Meeting Her
IGI's POV
It's Tuesday morning, I woke up early. Sports Fest sa school, kailangan daw maaga para sa warm up.
Isang malaking kalokohan tong pagsama ko sa Engineering's volleyball. Kung di lang para sa girlfriend ko, siguro wala ako dito. 😒
Oh btw, I'm Igi Rafael Martinez, it's Iji not Igee. 18 years old at 2nd year college student taking Civil Engineering.
Naligo na ako at agad umalis ng bahay para sunduin si Nicole, yung girlfriend ko na player din para sa department nila.
5:30 palang nasa harap na ako ng bahay nila Nicole. Pareho lang naman kami ng village kaya no worries.
I texted her para malaman niyang andito na ako.
Me:
Goodmorningg hon, andito na ako sa harap. Matagal ka pa ba? 5:30 yung usapan diba? I'm waiting here. I love you. *hugs and kisses. 😘
5 minutes muna bago siya nagreply. Hays. Alam naman niyang low tempered person ako pero lagi nalang niya akong iniinis everytime na may ganito kaming usapan.
Nicole:
Coming hon.
Agad namang umilaw yung harap ng bahay nila. At natanaw ko na syang palabas ng bahay nila.
Pagpasok niya palang tinignan ko na agad sya ng masama.
"Maglalaro tayo Nicole, hindi to fashion show. Ba't kailangan mo pang magmake up?" -sabi ko sa kanya.
Oo, tama na naman nasa isip ko kaya siya natagalan dahil sa make up na yan.
"Igi kilala mo ako, di ako kumportable kung di ako maayos tignan." Sagot niya habang nakatingin sa bintana.
Instead of making an arguement with her, I start the engine at nagdrive papuntang school.
This past few days di na sya gaanong sweet. Ewan ko ba kung anong nangyayare. Pero siguro ay dahil lang sa problema nilang pamilya.
Pagdating palang namin ng school, nagmamadali agad sya bumaba pero pinigilan ko.
"May problema ba tayo? Sabihin mo naman oh." Sabi ko sakanya habang hawak ko ang kaliwang braso niya.
Nagkatitigan muna kami bago sya sumagot. Bakas talaga sa mga mata nya yung lungkot.
"Igi please? Wag mo nalang muna akong intindihin, dahil lang kay papa to. Sige alis na ako." Mabilis niyang sagot at tinggal ang kamay ko sa braso niya saka umalis.
Naiwan kong tulala dahil sa mga sinabi niya. Ano daw? Wag ko siyang intindihin? Pero paano!? Mahal ko sya eh.
~
30 minutes muna akong nag-isip bago ako umalis.
Maya maya, napagdesisyunan kong umalis na at pumunta sa meeting place.
Pagdating ko sa meeting place, lahat nakatingin sakin. Dahil ako nalang talaga ang di nakauniform.
"Oh Igi! Ba't ngayon ka lang?" Ani Teng. Player din ng department namin.
"Magbihis kana Igi at magwarm up. Mamayang 8 na ang opening at first game tayo." Sabi saken ng coach namen.
Sinunod ko nalang sinabi ni Coach. Wala talaga ako sa mood makipag-usap ngayon. Dahil din kay Nicole to kaya lutang ako ngayong araw.
8am nag-umpisa yung opening. Pero lahat ng sinasabi ng mga speakers sa lahat eh di ko magawang pakinggan.
Nagulantang nalang ako ng may biglang tumapik saken galing sa likudan ko.
"What?" Iritadong lingon ko sa likod. Pagkalingon ko, Best friend ko pala. "Uhh, sorry. Ano yun, Ash?"
"Bakit ganyan uniform mo? Volleyball talaga sinalihan mo ha. Sayang pa namang gwapo ka at mukha kang bakla dahil sa suot mo." Aniya.
"Pumunta ka lang ba dito para insultuhin ako?" Sagot ko sakanya. At napalingon ako sa kasama niya. Mali tong naiisip ko eh, pero ang ganda niya. She's like an angel that God sent here for me.
Napansin naman agad ni Ash na napatingin ako sa kasama nya at agad na pinakilala saken.
"Ay oo nga pala. Igi this si Jhae, Jhae this is Igi my best friend" pagpapakilala naman ni Ash.
Jhae? Perfect name for her.
"Hi." sabi ko at nilahad ko kamay ko dun sa Jhae. "Nice meeting you, Jhae"
"Nice meeting you to, Igi." sagot niya nakipagkamayan.
Magsasalita pa sana ako kaso tinawag na ako ng mga teammates ko dahil mag-uumpisa na daw ang game.
Tumayo na ako at hinarap ang dalawa.
"See you around." sabi ko sabay takbo paalis.
Di ko makalimutan yung mukha ni Jhae kaya di ko maiwasang hindi mapangiti. I guess MEETING HER MADE MY DAY.
KAMU SEDANG MEMBACA
Better Left Unsaid.
Fiksi RemajaHave you ever been in love? Been in love with someone who can't stay with you? Or.... Been in love with someone who can stay with you but she can't even trust you but she told you that she loves you?
