Dahan dahan akong umalis at tumungo sa 3rd floor. Madali naman akong naka iwas sa mga bantay.

Nang makarating ako sa 3rd floor isang malaking pinto lang ang nandoon. Loko yon ah. Iisa lang pala ang silid dito. Lumapit ako dahan dahan para makaiwas sa cctv camera. Kinuha ko ang stethoscope na ninakaw ko sa med lab ni Dr. Priston at sinuot. Pinakinggan ko kung may tao sa loob pero tahimik.

Yaka ko na to.

Bubuksan ko sana ang pinto ng narealise na nakalock ito. No problem.

Kinuha ko yung hair pin sa ulo ko at dahan dahan ginawang susi. Natutunan ko naman to kay Elias.

Click

Pagkarinig ko non agad kong binuksan ang pinto. Wow. I never thought it will be easy.

Pinagmasdam ko ang silid. Puno ng libro ang paligid at meron nga computer na nakalagay sa lamesa.

Agad akong lumapit at binuksan ang computer. Usual na may password ito pero syempre dahil kay JT natutunan ko paano mag hack. Agad ko nilagay sa flashdrive ang mga documents na nakapangaln ay Client.

Tinignan ko ang isang ms word at nakalagay doon ang mga pangalan ng pinagtratrabahuhan nila.

Habang nag aantay sa pagtransfer. Napadaan ako sa isang file. Pagkapindot ko ng file na yon na nakapangalan ay Lux in Tenebris. Puro image ang nakalagay. Pero nagulat ako kung anong litrato ang nandoon.

Bakit may mga litrato ako dito? Ang nakakagulat ay mula nung college days ko. May kuha pa sya nung nanalo akong Miss Beauty 2013.

What the hell is this?

Hindi ko alam pero parang stalker ang dating. Isang syndicate ang nandito. Anong kinalaman ko sa kanila?

Habang tinitignan ko ang ilang pictures ay nakarinig ako ng mga tunog ng baril. Sunod sunod ito!

Hindi kaya may nahuli sa amin? Kinuha ko na agad ang flashdrive at nilagay sa bulsa ko. Dali dali akong tumakbo palabas.

Pagkakita ko ay nagkakaputukan na sa baba.

This is not good. Tumingin ako sa isang bintana. Masyadong mataas.

No choice kung di bumaba ako.

I ready my gun. Dahan dahan akong bumaba habang nakita ko si JT na nakikipagbarilan.

Ibang iba ang aura nya. Parang hindi sya. Sanay na sanay sa pagbaril walang halong takot ang mga mata nya pero nakita ko ang lalaki sa likod nya aambang puputok ng baril.

Agad kong binaril ito sa kamay kaya napatingin sa direksyon ko si JT. Sya na rin ang bumaril ng tuluyan doon sa lalaki. "Salamat." He mouthed. Tumungo na lang ako at dumeretso sa pababa. I look at my watch, 20 minutes left.

Tumakbo ako ng mabilis at nakita ang isang bintana. Tamang tama na may hagdan ito pababa sa 1st floor. Pababa na sana ako ng nakita ko si Misty.

"Misty!"

Agad syang nakalapit sa akin na hinihingal. "May hagdan sa baba sa bintana ito. Halika na." Anyaya ko sa kanya.

"Nakuha mo ba yung files?"ani nya.

"Oo. Ikaw ba?"

"Oo, pero hindi ko alam kung tama ba tong nakuha ko sa lalaking may laptop na nakasalubong ko kanina."

"Ganun naman pala. Halika ka na tumakas na tayo."

Tumungo ito sa akin. Pinauna ko na syang bumaba sumunod na lang ako sa kanya.

The Red AssassinKde žijí příběhy. Začni objevovat