Chapter: Fifteen

894 37 0
                                        

#HAPPYVIRUSDAY #HAPPY22ndCHANYUR!

[Third Person's POV]

Naglilista ng mga idineliver na stock si Jean ng mga oras na iyon. Nasa sofa siya nakapwesto at ang kanyang pinsang si Mary naman ay ang nag-aasikaso sa mga costumer nila. Weekend kaya maraming tao ngayon sa kanilang shop lalo na't marami silang bagong items. At marami silang bagong stock ng mga EXO merch.

"54, 55, fif- teka, bakit 55 lang 'to?" kinuha niya ang listahan at tinignan niya kung ilan dapat ang bilang ng Lanyard. 150 ang nakalagay doon pero 55 lang ang idineliver sa kanila.

"Mary!" tawag niya sa pinsan. Nilingon siya nito at saka nagexcuse saka sa isang costumer bago siya nilapitan.

"Bakit?" tanong nito. Ipinakita niya ang listahan ng mga items saka itinaas niya ang plastic na pinaglalagyan ng lanyard.

"Yung sa lanyard ni Lay, 55 lang ang naideliver pero dapat ay 150 pieces iyan eh." Kumunot ang noo ng pinsan at saka parang may naalalang bigla.

"Ay oo! Tumawag kahapon yung supplier at sinabi na wala pa raw ibang available na lanyard at last stock na nung kay Lay kaya imbes na magbawas ay dinagdagan na lang yung kay Tao. Bale 205 lahat ng lanyard ni Tao." Tumango siya saka nagpasalamat. Bumalik na sa pwesto niya kanina si Mary.

Kunot-noong pinulot ni Jean ang pinaglalagyan ng lanyards ni Tao at nakita niyang masyado ngang marami ito.

"Kelangan talaga yung kanya pa yung marami? Andaming members ng EXO sana man lang hinati hati na lang nila. Tss." Napairap na lamang siya sa kawalan dahil doon at ipinagpatuloy ang kanyang gawain.

Hapon na nang matapos niya ang pagiinventory at wala na ring costumer sa shop.

"Haaaaaaaay! Pagod na ako- Eh?" naputol ang kanyang paghikad nang pumasok sa shop iyong weirdong lalaki.

"Mary!" sigaw niya sa pinsan niya na hindi niya alam kung nasaan na nagpunta.

"Mary!"

"Oh bakit? Makasigaw naman 'to!" lumabas mula sa pinto na nagcoconnect ng bahay nila tsaka ng shop ang pinsan niya.

"May tao. Asikasuhin mo." Tumayo siya saka nag-inat pero napatigil sa ere ang mga braso niya nang makitang nakatitig ito sa kanya.

'Problema 'nun?' hindi na lamang niya iyon pinansin at pumasok na sa kanilang bahay.

*****

"Jean! Samahan mo ako!" napatingin si Jean sa kanyang pinsan na parang nakatira ng drugs sa sobrang kahyper'an.

"Problema mo?" takang tanong niya.

"Ahhhhh! May event sa mall ngayon! EXO-M nga lang pero okay na rin! Basta andun si Chen my labs!" napairap na lamang siya sa kawalan dahil sa sinabi nito. Kaya naman pala.

Isa rin kasing EXO fan ang pinsan niya kaso nga lang hindi kasing tindi ng pagiging fan nilang dalawa ng kaibigang si Sharryl. Minsan lang ito pumunta sa mga activity ng EXO at kapag pumunta naman ay paniguradong may kahihiyang mangyayari sa kanila. Syempre damay na siya dahil kasama siya nito. The last time they went together, her cousin collapsed infront of Chanyeol. Nagulat naman iyong lalaki kaya hindi nito nasalo ang pinsan niya. At nung magising ang babae ay parang addict na tumalon papunta kay Chen. Ayun! Napaalis silang dalawa.

"Ayoko." Sabi niya. Nagpout naman ang pinsan saka pinagsaklop ang mga palad at nagmamakaawang tinignan siya.

"Please pinsan! Promise! I'll behave na this time. Please please pleaaaaase." Pagpupumilit nito. At dahil kahinaan ni Jean ang mga cute na bagay, napabuntong hininga na lamang siya bilang pagsuko.

Into Your World [EXO Fanfiction] [Completed]Where stories live. Discover now