Chasing Her (Chapter One Part One)

37 3 0
                                        

BABALA: Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga MALA-TH (Trying Hard) na pag-iingles at mali-maling taypo.

Ang mga tauhan, lugar at pangyayari na mababanggit ay resulta lamang ng palaging pananaginip ng nagsulat habang gising, dilat na dilat ang mga mata habang tirik na tirik ang araw.

P.S.

Unang istorya na ginawa ng author. Nawa'y inyong maunawaan. Pakasaya (Enjoy!) ??

P.P.S.

Walang Prologo.

Chapter 1

''INANG,uwi na po ako. ''

Paalam ko at lumapit sa kanya para makapag-mano. ''Salamat po dito.'' Sinsero ko pang dagdag, sabay taas sa hawak kong plastik na may laman na lutong-bahay na menudo at kaldereta.

''Pagpalain ka 'nak. Ikaw talagang bata ka. Kasama 'yan sa pasweldo ko sa'yo. Aba't syempre luto mo 'di mo matitikman? '' Naka-ngiting tugon nya sa akin.

Napakamot na lang ako sa ilong ko.

''Sige po, Inang.'' Bahagya akong tumango sa kanya tanda ng pagpapaalam. Narinig ko ang pahabol nyang ''Mag-ingat ka,Maricar.'' , kaya pagkasakay ko ay nginitian ko muna si Inang bago ako magpatakbo at umalis.

Pero Hindi pa ako gaano nakakalayo nang namataan ko ang isang babae na mabilis na kumakaway ang kamay mula sa loob ng tindahan ng mga produktong nagtitinda ng mga gawa sa abaka, mga walis, bunot at iba pa. Kaya't kunot-noo kong pinabagalan ang takbo ko hanggang sa nakarating ako sa tapat ng tindahan ng mga damit, na katapat ng tindahan nya.

Nagmamadaling tumawid hanggang sa makalapit sa akin ang naka-duster, nakaipit ang bahagyang magulong buhok (gamit ang pang-ipit na tinatawag na clam- karaniwang gawa sa plastik) habang may hawak na pamaypay na gawa sa abaka-na isa rin sa paninda nya. Kung hindi lang binanggit sa akin ni Cha na ang edad ng babaeng nasa gilid ko na ngayon, ay mapagkakamalan ko syang kwarenta'y singko o higit pa, ina na may limang anak, pero hindi. Bente-sais anyos pa lamang sya at may tatlong anak (triplets). Ate ang tawag ko sa kanya non. Pero nung nalaman nya ang edad ko (20 ako non at sya ay 24), sa pangalan nya na lang ko daw sya tawagin, 'wag nang lagyan 'Ate', dahil 'tropa' nya daw ako.

''Bakit Bellen? Anong problema?'' Pag-aalalang tanong ko.

''Maliban sa asawa kong malantod pa kesa sa pusa ng kapitbahay namin na laging buntis, at sa kung pa'no ko papaaralin ang aking Tres Marias, masasabi kong wala naman.'' Kahit may halong pagbibiro sa tono nya, nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko nang mabanggit nya ang kanyang asawa at ang Tres Marias ika nya. Pero nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko sa kanya ang 'wala naman'.

''At dahil nabanggit ko ang aking Tres Marias... Uy, pag nakita mo silang pakalat-kalat sa daan,pakisabihan namang umuwi na sila. Ala e magtatanghalian na kamo. Ha? Maricar? ''

''Haha. Sige Bellen. Kala ko kung ano na't nagmamadali ka talaga kaninang lumabas sa tindahan nyo.''

''Aba syempre! Na-miss kita e.'' Saba'y taas-taas pa ng kilay.

''Pft! Ako nga ba? Eh mukhang kung saan-saan na nakarating ang kamay mo a?''

'' 'Toh naman! Pahimas lang! Parang di naman tayo tropa nyan. Osha. Basta pag nakita mo sila pauwiin mo dito ha? Sige, Labyu! Layas ka na!''

Pambihira. -__-

''Hanep kang magpalayas huh? Sagasaan kita dyan e. ''

''HAHAHA! Kung magagawa mo. Mahal mo kaya ako.'' Ngingisi-ngisi pa 'to. Ako pa talaga hinahamon nito.

.

.

.

.

Chasing HerWhere stories live. Discover now