LOVELY & ACE - ONE SHOT

27 0 0
                                        

 

“Aamin ako? Hindi ako aamin. Aamin ako? Hindi ako aamin?” muntangang sabi ni Lovely sa sarili habang busy sa pagpitas ng mga petals ng bulaklak na hawak niya.

Namomomroblema kasi siya kung aaminin na niya ang nararamdaman niya para sa best friend niyang kay Ace.

“Hoy! Anong aaminin mo?” sabi ni Ace na bigla na lang sumulpot sa kung saan na parang kabute.

Bigla namang nakaramdam si Lovely ng kakaiba. Feeling niya lahat ng dugo sa katawan niya ay umakyat sa mukha niya.

Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. “Ah … eh … Wala ah!”

Umupo sa tabi niya ang walang malay na si Ace. “Asuuus! Maniwala? Di nga, Best? Ano 'yun?” seryosong tanong nito.

 

Tinignan niya ito. Kulang na lang ay malunod ito sa sobrang pagmamahal niya dito. Chot ~ Ang brown eyes nito. WhuU! Nang mapadako ang tingin niya sa mga labi nito, parang gusto niya itong halikan.

Gosh. Nagkakasala pa yata ako ng dahil sa lalaking ito. Sabi nang isip niya.

“Hay nako. Ang dami mong pinoproblema sa mundo. Wala 'yun, ano ka ba?” tumayo siya at binitbit ang bag. “Mauna na ako sayo. Maglalaro pa ako ng Tetris.”

……..

Pagdating sa bahay, sa halip na magbukas ng computer at mag laptop ay humiga si Lovely at nagmuni-muni. Almost three years na silang magbest friend ni Ace. Saksi siya kung paano nito i-handle ang mga babaeng dumaan sa buhay nito. Ang pinakamatagal na karelasyon nito ay si Diana na tumagal ng halos dalawang taon, na kung hindi lang lumipat ang babae ng school eh hindi pa sila mag-hihiwalay. Sa loob ng tatlong taon nang pagsasama nilang mag best friend ay hindi niya alam na nahulog na siya dito. At ang pinakamasaklap sa lahat, hindi pa siya umaamin dito. As in NEVER!

Isang buwan na lang, gagraduate na sila. Kailangan na niyang magtapat dito.

“Whuu! Keri ko ba ito?” ginulo niya ang buhok. “Hayyy! Keri ito” pag bo-boost up niya sa sarili.

….

Graduation Day na. HAHA! Bilis ba? Okay lang 'yan. Chos ~

Pinagpapawisan ng malamig si Lovely. Lahat yata ng pores niya sa katawan ay naglalabas ng mga pawis. Scary!

“Congratulations on your graduation.” sabi nung speaker.

Nagsipalakpakan ang mga students. Malamang. Nakipagbatian muna siya sa mga kaklase niya bago umalis para hanapin si Ace.

“Nasaan si Ace?” tanong niya sa isa sa mga kaibigan nito.

Itinuro nito ang left side ng ano … basta! Yung lugar. Pumunta siya doon. Natigil siya sa paglalakad ng makitang kausap nito ang nililigawan nito. Kumirot ang kanyang precious heart. “Aray ko naman.” bulong niya sa sarili.

Nagulat na lang siya ng maramdamang lumalakad siya papunta dito. Hindi niya alam kung bakit. May sumapi yata sa kanyang masamang espiritu.

“Oh, Lovel-“

Hindi na natapos ni Ace ang sasabihin dahil kinwelyuhan niya ito at bago pa ito makapag react ay nahalikan na niya ito sa lips. Wow! Yummy. Delicious. Magnificent.

Mga thirteen seconds din siguro ang tinagal non. HAHAH! Chos ~ Pag bitaw niya ay halos lumuwa na ang mata nito sa sobrang pagkagulat.

