𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟗: 𝐈𝐬 𝐒𝐡𝐞 𝐅𝐫𝐞𝐞?

ابدأ من البداية
                                    

"Ngayon mo lang ba naramdaman 'yan?" tanong ko kahit 'di pa sinasagot ang tanong niya.

"Yes and it's foreign," sagot naman niya sabay hawak ulit sa dibdib niya.

"Wenxehalt, hindi ka masasaktan kung hahayaan mo 'yang lumabas. H'wag mong kalabanin," wika ko. Tumahimik siya ulit.

Para bang sinusunod niya ang mga sinasabi ko. He looked peaceful, his face illuminated by the moonlight. The wind gently blew through his hair and rustled his loose feathers.

Kung titigan mo siya, parang hindi siya tunay. Para bang nakatira siya sa libro. 

Nagliwanag na sana ang mukha niya sa unang pagkakataon, kaso nawala ulit.

He grimaced in pain again. Nasasaktan parin siya.

"Why does it still hurt?" Pasigaw na sambit niya. Halatang nasasaktan talaga. "I can't. Just go now. Go!" Napatayo na ako dahil sa parang nagagalit ulit siya. 

Sa takot na baka magbago ang isip niya ay tumakbo na ako palayo sa kanya.

Habang lumalayo, 'di ko mapigilang lumingon sa kanya na nagliliwanag dahil sa puting apoy na umaligid sa kanya. Parang unti-unting nagiging puti ang pakpak niya o baka pananaw ko lang 'yun.

Tumigil ako sa pagtakbo sabay aninag ng maayos sa kanya. His wings are turning white, but the black patches are covering them again. Para bang pilit siyang nilalamon ng itim.

Hindi siya buong demonyo!

Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan siyang bumabalik sa kanyang itim na sarili. Nakita ko paano niya nalabanan nag puting apoy na 'yun at bumalik sa nakasanayan. Hindi man lang niya ako pinag-aksayahang lingunin.

Umalis siya nang hindi lumilingon.

Sa sobrang bilis ay isang kurap ko lang, wala na siya sa paningin ko.

Hindi tuloy ako mapakali. Umuulit sa utak ko ang nakita ko sa kanya. 

Sigurado akong may dugong puti din siya. Hindi ako pwedeng magkamali.

Habang nakatulala sa harap ng malawak na park na 'yun, may naramdaman akong presensiya na lumalapit sa akin. Mabilis ko itong hinarap. Baka tao at nakita pa akong ganito ang itsura.

Kung hindi sila nagpalit ng kulay no'ng mga pakpak nila ay tatakas na sana ako ulit. Mga puting anghel pala.

Dalawa sila.

"Allisonia?" One of them mentioned my name. So, every angel knows me. Isn't that strange?

"Sino ka? Sino kayo?" mabilis na tanong ko sa mga ito.

Baka ay patayin nila ako. Alam kong mga puting anghel sila. Ang sa akin lang ay baka threat ang tingin nila sa akin.

"Mga light angels kami. Ako si Jushua at siya si Stanfer. Galing kami sa Heavenly Kingdom. Your mother is one of us," sagot no'ng lalaking nagsambit ng pangalan ko kanina.

Si Jushua ay matangkad ding lalaki. Maamo ang mukha nito na parang half ibang lahi at half pinoy. May kaunti itong balbas, medyo mahaba ang wavy na buhok at medyo kayumanggi. His eyes are grayish, his nose small and pointed, his lips thin, his brows not too thick, and his jawline well-defined.  

Maganda din ang pangangatawan.

Si Stanfer naman ay medyo maliit ng konti kay Jushua. Nakatali ang mahaba at blond nitong buhok, maliit ang oval na mukha, blue ang mga mata, matangos ang ilong at makapal ang bigote at balbas. May balingkinitan itong pangangatawan.

You can definitely tell them apart without any mistake.

"Pwede bang hayaan niyo nalang akong umuwi? Ayoko na sa mundo niyo," nagmamakaawang sambit ko. Mangiyak ngiyak na din ako habang nakatingin sa kanila.

"Hindi 'yun ganun kadali, Allisonia. Hinding hindi ka titigilan ni Dark hangga't makuha ka niya ulit at ituloy ang isa pang ritwal. Ang ritwal na gawin kang itim na anghel," mahinahong sabi ni Stanfer na nagpalungkot sa akin.

"Saan naman ako pupunta?" tanong ko nalang kahit labag sa loob ko na bumalik sa lugar nila.

"Sumama ka sa amin. "We will protect you. Your grandfather will not let you suffer with Dark again," ani nito na kumuha ng atensiyon ko.

Makikilala ko ang tunay kong lolo. Makikita ko ang Heavenly Kingdom at higit sa lahat malalaman ko pa paano itago ang mga pakpak kong hanggang ngayon ay nakalabas pa.

"Gusto kong maisalba ang kapatid kong si Phoebel! Pakiusap!" dagdag ko.

"Hindi mababalik ang kaluluwa niya hangga't hindi napapatalsik si Dark," sabi ko.sagot naman ni Jushua.

Ano na Allison?

End of Chapter 9

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (REVISING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن