I'm Married ♡: Chapter 31

Start from the beginning
                                    

“Ivan..no choice kami kundi ang lumipat ng University. Andito ka. Pag nalaman to ni Tita Allie, paniguradong yari kami ni Austin.” Sabi ko naman.

“Anong kinalaman ni Austin dito? Bakit nyo sya kasama?” Sabay na tanong ni Ivan, Vince, Josh at Aaron.

“Wala na kayo dun. Basta, wag mo na syang guluhin Ivan.” Akmang aalis na ko pero pinigilan nya ako.

Lumuhod sya sa harapan ko…. O.O

“Kyla, wag nyo nalang ipaalam kay Tita Allie.Nagmamakaawa ako. Wag nyo ng ilayo pa sya sa akin. Nangangaako ako na hindi ko sya guguluhin. Hayaan mo kong makipagkaibigan sa kanya.” Sabi nito.

“Hindi pwede Ivan.Bakit ka ba nagkakaganyan?!!!! Ikaw naman ang dahilan kung bakit sya naaksidente ah! Ikaw din ang dahilan kung bakit 1 year and 5 months syang comatose! Ikaw din ang dahilan kong bakit may amnesia sya! Kagagawan mo lahat ng ito Ivan!! Pag bumalik ang lahat ng alaala nya sayo, masasaktan lang sya Ivan!!!” Sigaw ko sa kanya.

“Patawad Kyla. Please, nagmamakaawa ako sayo. Wag nyong sabihin kay Tita Allie ang tungkol dito. Hayaan nyo lang na makipagkaibigan ako kay Alisa. Please, Kyla, huwag nyo na syang ilipat.” Sabi nito.

“Pumayag ka na Kyla.” Napatingin kaming lahat kung kaninong boses yun… kay Austin.

“Hindi rin naman ako papayag na bumalik ang lahat alaala ni Alisa. Hindi ko rin sasabihin kay Tita Allie na nandito ka, sa isang kondisyon.” Sabi ni Austin.

“Anong kondisyon?” Tanong niIvan.

“Wag kang gagawa ng mga bagay na pwedeng ikabalik ng mga alaala nya. Dahil pag ginawa mo yun, si Alisa lang din ang masasaktan. Sige, pwede kang makipagkaibigan.Pero, tandaan mo Ivan.Hinding-hindi ako aalis sa tabi nya.” Sabi ni Austin.

“Bakit?!!Ano ka ba nya?!!” Hinawakan ni Ivan ang kwelyo ni Austin.

“Kami ni Alisa. Girlfriend ko sya. Masaya ka na?” Nagulat ang lahat sa sinabi ni Austin. Lalo na siguro pag ang sinabi ni Austin ay KASAL na sila. :O

“P-Paano nangyari yun?” Naguguluhang tanong ni Ivan.

“Wala akong balak sabihin yun. Basta, hindi ko sasabihin kay Tita Allie na andito ka kung gagawin mo ang sinabi ko. Dahil pag bumalik lahat ang alaala ni Alisa, masasaktan na naman sya… at ikaw na naman ang dahilan. Hindi ko lang alam kung saan aabot ang galit ni Tita Allie sayo.Hindi lang sila, pati AKO, makakalaban mo.” Sabi ni Austin at naglakad ng palayo sa amin.

“Tandaan mo Ivan. Huwag kang mag-sorry kung gusto mo lang kayong magkaayos. Mag-sorry ka dahil tanggap mo na rin ang pagkakamali mo.” Sabi ko sa kanya, “Sige, hindi ko muna din sasabihin kay Tita Allie ang about dito. Pero, please lang. Wag kang gagawa ng mga bagay na pwede nyang maaalala. Dahil kami ni Austin ang makakalaban mo.” Sabi ko at umalis na.

Ayoko ng masaktan si bestfriend. Ayoko na syang makita pang umiyak. Ayoko na syang makitang nagmumukhang tanga. At si Ivan na naman ang dahilan.

Ivan’s POV

Hanggang ngayon, hindi pa din kami makapaniwala na may amnesia si Alisa. Ibig sabihin, lahat ng memories, pasts namin, nakalimutan nya.Nakalimutan nya din ang nangyaring insidente. Nakalimutan nya din na AKO ang mahal nya.

“Pre, pano na yan?Ibig sabihin, nakalimutan na din nya tayo?” Tanong ni Josh.

“Ni-hindi nya nga tayo mamukaan kanina eh. Parang sa ekspresyon ng mukha nya, para ngang nakalimutan na nya tayo.” Sabi naman ni Aaron.

“Ivan… Pano na yan?” Sabi naman ni Ianne.

“Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na kung kailan ko na sya nakita saka pa sya mawawala sa kin. Gagawa at gagawa ako ng paraan para bumalik ang alaala nya.” Sabi ko.

“Pero, hindi lang si Kyla ang tutol sayo pre! Si Austin! Ang kababata natin! Hindi lang sila, pati ang magulang ni Alisa.” Sabi naman ni Vince.

Bakit ganto… sobrang sakit.Nasa akin na noon, pinakawalan ko pa. Ganun ba ako katanga?

“Si Austin? Sila pala ni Alisa no. Paano kaya nangyari yun?” Tanong ni Josh dahilanan para mapa-isip kaming lahat.

“Oo nga.Pati ako napapaisip eh.Paano naging sila? Hindi kaya’t… Hindi.Hindi naman siguro.” Sabi naman ni Aaron.

“Guys, ngayon lang ako hihingi ng tulong sa inyo. Tulungan nyo kong bumalik sya sa kin.” Tila nagmamakaawa kong sabi sa kanila.

“Ivan, kahit wag mong hingin ang tulong namin.Tutulungan ka namin. What are friends for di ba? Saka, matagal ko ng pinagmamasdan si Alisa. 2ndyear high school palang tayo, minamahal ka na nya ng palihim. Baka nga lang hindi lang nung 2nd year tayo eh. Babalik lahat ng alaala na meron kayo, Ivan. Believe me.” Naka-ngiting sabi ni Ianne. Sana nga.

“Tama! Tutulungan ka namin syempre! Ikaw pa! Boto kaya ako sa love team nyo ni Alisa! Hahahahaha.” Sabi naman ni Vince.

Kung ano-ano ang pinag-usapan namin sa may garden dahil may 1 vacant pa kaming oras. Lunch time kasi. Pero, sa bawat kwentuhan namin. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Alisa.

Alisa’s POV

“Aus, pinagtitinginan na tayo.” Bulong ko sa kanya dahil kanina pa kami dito sa may daan at nakahawak pa din sya sa kamay ko. Kanina pa din sya nakatitig sa akin, “Halika na oh. Balik na tayo sa klase natin.” Sabi ko sa kanya. Tinanggal ko na ang kamay nya sa pagkakahawak sa kamay ko at naglakad na papunta sa classroom ko.

“Sila ba?”

“Gosh. Ang swerte ni Ate!!!”

“Eh mas maganda pa ko sa kanya eh!!”

“Duh! Eh ano naman kung mas maganda ka? Eh sya naman ang napapansin ni Austin natin! Tss.”

Mga usapan na agad kong narinig pagkapasok ko palang. Ilang sandali pa lang ay pumasok na din si Kyla sa classroom. Nakatingin sya sa akin. Nakita ko ding sumilip si Aus. sa room namin. Bakit ganto ang mga mukha nila?

“Bestfriend, sorry nga pala sa kanina.” Sabi sa akin ni Kyla.

“Ano ba kasing problema at agad nyong naisipan ang paglipat ng ibang university? Dahil ba to sa fans ni Aus.?” Tanong ko.

“Wala yun. Wag mo ng isipin yun.” Sabi naman nya. Magkatabi kami ngayon sa upuan.

“Hmm, Kyla.Sino yung guy kanina?Pati yung mga kasama nya?Kaibigan mo ba sila? Saka nga pala, bakit nya binanggit ang pangngalan ko? Magkakilala ba kami?” Madami kong tanong sa kanya. May kaiiba talaga kasi akong nararamdaman sa guy kanina eh.

“Ah. Wala yun.Hahahahhaha. Dating schoolmate lang natin nung high school. Sorry ha, palabiro talaga yung si Ivan.”Sabi nito.

“Ah. Ivan pala ang name nya.Pero alam mo Kyla, parang….pamilyar yung name at mukha nya.Parang…iba eh.” Sabi ko sa kanya. Oo, para kasing sobrang pamilyar nya sa akin. Lalo na yung boses nya.

“Hahahhhahaha. Ano ka ba bestfriend! Syempre, pamilyar yung name at mukha nya.Ka-schoolmate natin sya noong high school tayo eh.”Sabi naman nya.

“Ah. Siguro nga.Hehehe.” Sabi ko naman.

Hindi ko alam pero mas nagiging komportable ako kay Kyla. Siguro nga dahil bestfriend ko sya noon bago ako mawalan ng alaala. 

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now