What if sumulpot nalang bigla na parang kabute ang isang taong napaka importante sa buhay mo DATI sa panahon na nakalimutan mo na ang lahat?
What if hinanap ka niya ng napakatagal na panahon para sabihing mahal ka niya?
What if sa muling pagkikita niyo ay bigla ka nalang na fall at wala siya para sumalo sayo?
What if may nalaman ka na sana ay hindi mo nalang nalaman?
Anong gagawin mo?
﹏♡﹏♡﹏♡﹏
Nandito ako ngayon sa main na simbahan sa aming syudad, actually kasama ko ang mga youth sa chapel namin dahil nga sa ilang araw nalang bago ang pasko, nagpatawag si bishop para sa gaganaping christmas party para sa mga youth na nag se-serve sa simbahan.
"Ven, kuhanan mo nman kami ng dalawang mono block chairs sa baba please?" Sabi ni ate Arianne-kasamahan ko sa youth and barkada ko.
"Okay po." Sabi ko at bumaba na. Hinanap ko kung saan naka lagay ang mga mono block chairs, at nakita ko rin nman kaagad.
Kumuha ako ng dalawa sa mga naka file doon at umakyat na. Medyo nahirapan pa nga ako dahil nasa 3rd floor pa yung hall kung saan ini-held ang party.
"Hey!" Sabi nung lalake. Tama lang yung height niya, moreno, maganda ang mata, matangos ang ilong, nakababa ang mga buhok nya na halos tumabon sa kanyang mga mata mukang magka age lang kami at...
"Uhhhm Vennette are you okay?"
Oh shit! ang bopols mo talaga Ven! Ideniscribe mo pa sya sa utak mo habang naka tulala sa kanya! Arrrrgh!
"Uhhhh y-yes i-i'm okay" Shit! Ven ba't kaba nauutal dyan? Umayos kaaaaa! Pesteng utak to! Ang ingay mo! Tahimik!
"Ako na magdala niyan sa itaas Vennette, mukang nahihirapan ka" saka niya kinuha ang mga chairs sa akin.
"Thankyou!" sabay smile sa kanya. Paalis na sana sya ng may naalala ako.
"Hey! Mr. Uhhhh uhmm-"
"Haha you're cute! I'm Kieth. Kieth Castrences" sabay lahad ng kamay niya para makipag shake hands.
"I'm Ven-" saka ko kinuha yung kamay niya at nakipag shake hands. But hindi natapos yung pagpapakilala ko dahil bigla syang nagsalita.
"Vennette. Ayessa Vennette Arieniego right?" Nag nod naman ako sakanya as a sign of agreement.
"How did you know my name?"
"Hahaha secret!" Saka kumindat sa akin at tumakbo na sya sa naka assign na place para sa amin at nakita kong ibinigay na niya ang chairs kay ate Arianne.
Sumunod nman ako at tinulongan ko silang mag ayos-ayos dahil sa may contest din sa pagandahan ng table setting. May possibility na kami ang manalo dito dahil halos mga barkada ko ay HRM ang course na kinuha at siguradong napag-aralan nila kung paano mag design.
Natapos din namin kaagad lahat bago pa nag simula ang proper program. Nagsimula sa opening prayer tapos nag speech nman ang bishop namin tas yung isang priest din. Nagsalita na din ang mc at sinabing magsisimula muna sa mga games. Exciting to! Hahaha
Nang matapos na yung mga games, syempre kami ang nanalo sa halos lahat ng games.
"Okay! Looks like you're having fun huh?" sabi nung MC
"Now, let's give around of applause for the intermission number perform by COM choir! But this time, they will not sing. They will give us a dance number!" masiglang sabi nung MC.
Nagsimula ng tumugtog ang music at nag simula na silang sumayaw. Ang gagaling lang nila, grabe! Ang hot ng mga boys *___*
(Ang laswa mo Ven!)
(Huh? Sino ka?)
(Gaga! Hindi ako sinuka ng nanay ko, iniluwal ako!)
(Tss. Epal mo!)
Bumalik naman ako sa realidad ng siniko ako ng kaibigan kung bakla.
"Oy! Ven!"
"Ohh?"
"Tignan mo yung lalaki na naka yellow! sheeet! Ang gwapoooooo niya Veeeeen!" sabay turo ni bakla sa lalaking sumasayaw sa bandang gilid.
"Tseee! Tumahimik ka nga bakla!"
"To naman! Pero aminin mo, ang gwapo diba? ohmygosh! Naka tingin sya banda rito ayiiiiiie! Ano bayan! Ang ganda ko talaga!" Pesteng bakla to, ang pangit tignan pag kinikilig.
Biglang nag change position sila at nasa harap na ng mesa namin yung lalaking naka yellow knina. Oo nga. Tama yung baklang yun, ang gwapo niya pala talaga! Matangkad, tama lang yung hubog ng katawan, maputi, bubble eye ang mata na color brown, at itim na itim na buhok, naka baba rin ito na halos matakpan na ang maganda niyang mata. Wow. As in. Wow! Ang galing niya talagang sumayaw! Ang cool ng mga moves niya! Ang lakas niyang maka attract ng attention at isa na ako doon. Bigla siyang tumingin sa akin with his shocked expression all over his face. Tapos biglang nagbago at napalitan ng ngiti sa kanyang mapupulang labi habang sumasayaw.
Nang tapos na silang sumayaw ay nagpalakpakan nman ang mga tao. Pero para akong na istatwa sa kina uupoan ko dahil lumingon siya sa akin at binigyan ako ng isang ngiti.
Isang ngiti na nakapagpabago ng tibok ng puso ko.
