Prolouge

17 0 0
                                    

  Prolouge                                                                                                                                                        

Walang lingon-likod na tinalikuran ni veronica ang kanyang amain na si Ruperto  De Castro. Ito ang boss nya at the same time ay taong nagpalaki sa kanya at itinuring syang sarili na nitong anak. Pero hindi sa kanya fair ang ginagawa nito sa buhay nya, alam nyang mali ang sumuway sa nakakatatanda pero napipilitan syang gawin iyon dahil nais sya nitong ipakasal sa kababata nyang si Wilmer na "weirdo."

Nang matuklasan nya ang plano nito ay nag-alsa balutan sya. Dala ang maleta na pakiwari nya ay kasing dami ng tone'toneladang kargamento na inaangkat pa nila sa Singapore. Dinala yun ng mga katulong sa kanyang kotse at naiwan syang nakatalikod sa kinikilalang ama.

"Hindi pa tayo tapos! VERONICA bumalik ka dito!" puno ng conviction ang kanyang amain, pero nito kailanman natinag ang mala Berlin wall ng germany nyang paninindigan. Sa buong tatlong taon nyang pagtatrabaho bilang Assistant Editor in Chief nito, ngayon lang  nya naranasan na pinagtaasan sya  boses nito.

"Tapos na tayo daddy!" nag'aasar pa ang tono ng boses na kinawayan ang kanyang amain. Wala itong sakit sa puso kaya malaya syang pikunin ito- oo nga at magulang na ang turing nya rito, pero dahil pinaakyat nito ang dugo nya sa utak, ay naging rebelde na sya. Baka nga bumigay ang ugali sa isang babae na NPA na nakasuot ng itim na damit, punit na maong pants at nakabandana sa ulo.

"VERONICA" tawag ng kanyang amain, habang dir-diretso ito na lumabas ng bahay para sundan sya

"May rheuma  kana daddy, kaya wag kana magtangkang hanapin ako. If you want to know were I am call my numbet but I will never assure you na tutulungan kita.. Hindi ko papakasalan ang lalakeng gusto mo para  sakin!" Nag ngangalaiti nyang sabi bago sumakay sa kanyang FORD Expedition 2010 model, nakakaasar mang isipin, iyon ang regalo ng kanyang amain. Pero ang regalo ay regalo at kapag napunta na ito sayo ay pag-aaro mo na yun!

"Hindi mo maaring gawin sakin  ito Anal! Pakakasal ka parin sa anak ng kumapare ko, sa ayaw at sa gusto mo!"

Hindi nya na ito pinagtuunan ng pansin, dahil mabilis na pinaharurot  na nya ang kotse.  Kahit anong parte ng katawan nya ay hindi sya guilty.

Walang direksyon ang kanyang patutunguhan, alam nyang nasa pinaka down sya ng parte ng kanyang buhay. Walang eksaktong  lokasyon o ano pa man ay ipinarada nya ang kanyang sasakyan, huli na ng mapansing nya ang mga luha na gusting pumatak  sa kanyang mga mata. " Anak ng Elepeante naman oh!!

   Tatlong araw ng nag-iisa  si Veronica sa apartment na kanyang tinitirhan  pansamantala. Sa dami yata ng luho nya sa katawan ay nalustay ang kanyang pinaka'iingatang yaman.

                   "Paano na ngayon saan ako matutulo kapag naubos ang pera ko? Saan ako kakain?paano na ang lotion ko, toothpaste, facialwash, cream, soap, shampoo,conditioner, make'up at iba pa.!?" naiiyak na tanong nya sa kanyang sarili habang nakaupo sa lamesa at kumakain mag'isa ng kanyang hapunan.

Paano ba ang mabuhay ng mahirap? Baka ikamatay nya kapag nagdildil nalang sya ng asin sa isang sulok at namamalimos para matugunan  ang kanyang gutom. Paano na ang katakawan nya? Paano na sya! Kailangan talaga makahanap na sya ng trabaho..... hindi pwedeng mangisay sya sa gutom. Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan nya from high society clan.

Kinabukasan ng maubos ang mga cup noodles nya ay napag'isipan nyang lumabas ng apartment  at maglagalag.  pagkasakay nya sa kanyang kotse at isinaksak yun sa ignition. Napahalakhak yun ng gumana sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OCEAN'S APARTWhere stories live. Discover now