"Bakit?" Tanong niya. Huminga na lang ako ng malalim bago hinila siya papunta sa may elevator. Syempre nagkatabi ang mag-ex. At si Babae nakahilig dun sa braso nung guy.

"Oo nga pala, Franco. Invited ka sa kasal namin ahh. Next week na yun." Sabi nung girl. Naramdaman ko naman na nanlamig ang kamy ni Franco. Tumingin ako kay Franco. Nakatingin din siya sakin. Parang naghahanap ng sagot mula sakin.

"Sorry ateng! Medyo busy si Franco next week." Sabi ko kay Girl. Sakin tumingin si Franco edi ako na sumagot. Nakita kong tinaasan ako ni girl ng kilay bago ako ngitian ng may pagka plastic. Plastic pala 'tong babaeng 'to?

"Ayy ganun ba? Girlfriend ka ba niya?" Tanong ulit nung babae. Nginitian ko siya ng super tamis.

"Yeah, I'm his Girlfriend." Sabi ko. Nakita kong pinanlinsikan ako ni Franco. Yung Ex din niya napatingin sakin. Medyo naiilang na tingin. Napaghahalataan na mahal pa nila isa't isa. "Babaeng kaibigan." Sabi ko pa. Sakto naman na bumukas yung elevator kaya pumasok na ako at binitawan ko yung kamay ni Franco. Pumasok na rin silang tatlo. Humikab ako. Inaantok pa rin ako. Katabi ko si Franco pero nakatingin siya dun sa dalawa. Pinindot ko naman yung Ground floor button kaya napatingin sakin si Franco. Hindi ko siya pinansin. Yung dalawa naman busy sa pag-uusap. Sa basement ang punta nila.

Hindi muna ako sasabay kay Franco. Hayaan ko muna siya. Pinanlinsikan ba naman ako ng tingin. Pagdating sa ground floor. Lumabas na ako. Nakita ko yung tingin nung babae. Nakangisi siya tapos inirapan ako! Gosh! Naghahanap ba siya ng away? Wag niyang intayin na gawin ko yon. Pagkalabas ko hindi nakatakas sa pandinig ko yung sinabi nung babae dun sa Ex ni Franco.

"Babe, aalis ako later ahh. May pupuntahan lang ako sa mall." Sabi niya.

"Sure. Magiingat ka, babe.." Sabi nung Ex. Ngumiti yung babae. Ngiting malandi. Naalibadbaran ako.

Nagaabang ako ngayon ng taxi. Ng magvibrate yung  phone ko. Tumatawag si Carlie.

"Beh!!! I miss you!!!" Grabe talaga ang bunganga nitong si Carlie. Parang nakalunok ng mega phone.

"I miss you too. So, kamusta ang preparation ng kasal nyo ni Jerrald?" Tanong ko. Narinig kong napantili siya.

"On the way na kami sa Subic. Sabi ni Tita Avon, diyan na lang ako magpagawa ng gown ko. May kakilala siya na magaling gumawa dyan so pupuntahan namin. Samahan mo naman kami ni Jerrald!" Sabi niya. Hmm.

"May pasok pa ako, Beh." Sabi ko. Ayun! Nakakita na ako ng taxi. Agad na pinara ko yun. Tapos sumakay na ako.

"Ipapaalam kita kay Tita Avon ko. Dali na, beh! Dyan na rin kami ni Jerrald magii-stay para tipid na rin sa gastos para sa hotel." sabi niya.

"Okay Fine! Basta ipaalam mo ako. San tayo magkikita?" Tanong ko. Tumingin kasi sakin yung Manong driver.

"Sa Sunbucks dyan sa isang mall." Sabi niya. Tumango ako.

"Sa Sunbucks po manong." Sabi ko. Tumango si Manong driver at binuksan na yung metro.

"Sige kita kits tayo dun. Ingat kayong dalawa ni Jerrald." Sabi ko. Nakarinig naman ako ng tiling kinikilig.

"Okay, beh!! Later!!" Bakas sa boses niya na masaya siya. Hindi ko rin napigilang mapangiti para sa kanila. Buti pa si Carlie, masaya ang lovelife. Habang ako? Sa bakla nain-love, na in-love rin sa ex niya. Hay, complicated. Tinext ko si Chelsea at sinabi na hindi ako makakapasok. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa Sunbucks.

Pagkabayad ko kay Manong ay nagpunta na ako sa loob ng Marsbucks. Nag-order ako ng Choco latte at chocolate cake. Naghanap rin ako ng table for 4 persons na nasa sulok ng cafe. Habang kumakain ng chocolate cake ko at nagsu-surf sa net (dahil may WiFi doon) may nakita akong hindi ko inaasahan.

In-LABabo With Mr. GAY Manager!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon