Plagiarism is a crime!
👊👊👊
Crush mo ko diba? Crush din kita.
Prologue
Sobrang init ng ulo ko ngayon. Ang init ng panahon, walang aircon, lowbat phone ko, bagsak ako sa midterm ko, pinagalitan ako ng prof ko at di ko pa sya nakikita. Ang inspirasyon ko, ang aking one-and-ultimate foreber ko.
(Wag kayong bitter, may forever. Forever kayong Single. Bwahahahaha!)
So anyway. Dumagdag pa 'tong bwisit na lalaking nasa harapan ko. Kung di lang sya kaibigan ni My labs baka sinampal ko na ito ng limangdaan.
Beses.
"Anong kailangan mo?" Nagmamaganda kong tanong sakanya.
Umihip ang hangin at tinignan nya ako ng parang gusto na akong lamunin ng buo. I mean, siguro hindi pwede yun kasi di naman sya sawa pero diba ayun yung sinasabi ni Lola sakin kung tumitingin ako ng masama sakanya. "Ikaw."
Katahimikan.
Tinignan ko sya ng masama. "Ano?"
Nag-kamot sya ng kanyang batok. "Wag ka ng mahiya, Sophia."
"Ano bang problema mo?"
"Eto oh." Tinuro nya ang kanyang dibdib. Yung pwesto ng bulsa sa kanyang polo, tinignan ko ito at meroong maliit na tastas.
"Oh." Sabi ko ng hindi makapaniwala. "Ako pa ba mag-tatahi nyan para sayo?"
Bumuntong hininga sya. "Sophia, hindi yan yung problema ko. Yung puso ko."
Tinaasan ko sya ng kilay. "Doctor ba ko?"
"Hindi. Pero ikaw lang kasi makakagamot sakin."
"Tigil-tigilan mo nga ako sa kakornihan mo! Lumayas ka na nga." Sabi ko, kahit namumula na ang aking mukha. Konti lang. Kanina pa 'tong lalaking 'to. Kung si My Labs nagsabi nito, baka mamumula ako na pwede na akong ipanlaban sa kulay ng lipstick na ginagamit mo.
Tumalikod na ko at naglakad.
"Sophia." Napatigil ako. He said my name, with as if it was the most sensitive thing in the world. "Crush mo ko diba? Wag ka ng mahiya. Alam ko na ang sikreto mo."
Asdfghjkl!
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Sino ba 'tong pilyong unggoy na 'to? Pigilan nyo ko. Pigilian nyo ko!
Lumingon ako sakanya at tinignan ko sya ng masama yung tipong wala na syang katawan, ulo na lang yung natira kasi yung ibang parte ng katawan nya nakakalat na around the world.
"Crush din naman kita eh." Namula ang mokong, at tinignan ako. "So okay lang."
******
First time writing! Please bare with me kung medyo korny. And please be reminded na lahat 'yan ay sa akin nag-mula. Hahahaha.
Ginagawa ko syang as original as I can. But still I use preference dahil hindi ko naman forte ang mga gantong genre! 😃😃
Thanks for reading. 😘
YOU ARE READING
Crush mo ko diba? Crush din kita.
Teen FictionA story of two.. weird people. ********** Copyrights © 2016 GoldenSwitch Note: The image isn't mine. It belongs to it's rightful owner. God bless.
