ang ngiti at mukhang mabait, malumanay ang boses niya ng sinabi niyang siya ang caretaker ng isla, siya daw si Aling Ligaya. Umalis saglit at bumalik na may kasama pang isang babae, buhat nila ang isang maayos na papag na gawa sa kawayan, binaba nila sa gitna ng area namin at sinabing patungan daw ng mga pagkain o anumang gamit. Sabay alis, walang ibang sinabi kung may bayad man yun o wala, pero napagtanong namin sa mga katabi naming naka-camp na dun na P50 per head at per day daw.

Habang nag-aayos ang grupo may mga nagluluto na ng pancakes for breakfast, set na din ng tripod ng camera at picture taking na agad, halatang sabik ang isat-isa sa muling pagsasama ng tropa, matagal na rin kasing walang get-together dahil puro busy sa trabaho at kayod talaga para sa mga magagandang plano sa pamilya.

After breakfast excited na ang lahat lumublob sa dagat, kanya-kanyang labas na ng mga snorkel, goggles, vest at fins, makikita sa mukha ng bawat isa ang excitement na i-enjoy at i-explore ang lugar. Di alintana ng lahat ang lamig ng tubig basta sige lublob, kwentuhan, tawanan, halos wala ring pahinga ang mga digicams sa kakakuha ng pictures. Enjoy ang lahat, walang kj, lahat nakangiti, nakatawa, masayang-masaya ang tropa, ang tropa na walang ibang hangarin kundi ang i-appreciate ang ganda ng Anawangin.

ANAWANGIN BEACHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon