K,
I won't let you read this. At imposible rin na mangyari yun. Di naman tayo close para paki-alaman mo ang phone ko. So, why am I writing this? Hmm marahil na-inspire ako sa isang story na nabasa ko at naisipan kong isulat dito ang nararamdaman ko.
Alam mo parati kitang naiisip. Pero syempre di mo yun alam. Alam ko namang "siya" ang parati mong iniisip.
Masakit? ewan ko kung gaano ba talaga katindi ang mararamdaman mo pag sinabi mong masakit. Yung feeling kasi na halos lahat ng tao sinabihan mo ng crush mo pero pag nandyan na ako tatahimik ka. Pag tinanong ko kung sino crush mo, ngingiti ka lang tas iiling. Lam mo yun? para namang di katiwatiwala ang itsura ko nun. Problema mo? Dati naman nag she-share ka sa kin.
Kahit medyo iba ang nararamdaman ko sa tuwing nag she-share ka ng mga ginawa mo/niyo nung crush mo. Masaya ako kasi nag kwekwento ka kahit konti at alam kong masaya ka sa ginagawa mo.
Alam mo bang nag simula akong magka-crush sayo nung Feast Day? Tanda mo pa na hinawakan mo ang kamay ko para mag worship kay God at ipray over ang mga taong nasa paligid mo. Sabi mo pa nga na kaya mahigpit ang pagkakahawak mo sa kamay ko ang pinipray over mo ko. Pero ako? wala akong nagawa nun. Ang lakas ng heartbeat ko. Halos wala akong ibang maisip kundi ang kamay mo na naka hawak sa kamay ko na para bang ayaw mo na akong bitawan.
Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kahit nung tapos na ang pray over at binitawan mo na ang kamay ko, ramdam ko pa rin ang balat mo na nakalapat sa aking balat. At di pa rin nag babago ang tibok ng puso ko. Alam mo kung bakit? dahil yun ang kauna-unahan na naramdaman ko yun. Di ko maipaliwanag.
Hanggang sa makalipas ang ilang araw o linggo, may nag plug ng number mo. Kaya agad ko itong sinave ngunit di ko tinext agad. Nahihiya kasi ako. Na baka di ka naman mag respond sa text ko.
Kaya sinali nalang kita sa group message kahit di pa ako nagpapakilala. Nag text ka nga at nagtanong kung sino ako. Nagreply naman ako agad at sinabi ang pangalan ko. Alam mo bang sobrang gulat ko na kilala mo pala ako nun? Di ko kasi inakala kasi di pa naman tayo nag-uusap nung araw.
Yun nga, naging magkatext tayo sandali at nag promise ka sa kin na papansinin ako sa school. Excited akong pumasok nun. Yun nga, nagkatagpo tayo sa may hagdan at sinigaw mo ang pangalan ko sabay kaway sa kin.
Di ko namalayan na nakangiti na ako hangga't natapos ang araw na yun.
At dun ko napagtanto na may gusto na pala ako sayo. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi agad nagkakagusto sa panlabas na anyo. Siguro sayo, nadala na rin na taglay mo ang isa sa ideal type ko sa lalaki; pagkahilig sa sayaw.
Matapos ang araw na yun, madalas na tayong nag-uusap. Nagbabatian. At marami-rami na rin nakaka-alam na may crush ako sayo. Buti ikaw hindi mo pa alam.
Hanggang sa dumating ang Foundation week at inaya mo akong sumali sa sayawan sa school. Walang pag-aatubiling pumayag ako. Bumuo tayo ng isang grupo kasama ang iba pang magagaling sumayaw sa school.
Dahil dun mas lalo akong nahulog sayo. Mas nakita ko ang pagiging determinado mo pagdating sa sayaw na nakakapagdagdag ng appeal sayo. Naaalala ko pa nga nung araw na pinipilit mo kung magka-crush sayo (kahit crush na kita nun, di mo kasi alam). Gusto mo kasi na madagdagan ang bilang ng may crush sayo. Kilala mo nga halos may crush sayo eh. At yun pa talaga ang ipinagyayabang mo saakin. Natatawa ngunit nadidisappoint na ako sa loob-loob ko. Lam mo kung bakit? na-realize ko kasi na ang dami ko palang karibal sayo.
Di ko rin malilimutan ang mga naging conversation natin noong foundation dance practices natin. Ito oh, iisa-isahin ko:
Habang nasa classroom kami ay may bigla nalang pumasok sa room at sinigaw ang pangalan ko at sinabing, "D, si K nasa baba. Hinihintay kayo!"
