Aziae
"Okay po ma,bye po mwamwa!".Pagkatapos kong makausap si mama nagbihis agad ako,kauuwi ko lang din kasi galing school.Wushu,nakakapagod ang ganito.
Yung araw-araw pare pareho lang ang gagawin mo,paulit-ulit hays.Gigising ka,magluluto,magpaplantsa,papasok sa school,gagawa assignment,maglalaba,magluluto ulit,sabay aral,tapos kung matutulog man ako kakaunting oras lang.Ganito ba talaga kapag mag-isa?Mahirap mamuhay?Ako kasi nagawa niyan lahat para sa sarili ko.
Hindi naman sa madrama ako pero mahirap talaga kung wala kang kasama.Hindi rin dahil sa gusto ko may magasikaso pa sakin,nakakamiss din kasi sila.Yung gigising ka sa umaga,sila ang makikita mo at mas gaganahan ka pang kumilos kung ganoon.Hays talaga.Pero naiintindihan ko naman kung wala si mama dito eh,kailangan niyang magtrabaho para sa amin tho andoon siya umuuwi sa bahay namin kasama ang kapatid ko.Nakikitira lang ako dito,sa ninang ko.
"Zeng!Anak,baba na.Nagluto ako ng meryenda"
Ohhh,ayun si Ninang Mau malapit na kaibigan ni Mama.Umuuwi lang siya kapag friday at aalis ulit ng sunday morning para magtrabaho.Kaya kahit papaano excited ako kapag friday,kasi bukod sa walang pasok kinabukasan eh uuwi rin si ninang.Palagi kasi ako inaasikaso ni ninang tuwing ummuwi siya dito,ang sweet lang parang si mama ko.Pero pagdating ng Sunday balik nanaman sa dati ang lahat,nasanay narin naman na ako sa ganitong set-up.
"Opo nang pababa na!"
Pagkababa ko nagulat ako...
Y-yung...notebook na'to..eto yung nakita ko kahapon at gustong gusto ko bilhin!Meron si ninang neto!?
"Oh zeng,gulat na gulat?haha"
"Ah..eh nang san mo po ito nabili?sa national bookstore po ba?"
"Nope,haha you'll see"
"Uhh..po?"
"Wala,sabi ko para sayo yan"
Mygawd!Para sakin daw?Kung para sakin to..huwa!!Hindi ko naman hilig magsulat sa mga nakatagong notebooks,notepads and etc.Binibili kolang sila kasi ang gaganda ng covers at designs hihi,pero sa isang to siguro susulatan ko nalang.Sayang naman yung ibinigay sakin ni ninang eh.
Dumeretso na ako sa kusina at alam na alam ko kung ano yung meryendang inihanda ni ninang.Ting!Mac and cheese!Our favorite!
"Nang,maganda naman yung napili kong regalo diba?".Yung regalong tinutukoy ko para kay mama yun,birthday niya na bukas at pupunta kami ni ninang hihi.
"Hmm..oo naman!For sure mas magugustuhan niya yung regalo mo kesa sakin"
Napatango-tango nalang ako,hehe sana nga.Excited na ako bukas.Maisulat nga to sa notebook kong bago.
***
Andito na ako sa kwarto ko,oo kwarto ko to.Tutal wala namang anak si Nang Mau akin to.Wala rin siyang asawa,boyfriend meron.Ewan ko ba kay ninang puro boyfriend feeling dalaga.
"Hmmm...ngayon masusulatan na kita..." kausap ko yung notebook na binigay ni ninang.
Nakita kong wala pala tong title sa harap,so naisip kong lagyan at idesign.
"Ano kayang maganda?"
"Hmm..ano ba?"
"Arghh!Ano ba?Ayoko magsulat kung walang title!"
Tsk.Tsaka ko nalang to susulatan,itatago ko muna ito.
Humiga nalang ako at kinuha yung ireregalo ko kay mama.Hays,hindi talaga ako sure dito.Sana lang talaga magustuhan niya.
Beep,beep
Anuyun?hala teka may nagtext sakin?Omoo si mama!
Fr:Unknown
-Hi.
Huh?Sino naman to?
To:Unknown
-Wala akong pera,di kita mapapaloadan jan ng 100 o kung anumang halaga yan!Wag kana magpadala,ipanload mo nalang.Bye.
In-off ko nalang yung phone ko pagkatapos.Alam ko namang mantitrip lang yun.Psh,anong akala nila sakin?Uto-uto?Ha,dati lang yun.Dati.
Nagdrawing nalang tuloy ako sa pader ng kwarto ko,sobrang boring kasi tsaka yung mga papel ko nasa pinakababa ng cabinet ayoko tumayo.Saktong may pentel dito sa tabi ko,teka bakit may pentel pen dito?
"Omyghad!Ang ganda hehe".Feeling proud talaga ako sa sarili ko.
Naisipan kong matulog,pero naisipan kolang yun diko alam makakatulog pala talaga ako.Hay,buhay.
***
Toktoktok!
Ano bayon!Bakit ang ingay?
Toktoktok!
Karpintero kaya yun?sira ba ang bahay ni ninang ko?
"Zeng!Buksan mo to,kakausapin ka ng mama mo,Zeng!"
Teka?Boses bayun ni ninang?Hala!
Napatayo ako ng wala sa oras,at dali daling pumunta sa banyo.
"Nak!Zeng,juskong bata to oo."
Rinig na rinig ko parin ang boses ni ninang hanggang banyo,grabe.Nakakahiya kasi kung pupunta ako dun sa may pinto ng kwarto diba?Eh hindi naman doon ang cr.Bahala na.
