Beginning

8 1 0
                                        

Beginning

6 years ago...

Nakita ko ang mga barkada ng kuya ko papunta sa aming bahay. Kasabay nito ang paglakas ng tibok ng puso ko, ang gwapo talaga niya. Bakit kaya sila pumunta dito? Siguro, kakatapos lang nila maglaro ng basketball.

"Hera, nandyan na ba sila mama?" sabi ng kuya ko ng nasa front yard na sila ng bahay at nakita akong may hawak na libro.

"Opo, kuya nandya na sila." Sagot ko at nakita ko sumulyap din siya sa akin.

"Tol, nandyan si Hannah?" biglang singit ni Paulo na dahilan kung bakit bumagsak ang tingin ko sa props kong libro.

"Mukha mo, tol. Bakit mo hinahanap kambal ko?" Seryosong sabi ni Kuya Harry sa kanya. Ngumisi lang si Paulo sa kanya at mas lalo naman nalukot ang mukha ng kuya ko. Naglakad na sila sa loob at narinig ko naman ang ginawang ingay ni kuya para lamang bumati at magmamo sa aming mga magulang. Ungoy talaga.

Hindi ko alam kung paano ko nagustuhan si Paulo at talagang sa kaibigan pa ni kuya ako nagkagusto at isa pa sa isip-isip ko na nga lang siya tinatawag na Paulo dahil kapag nag-uusap kami Kuya Paulo ang tawag ko sa kanya. Kainis lang diba? 1 year lang naman ang age gap namin, Grade 9 ako at Grade 10 sila nila ate at kuya.

Pumasok na rin ako sa loob ng bahay dahil meryenda na, sembreak ngayon kaya bore na bore ako, mas gusto ko mag-aral kaysa naman magbabad sa computer at television dito sa bahay namin.

Habang kumakain kami pansin ko ang titig niya sa kay ate Hannah, at hindi ko alam kung sumasakit yung dibdib ko kapag na nakikita ko iyon. Si ate naman parang hindi niya alam na tinititigan siya ni Paulo.

At hindi ako manhid. Alam kong may gusto siya sa ate ko. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang kumain kahit may kakaiba akong nararamdaman.

-

Ang saya ng mga estudyante ngayon, matatapos na kasi ang school year at wala nang gaano ginagawa sa klase dahil na rin siguro gawa na ang grades namin.

Pero ako? Eto at kinakabahan, aamin ako sa kanya. Hindi ko alam pero sa tinagal na panahon na hindi ko pinapansin yung feelings ko sa kanya parang lalong lumalalim, mas lalong sumasakit kapag nakikita ko siya na kasama yung ate ko o kahit sino-sinong babae, wala man akong karapatan pero nagseselos ako. Tinext ko siya para sabihin ko pwede ba akong makipagkita sa kanya.

Ako:

Kuya Paulo, May sasabihin sana ako sa'yo. Puwede ba sa likod ng Science Building tayo magkita? Thank you. 4pm.

Hindi nagtagal ay nag-reply din kaagad siya.

Paulo:

Sige, See you, then.

Napangiti ako sa reply niya kahit ganun lang. Nang tumama ang tingin ko sa isang babae sa kabilang section, nasa may labas lang kasi kami ng UN building at hindi na pinpapasok ng mga school officers ang mga student sa loob ng mga classrooms kasi nililinis. Masama iyong tingin ng babae sa akin. Alam mo yung parang may mali ka na ginawa?

Napatalon ako sa gulat ng biglang ako gulatin ni Cathy, pinsan siya ni Paulo at siya ang nakaka-alam ng nararamdaman ko.

"Hoy! Ano na naman ba yang iniisip mo? Yung pinsan ko suplado?" ani Catherine kahit hindi naman suplado si Paulo, pero ewan. Siguro sa ibang tao.

"Grabe ka hindi naman suplado si Paulo." Sagot ko.

"Hay naku... Ano bang ginawa sayo ng pinsan ko at naging ganyan ka? Gayuma? Kulam? At hindi lang ikaw ang unang babaeng nakilala ko na nagkakagusto dun pati yung iba nating classmate may gusto rin. Like? Grrr. Bakit niyo nagustuhan yung lalaking 'yun?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ImperceptibleWhere stories live. Discover now