"Nagkita na ba kayo ni Jonathan?" narinig kong tanong ni Marvin kay Julia, bakit ganoon kahit pangalan lang niya parang nawawala sa position ang puso ko which is hindi dapat dahil matagal ko nang binaon kung anumang damdamin ang naramdaman ko sa binata.

Hindi ko na narinig ang sinagot ni Julia doon dahil minabuti ko nang tuluyang isarado ang pinto nang kuwarto.

Minabuti kong lumabas na muna nang hotel na tinutuluyan namin, sa Le Monet kami nakacheck in habang hinihintay namin ang oras nang kasal, dahil hindi naman gaanong kalayuan ang Camp John Hay ay nagdecide akong lakarin na lang papunta doon.

Medyo maraming turista ngayon dahil nga summer tapos bakasyon pa sa school, makikita ang mga magkakapamilya, magkakabarkada at magkakasintahan na namamasyal sa naturang lugar.

There is one couple na agad kong napansin na sobrang sweet sa isa't isa, kahit pareho silang lalaki ay wala silang pakialam sa paligid nila at patuloy lang sila sa paghoholding hands habang naglalakad.

Dati nangarap din akong maeexperience ko ang bagay na ganito, holding hands with the one that you love at akala ko nakita ko na siya ngunit mali pala ako.

"Badtrip!" asar kong sinabi dahil kaya nga ako lumabas ay para maglibang at hindi isipin ang mga walang kuwentang bagay.

Hindi ko na tinuloy ay bumalik na lang sa hotel at dahil alam kong nasa kuwarto pa namin ni Marvin si Julia ay naisipan kong puntahan na lang ang nakakatandang kapatid ko na si Maggie at dahil nag-iisa naman ito alam ko namang wala akong maiistorbong tao.

"What do you want?" mataray na tanong nito sa akin nang mapagbuksan ako nito nang pinto, unlike me hindi man lang ito nag try mag aral nang Tagalog dahil hindi daw niya feel.

"Hi Maggie can I sleep here?" nakangiti kong sinabi dito at hindi ko na hinintay na itong makahindi at agad akong humiga sa kama nito.

"Feel at home." she said with so much sarcasm in her voice, some things never change and that includes my sister's attitude.

"Thanks sis." sinabi ko dito, naramdaman ko na lang na muling bumukas ang pinto at nagsara din naman at nang tignan ko ay nakita kong naiwan akong mag-isa sa loob ng kuwarto.

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam nang pagsisisi dahil iniisip ko kung tama nga ba ang naging desisyon ko na bumalik nang Pilipinas.

Ilang minuto lang ay naramdaman ko na ang pamimigat nang mga mata ko at dahil alas siyete pa naman ang kasal at alas diyes pa lang nang umaga ay minabuti ko nang matulog na lang muna.

"Dustin wake up!" nagulat na lang ako nang marinig ko ang pagsigawa nang ate ko.

"Maggie please I just slept, give me more time please geez." pagrereklamo ko sabay takip nang unan sa mukha ko.

"What do you mean give you more time to sleep, don't you know what time is it?" patuloy pa din nitong pagnanag.

"Oh shit!" ang nasabi ko na lamang nang makita kong alas sais na nang gabi kaya dali dali akong bumalik sa kuwarto namin ni Marvin at naabutan ko pa itong nagsusuot nang damit pangkasal nito.

"Where have you been Dustin malapit na ang kasal ko." reklamo nito na patuloy pa din na sinusubukang isuot ang neck tie nito.

"Sorry Marvin nakatulog ako, just give me ten minutes." at matapos non ay dali dali akong pumasok sa banyo at madaliang naligo, paglabas ko nang banyo ay hindi ko na nakita si Marvin at naisip kong nauna na itong bumaba.

Madalian akong nagbihis nang susuotin kong damit para sa kasal ni Marvin, actually since hindi naman traditional wedding ang mangyayari walang magiging entourage just Marvin walking on the aisle both my dad and Tita Anita on both sides.

"Sorry." paghingi ko nang paumanhin dahil mukhang ako na nga lang talaga ang hinihintay at handa na ang lahat.

Tahimik lang ang lahat habang nasa biyahe halatang halatang kinakabahan ang lahat sa nalalapit na kasalan.

"Nasan na nga pala si Xavier?" tanong ko kay Marvin na katabi ko sa bandang likod nang kotse.

"Nasa simbahan na siya." he said still looking outside at kahit hindi nito sabihin ay alam kong grabe pa din ang nararamdaman nitong kaba.

"Ano ka ba naman Marvin, relax ka lang hindi naman execution ang pupuntahan natin, kasal mo ang pupuntahan natin." biro ko dito.

"What made you say na kinakabahan ako?" defensive na tanong nito.

"Well kanina ka pa kasi nagkukuyakoy and I know for a fact na ginagawa mo yan kapag kinakabahan ka." natatawa kong sinabi dito.

"Well you can't blame me, what if kung madaming maling mangyari, what if kung marealize ni Xavier na hindi niya pala ako mahal talaga at hindi na niya gustong ikasal...." tuloy tuloy nitong sinabi ngunit hindi ko na hinayaan itong matapos sa sasabihin niya at agad kong tinakpan ang bibig nito gamit ang daliri ko.

"Marvin listen to me, walang mangyayari kung magiging negative ka, I saw how Xavier look at you and I can definitely say na mahal na mahal ka ni Xavier at hinding hindi niya magagawang iwanan ka." paliwanag ko pa din dito ngunit mukhang ayaw talagang paawat nito at patuloy pa din sa pag-iisip nang negative kaya isang idea ang pumasok sa isip ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong nito nang makitang kinuha ko ang phone ko sa bulsa nang suot kong pantalon at tumawag.

I gestured for him to wait and after few rings ay narinig kong sinagot naman agad ni Xavier ang tawag ko.

"Hello Xavier masyadong nag-iisip ang mapapangasawa mo, kausapin mo nga." sinabi ko sabay aboy nang cellphone kay Marvin.

Hinayaan ko na lang silang mag-usap habang nasa biyahe, for Marvin's mind to be occupied by something else.

Finally dumating na kami kung saan idadaos ang kasal, nalaman na namin na nasa loob na din si Xavier at naghihintay sa altar samantalang kasama ko si Marvin, my sister, my dad and Tita Anita sa labas ng simbahan.

"I'm so happy for you son." naiiyak na sinabi ni Tita Anita sa anak, hindi ko maiwasang hindi maging emotional sa nakikita kong closeness nang dalawa, hindi ko kasi naexperience ang ganitong closeness with my mom.

Sandali lang ang lumipas at nagsimula nang tumugtog ang you're my home, at nagsimula nang pumasok si Marvin sa magkabilang side niya ay si Daddy at si Tita Anita.

The wedding is so serene, at kabaligtaran sa iniisip ni Marvin ang nangyari everything went well , well almost dahil ang taong ayokong makita ay nasa loob mismo nang simbahan at pinilit kong iwasan mapatingin dito habang yakap ko ang kapatid ko matapos ang kasal nito.

"Congratulation Marvin and Xavier." para akong naestatwa nang marinig kong nagsalita si Jonathan behind my back.

"Excuse me Marvin." nakangiti kong sinabi dito at agad lumayo sa mga ito, kahit nakatalikod ay nararamdaman ko pa din ang maiinit na titig nito sa likod ko.

I really can't wait for my stay in the Philippines to end.

Learn To Love Again (Boyxboy)Where stories live. Discover now