Chapter 1: Falling in Love

60 2 1
                                    

-Andrei POV-

Nasa school ako ngayon. Actually, natakbo palang papunta ng school kase male late na ako. Pagpasok ko ng High School Department ng school namin, biglang nag bell at... Salamat, hindi ako late. Pagpasok ko ng room, nagpa flag ceremony na sila at boom...wala pa si Mam... Yes.

"Asian Computer College, are pride to be remember for all times." Sigaw ni James.

Pagkasigaw niya nun, may pumasok sa room at...

"Patayyyy! Si Mam!" Pabulong kong sinabi.

"Where's Mr. Laxavera? I want to talk to him." Sinigaw ni Mam.

"I'm here po Mam." Nauutal kong sabi Kay Mam.

Napatingin nalang ako sa mga kaklase ko kasi may hawak na papel si Mam.

"May ipapasulat lang ako sayo sa board." Biglang sulpot na sabi ni Mam.

"Hayss. Akala ko kung ano yun." Binulong ko sa sarili ko.

May ipinasulat sa akin si Mam sa board pero dapat si Shakira talaga nagsusulat nito e kase sya ang secretary of this class.

"Quote ba to or kung ano ano lang." Bulong sakin ng diwa ko

Pagkatapos kong magsulat, biglang bumungad sa paningin ko si Jeff Ramos. As in si Jeff at kasama pa si Lian at Jeru ha.

"Watdaaaa!!! Ang gwapoooo!" Napasigaw ako kase ang gwapo talaga ni Jeff.

Parang feeling ko na LOVE AT FIRST SIGHT ako pero hindi ako naniniwala dun, sa SECOND SIGHT lang. Hahahahaha. Charr. Ang alam ko, si Jeff Ramos ang ex ni Shakira. Pero imposible kasi ang laki ng ilong nun e pero maganda parin.

Kasama ko si Krystel at nagkekwentuhan kami ngayon.

"Kilala mo ba si Jeff Ramos?" Tanong ko kay Krystel.

"Yung ex ni Shakira. Oo. Kaibigan ko yun e. Bat mo natanong?" Sagot ni Krystel.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o wag nalang. Baka kasi ipagkalat niya!

"Pweee. Si Jefffffff!!!!!"

Hindi ko alam kung namumula naba ako sa sobrang kilig o natatakot dahil baka sabihin ni Krystel na... Ayy di ko pa pala sinasabi sa kanya.

"Jeff! Punta ka dito." Sigaw ni Krystel pero nakatunganga lang ako dahil sobrang gwapo niya.

"Why?" Sagot naman ni Jeff.

"Ayy nako, nalandi lang yan." Sabi ni Lian.

"Shut your mouth up, Lian." Pagalit na sabi ni Krystel.

"Jeff, meet Andrei, my bestfriend, and Andrei, meet Jeff." Biglang entrance uli ni Krystel.

"Oh. Hi Andrei."

Mas kinilig pa ako nung nag hi siya.

"Hhh- hiii." Pautal na reply ko sa kanya.

Biglang bumungad sa paningin ko si Shakira at James na magkasama,at magka holding hands pa.

"Sige bye. Krystel Tara na." Pagyaya ko kay Krystel.

Tumakbo kami papunta sa room at beng... Time na. E bat sila Shakira nandun pa?

"They were excused because they're involved about the incoming program of this school." Sabi ni Mam na parang nabasa ang isip ko.

"Ayy. Sorry Mam, napasarap po sa kwentuhan si Krystel e kaya po yun." Sagot ko Kay Mam.

"Mam, can we take our seats?"

"Yes." Sagot ni Mam na parang nagtataka.

Sa sulok pa ako nakaupo kaya nag-travel na ako papunta sa upuan ko.

"Ba't ang kalat ng gamit ko?" Bulong ni utak sakin.

Ang gulo nga ng gamit ko at parang may bagyong dumating.

"Guys, pass your 2 by 2 picture." Sabi ni Mam.

"Shet. Wala akong picture."

Nagwave ako ng kamay ko tapos sinabi ko Kay Mam na wala akong picture.

"Its OK Mr. Laxavera. Just bring your picture tomorrow." Sagot ni Mam sa akin.

Escaping World of LiesWhere stories live. Discover now