Napayuko siya. Sumasakit na ang lalamunan niya dahil sa pagpigil sa mga luhang kanina pa gustong lumabas. Tumawa siya na parang engot. “Ha-ha!” sabay suntok dito sa dibdib. “Gago ka. Mahal kita.” iyon lang at tumalikod na siya.

Mabilis pa sa kabayo kung maglakad siya. Narinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.

Nang makarating sa may cr, dun niya inilabas lahat ng sama ng loob niya. Pero proud na proud siya sa sarili niya dahil nagawa niya ang bagay na iyon. WhUu. Tumingin siya sa salamin. “Wow. Kung may award lang para sa mga tanga, panalo ka na.” kausap niya sa sarili.

Muntik na siyang madulas ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa niyon ang lalaking hinhingal. Si Ace.

“What’s that all about?” seryosong tanong nito.

Hindi tumitingin ay inayos niya ang buhok sa harap ng salamin. She’s trying to compose herself. “It’s just a kiss. It’s not a big deal.”

“Not a big deal?” tumaas ng kaunti ang boses nito. Halatang galit(?). “Of course it is a big deal.” huminga ito ng malalim. “Mahal mo ako?”

Tinignan niya ito ng masama. “Oo. Mahal kita. Bakit papalag ka?”

Sa gulat niya ay biglang ngumiti ito. “Of course not.”

“Hindi naman pala eh. Anong ginagawa mo dito? Bakit sasabihin mo ba na bawiin ko 'yung sinabi ko sayo? O sasabihin mong mahal mo na ako?”

Malapad ang ngiting inakbayan siya nito. “Syempre, 'yung pangalawa.”

“Ahh.” nalungkot siya. “Sige, babawiin ko na.”

Nagulat ito. “Hala. Saglit! Mali pala. Yung pinakalast.”

Siya naman ang nagulat. “M-m-mahal mo ako?”

“Hindi. Mahal ko sarili ko.” papilosopong sagot nito.

Nagsalubong ang kilay niya at hinampas ito sa dibdib. “Ano nga? P*tang Ina naman oh. Magtatapat ka ba o maglolokohan lang tayo dito?”

“Ito naman oh. Laging galit? Kailangan may kasama pang mura?” pabirong sabi ulit nito. Naasar na siya at akmang lalabas na pero napigilan siya nito sa braso. “Oo na. I love you na nga eh.”

Hinarap niya ito. “Napipilitan ka lang 'yata eh.”

Nagkamot ito sa ulo. “Ang daming arte? I love you na nga diba?”

Ngumiti siya. “Since when?”

“Since the first time i laid my eyes on you.” back-to-serious-mode ito.

Nakaramdam siya ng kilig. “Eeeh. Bakit hindi ka umamin?”

“Nakakatakot ka kasi eh. I don’t want to ruin our friendship you know?”

Niyakap niya ito. “Kasi naman e. Ang tagal tagal tagal tagal mo akong pinahirapan. Mahal mo din naman pala ako.” reklamo niya.

Magsasalita pa sana ito ng biglang bumukas ang isang pintuan ng cr at lumabas ang kaibigan niya. “Ano ba 'yan? Magtatapat na nga lang dito pa sa cr. Nakakahiya kayong dalawa.” iiling-iling na sabi ng babae.

Natawa silang pareho ni Ace. Magkahawak ang kamay na lumabas sila ng cr. Kahit na pinagtitinginan sila ng tao eh cool pa din.

 

Ano kayang mangyayari kung hindi siya umamin? Kung hindi niya ginawa ang move na iyon? Sa tingin niyo magkakatuluyan sila? HAHAHAHA!

Matagal na itong story na ito. Dahil newbie lang ako, i decided to publish this one. Sorry kung magulo. Bangag ako nung ginawa ko ito. HAHAH ~ Ni hindi ko nga alam kung ano ang title nito. Sorry talaga ~

 DON'T FORGET TO LEAVE A COMMENT/VOTE. Thank you for reading. If you have time, please drop a message on my inbox. :3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 11, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVELY & ACE - ONE SHOTWhere stories live. Discover now