"Ah, ganoon po ba." saka binalin ang tingin sa akin. "Hanggang ngayon hindi ka pa pala nagiging writer?"

"Anong ibig mong sabihin martha?" nagtatakang tanong ni Ma'am Janice.

"Kung hindi kasi ninyo naiitanong Ma'am Janice si Zia, dalawang taon na po yang gumagawa ng story at halos nag-apply na sa kung saan-saang Book Publishing Company pero wala sa ginawa niya ang inaprobahan. Diba Zia? I'm very suprise hindi ka parin sumusuko sa pangarap mo."

Sadyang pinapainit ni Martha ang ulo ko kasi alam niya hindi ako makakaganti sa kanya sa sitwasyon ngayon. "Ah, ganun ba." bakas sa tinig ni Ma'am Janice ang pagdismaya.

Magsasalita na sana ako nang inunahan na naman ako ng bruha. "Ganun na nga po. Oo nga po pala gusto ko po sana pag-usapan natin ngayon yung pinasa kong story kahapon sa inyo."

"Oo nga pala. Ahm. Ms. Martinez tatawagan ka nalang namin kung pasado ko."

"Okay Ma'am, Thank you for your time."

Hindi pa nga ako nakakalabas ng silid. "Ah, Zia please close the door when leave and I hope we see each other again." hirit nito.

"Don't you worry, I know my manners and hope we see each other soon, Martha." saka lumabas na ako sa silid.

Sa mga nangyari ngayon I really need to go to a certain place where I can release my morose mood.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥


.....ARCADE....

"HAH!" nasigaw ko bago malakas na hinampas ang malaking hammer sa isang malaking red button. Mayamaya tumunog na ang Jackpot Ringtone at dun nagkahiyawan na sa loob ng Arcade, halos napalibutan na ako ng mga bata habang pinapanood akong maglaro ng King of Hammer panglima na Jackpot ko na yung nakuha ko ngayon. Binigyan ko naman sila ng isang bow na maala-prinsipe, ang mga bata naman sa sobrang tuwa ay napatalon-talon at napapalakpak ng bonggang bongga sa kanilang nasaksihan.

Now I can feel my morose mood is gone now, kinuha ko na ang mini bagpack ko sa sahig at yung mga ticket ko na halos lagpas tuhod ko na.

Lumapit naman ako sa pinakamaliit na bata na nanood sa akin at binigay sa kanya ang ticket ko. Binigyan naman ako ng matamis na halik sa pisngi nung bata, natuwa ito sa binigay ko, sa rami naman ng ticket ko siguradong marami din siyang mauuwing laruan. I tap his head then lumabas na ng arcade.

Agad naman akong dumiretso sa venue ni Amie na nasa loob lang din ng mall napinuntahan ko, may meet and greet kasi ito sa mga fans niya para sa kalalabas lang niyang librong sinulat.

Pagdating ko doon medyo madami din yung mga taong nakapila para magpa-autograph at magpapicture sa kanya, sa kabila ng kasikatan Amie she is till my bestfriend kagaya nung High School.

Mabait, Mapagmahal at Luka Lukang kaibigan. Minsan na iimagine ko paano kaya kung ako ang nasa posisyon ni Amie siguradong ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo pero hanggang imagine lang ako.

May chance na sana ako kanina kung hindi lang dumating yung kontrabida sa buhay ko, ayan tuloy nawala ng parang bula ang pinaghirapan ko.

Mayamaya napansin na ako ni Amie, kumaway siya at kinawayan ko naman ito. Halatang busy na busy ito kaya hindi na ako lumapit at umupo muna ako sa may gilid habang nakatanaw sa paligid.

Parang biglang nagpass forward ang paningin ko sa buong paligid, it jus make me realize na parang ako nalang yata ang mahinang tao sa sobrang hina hindi na nakakasabay sa ikot ng mundo.

Kapag Tumibok Ang Puso (Timaan)Where stories live. Discover now