Agad naman akong nakalikom ng "yiiiee" sa mga kaklase ko. Di ko alam ang gagawin kaya't bumaba ako agad habang nakasunod sa akin ang bestfriend ko na kasama ko din sa sayawan.
Pagbaba namin, nakita ko ikaw na kasama si F at nakapose na parang nag sa-sun bathing sa field natin. Mukha kayong tanga pero natutuwa akong panoorin ka doon. Hinihintay kami na makababa. Inimagine ko na lahat ng pwede kong ma-imagine sa mga oras na yun. Minsan lang yun eh. Baka di na maulit. Kaya't nilubos ko na. Nang makababa na kami ay sumali ako sa pag-upo niyo sa field. Wala na akong paki sa nanonood sa atin. Fineel ko na ang moment eh.
Bigla ko namang nasabi sa yo na, "Uy, TBH nga--" pinutol mo ang sentence ko ng isang tanong na nakapagpatigil sakin ng ilang segundo. Sabi mo,
"Ano? Crush mo ko!?" sabay smirk mo.
Di ako agad nakapagsalita dahil shocked ako at di agad nag function ang isip ko. Nasabi ko nalang na hindi ko nagugustuhan ang ilang mananayaw na kasama namin. Harsh man pero hindi mo naman ako binara sa sagot ko. Binalewala mo nalang rin ang tanong pero tumatak ito sa utak ko.
Hindi lang iyon at meron pang isa,
Nakaupo kami nina S at F sa tricycle na nasa school namin nakaparada at nagkukulitan. Nang iinom na sana ako ng tubig ay biglang muntikan ng matumba ang tricycle kaya't muntik akong mahulog at nasamid pa sa tubig.
Paglingon ko ay nakita kita na nakangiti at agad alam ko na kung sino ang humila sa tricycle para kunwaring matutumba ito. Kaya't pinandilatan kita at sinabing,
"Buang kana. Nasamid tuloy ako. Muntik pa akong mahulog."
Tawa lang nang tawa si S dahil sa pagkasamid ko ngunit napansin niya ang huling pangungusap sa sinabi ko kaya't agad ka niyang tinanong.
"Uy K. Kung nahulog yun si D, sasaluhin mo ba?"
Agad kong pinandilatan si S at tumingin sayo habang hinihintay ang sagot mo. Sana pala hindi ko nalang pinakinggan. Sabi mo kasi,
"Hindi. Kasi wala naman akong karapatang saluhin siya, kasi wala namang kami."
Hindi na ako tumingin sayo matapos kang humindi kaya't di ko nakita ang ekspresyon mo. Di ko alam kung pinagtitripan mo lang ba ako o kung seryoso ka sa mga pinagsasabi mo.
Nagkunwari na lang akong inaayos ang gamit at agad na bumaba ng tricycle.
Nung maka-baba na ako ay pumunta ka sa likuran ko. Kaharap ko naman sina S at F na halos dalawang metro ang layo sa akin. Di ko mawari kung bakit may nakakalokong ngiti sa kanilang mga labi.
Yun pala, nasa likod kita at inaambahan akong akbayan. Pero di mo ginawa. Feeling ko nga pinagtitripan mo lang talaga ako.
Dahil dun sa mga pinaggagawa mo, umasa ako. Umasang may pagtingin ka rin sakin. Ngunit lumipas ang isang taon. Di na tayo nag-uusap kahit pa magkatext. Halos wala ng paki-alaman pagkatapos ng foundation. Andaming nagbago. Masyado ko kasing sinanay ang sarili ko na kasama ka parati nung foundation pa. Kaya't nahirapan akong mag move on sa mga pangyayari.
Natapos ang school year at grumaduate ka na ng junior high. Akala ko nga ay pupunta ka na ng Maynila. Wala ka naman kasing sinasabi sakin eh.
Kaya't pinangako ko sa sarili ko na pagdating ng pasukan. Dapat may iba na akong crush. Kalimutan ka at ang lahat nga ating pinagsamahan. Para naman hindi na ako ma bother kung sino talaga yang ayaw mong sabihin sakin na crush mo. Nakaka-inggit kaya. (yung girl)
At ang pinaka-ayaw kong feeling sa lahat ay ang ma-inggit. Kaya't sana matigil na to. Para sa puso! Charot. Para matahimik na ang isip at puso ko. Nakakadepress. Hanggang sa susunod K. Mag-ingat ka parati. :)
D
