Ito ang unang beses na mami-meet ko ang may-ari ng hotel na pinagta-trabahuan ko. Dumadalaw ang ito every quarter. Sa dalawang beses na pagpunta nito mula nang magtrabaho ako ay hindi ko ito nakita. Hindi kasi ito nagsasabi kung anong araw darating. Surprise inspection slash visit slash general meeting lagi. Noong una ay restday ko, at noong pangalawa ay absent ako dahil kailangan naming itakbo si Hope sa ospital. Nagising kami na hirap itong huminga at on the way sa ospital ay nawalan na ito ng malay. Mabuti na lang at mabait ang manager namin. Pinayagan akong umabsent ng tatlong araw. Unahin ko raw ang anak ko kung anupaman. Alam kasi sa trabaho na single parent ako at kaming magkapatid lang ang magkasamang tumataguyod kay Hope sa kabila ng sakit nito sa puso. Mabuti na lamang at regular na ako that time kaya eligible na ako sa leaves.

Nagmadali na ako sa pagbihis. Dumaan ako sa kabilang bahay para kausapin si Ate Leleng.

"Ate 'Leng, baka gabi na kami makauwi. May emergency meeting kami sa office. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi. Si Jun daw mga alas-diyes."

"Ay sige lang. Kahit wag nyo na kunin," biro nito. Lagi nya kasing sinasabi na kanya na lang daw si Hope. Sabik rin kasi ito sa bata. Hindi na kasi maaring sundan ang nag-iisang anak dahil tinanggalan na ito ng obaryo.

Humalik ako sa ulo ni Hope na natutulog pa rin bago ako umalis.

Less than thirty minutes lang ang byahe papunta sa hotel na pinagta-trabahuan ko, kung walang traffic. Pero maaga pa rin akong umaalis dahil kasagsagan ng pagpasok ng mga tao ang ganitong oras. Nine am to six pm ang pasok ko kaya marami na ring bumibyahe. Dalawang jeep na ang dumaan na punuan. Tsk! Di bale maaga pa naman. Mag-a-alas otso pa lang.

Tumunog ang cellphone ko.

Sir Art calling ......

Napasimangot ako. Mangungulit na naman ito. Ang sarap i-cancel ng tawag nya pero ayokong maging bastos. Pinabayaan ko na lang. Pero matapos ang ilang ring, eto na naman, tumatawag. Wala na akong nagawa.

"Hello, Sir Art?" bati ko.

"Good morning, Andie! Sabi ko naman sa iyo wag mo na akong tawaging Sir kapag wala naman sa trabaho," sagot nito. Napaikot ang mata ko.

"Shit!" nasambit ko. Nalampasan kasi ako nangjeep. Sayang, medyo maluwag pa iyon.

"Excuse me?"

"Ay, sorry, Sir. Nalampasan kasi ako nung jeep. Di ko napansin," paumanhin ko. Nakakainis! Wrong timing naman ito kasi tumawag.

"Sir na naman. Nasaan ka na ba? On the way na ako sa resto. Sunduin na lang kita," hindi iyon tunog na nag-aalok. Parang ipinaaalam nya sa akin ang gusto nyang mangyari.

"Uhm, naku, wag na. Papasakay na ako. Sige po," hindi ko na sya hinintay makasagot. I pressed the end call button.

Head manager si Arthur Cena sa restaurant ng Casa Alicia, ang hotel kung saan ako nagtatrabaho.

Two weeks pa lang ako sa as receptionist sa hotel nung magsimula itong magpalipad hangin sa akin. Tumigil ito nung malaman na may anak na ako. Makakahinga na sana ako nang maluwag pero after a week, tuluyan na itong nagsabi na manliligaw daw at willing syang maging tatay ng anak ko. Sino ba nagsabi sa kanya na naghahanap ako ng tatay para kay Hope?

Hangga't maari ay iniiwasan ko ito. Kung face value, meron ito, isama pa na physically fit. Tsaka galing sa may sinasabing pamilya. Ang pagkakaalam ko, isa sa board members ng hotel ang tatay nito. Yun nga lang, lahat ng ito ay natabunan ng likas na hangin nito sa katawan. Assuming masyado. Yung tipong feeling nya, lahat ng babae may gusto sa kanya. Naku naman, wala naman syang binatbat kay Ari –Natigilan ako sa tinatakbo ng isip ko. Pinapasama ko lang ang loob ko.

Claiming Andromeda #B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon