I'm Married ♡: Chapter 30

Start from the beginning
                                    

“Ah.” Tumango lang ako, “Aus, sya nga pala. Dadating na ba yung pinadalang katulong ni Mama?” Tanong ko.

“Hindi ko pa alam eh. Bakit?” Tanong nito habang nagdadrive.

“Eh kung wag nalang tayo mag-katulong? Magaling ka namang mag-luto. Ang sasarap pa nga eh. Sa paglilinis nga lang ng bahay.” Sabi ko. Oo nga, sa paglilinis ng bahay.

“Eh di itry natin tayo ang maglinis ng bahay pag weekends.” Nakangiti nyang sabi sa akin.

“Sige! ^_^” Nakangiti ko ding sabi sa kanya.

Napatingin na naman ako sa bintana ng sasakyan. Ilang minuto pa siguro bago kami makarating ng school kaya iiglip lang muna ako saglit.

I love you Wifey…

I love you Hubby…

 

“Alisa, gising na. Andito na tayo.” Pagkamulat ng dalawa kong mata. Ang lapit ng mukha ni Aus. O.O Inilayo na din naman nya ito kaagad.

Bakit parang may nagsasalita na naman sa utak ko?

Wifey? Hubby?

 

“Bestfriend!!!!” Sigaw ni Kyla at kaagad ako na niyakap. Niyakap ko din naman sya pabalik.

“Yung uniforms mo, nasa may locker mo na. Samahan na kita.” Sabi nito, “Austin, uniform mo nasa boys locker room na.” Sabi nito kay Aus.

                                                                   ****

“Ang cute naman ng uniform nila.” Sabi ko habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin.

“Hmm, bestfriend, ano… Halika na. Baka ma-late tayo.” Hindi ko alam kung bakit parang naging weird si Kyla. Pagkalabas namin ng girls locker room, nag-aantay na si Austin sa labas.

“Ang bilis mo naman yata magbihis.” Sabi naman ni Kyla.

“Dun ako sa public cr ng boys nagbihis. Ang daming tao sa boys locker room eh.” Sabi naman nito.

“Si Austin Salvatorre ba yan?”

“Sh*t! Ang pogi!!!”

“Goshh! Dito na sya papasok? Woah! Ang swerte ko naman!!! Makakasilay na ako araw-araw!!!”

“Bakit nya kasama yung dalawang girls?”

“Baka kaibigan lang! Basta! Ang pogi nya!!!”

“Akin yan!!”

“Anong iyo?!!”

“Akin kaya si Austin!!!”

 

“Ah. Lika na sa classroom.” Sabi ko naman. Masyado na kasing umingay dahil andito nga si Austin, ang sikat na singer, artista at model sa ibang bansa. In short, teen-age pop star.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now