PROLOGUE

12.4K 228 3
                                    

NICOMAINE

"Huy Coleen, ano oras ka uuwi?"

"Grabe ka naman Menggay, ang aga pa oh. Ayaw na ayaw mo talaga akong nagpupunta dito sa condo mo ano? Damot pa more!"

"Ano ka ba taba, may pupuntahan kasi ako mamayang hapon, tinatanong ko lang."

"Ah okay. Siya nga pala, yung Dubsmash mo girl ang dami ng views oh. Para kang sira ulo dito mongoloid lang ang peg!"

"Hala siya, judger ka girl. Bored ako nung ginawa ko 'yan, at tsaka inupload ko lang para sana sa mga friends ko sa FB pero biglang dumami nagshare. Nakakaoverwhelm nga eh. Kaloka."

"Sikat ka na girl hahaha, parang celebrity oh, ang daming nagpapafansign sa comments! FAMOUS!"

"Nakakahiya nga eh, sabog yung notifications ko. Magpopost na lang ng ako ng isang status para magthank-you sa mga nakaappre-- omg girl! Ang dugyot mo talaga umutot ka na naman!"

"Blessing yan girl, take it all in. Hahahahaha!"

"Ay jusko, nakakahimatay sa baho! Bawas-bawasan mo ang pagkain ng pigrolac girl. Yuck!"

"Nakakahurt ka na ng feelings Menggay ha. Susumbong kita kay Nanay!"

"Eh di magsumbong ka taba. Parang bata jusko. Ano ba kasi? Anong oras ka ba aalis?

"Mamaya pa girl, wag kang atat. Nabalitaan ko kasi na may photo-shoot ngayon dito sa mismong building niyo yung isang crush kong celebrity omg! Iiiiieeeeeh!!"

"Sino mukhang monggoloid satin ngayon? Ikaw talaga ang hilig mo sa mga artista. Ano ba nakukuha mo sa pagiging fan-girl mo?"

"Marami! Ang dami kong naging friends dahil lang sa pagiging fan-girl no. Palibhasa ikaw, loner ka. Tsaka wala ka bang kilalang mga artista? Pacool ka ata eh."

"Syempre marami rin no, mahilig kaya ako sa mga movies lalo na pag foreign. Tsaka di naman ako interesado sa mga celebrity na yan, not my cup of tea."

"Oh eh di ikaw na."

"Jusko girl, hindi mawala-wala yung amoy ng utot mo, tumatambay sa ilong! Makalabas nga muna punta lang ako sa roof-top magpapahangin at magbabasa baka sakali mawala yung amoy. Kadiri ka girl. Teka, sino ba yung artista na pinuntahan mo dito?"

"Girl, yung sobrang sikat ngayon! Si Alden Richards!"

ALDEN

"Alden, anak, pinapasabi sakin ng management, tuloy na tuloy na daw yung movie niyo ni Hannah. Oh, ba't nakasimangot ka? Good news naman ata 'to sa career mo."

"Mama Ten, di ba pwedeng tumanggi ako jan? You know I don't want anything to do with her right?"

"Anak, pelikula lang naman ito eh, wag ka nga malikot para hindi mahirapan yang nagmemake-up sa'yo."

"Eh pano kung maging successful yung movie? Kasunod nun Teleserye naman. Mama Ten, nakalimutan mo na ba yung nangyari 5 years ago nung I tried to be friends with her? Sinabi niya sa interview na nililigawan ko siya."

"Eh 5 years na yun, malay mo naman nagbago na siya."

"Kilala mo ako Mama Ten, nasa showbiz ako pero ayoko magpakashowbiz. Ayoko ng gamitan. Alam mo nangyare after nung interview na yun? Inulan ako ng bash ng mga fans nila nung current love-team niya."

"Di ko naman makakalimutan yun anak, pero nakakahiya naman sa management mo kung tatanggi ka, although malakas ka naman sa kanila, pwede nilang sundin yung gusto mo. Pero kilala talaga kita, hindi ka tumatanggi kahit alam mong ayaw mo. Ang weird mo anak."

"Not today Mama Ten, pwede pakitawagan si Mr. T? Kausapin ko lang at tatangihan ko yung pelikula na 'yun."

"Oh 'eto na, ringing na. Galingan mo pagtan-- ay hello Mr. T? Gusto ka daw kausapin ni Alden regarding the movie, 'eto na po siya, hihi."

"Wow pag si Mr. T kausap may engli-- ahh hello po Mr. T, kamusta po kayo?"

"Okay naman iho, ano yung gusto mong sabihin about sa pelikula? Excited ka na ano? Naku, tiyak na papatok na naman ito sa takilya, kahit san ba naman madikit yung pangalan mo eh bentang benta! Nakaready na ang lahat iho, kelangan mo na lang magready, relax ka lang."

"Ahh... ehh... Hehehe, sige po sir! Excited na rin po ako eh! Hahaha. Can't wait po hehe, sige po sir bye."

"Oh kitams, eh di nganga. HHAHAHA! Not today your face!"

"Nahihiya parin talaga ako eh, kahit ilang taon na ako sa kanila. Hala nabuang na. Kung makatawa naman. AAAAAAARRRRRGRGGGHHH!!"

"Huy wag ka nga sumigaw jan. Bawas-bawasan mo yung istilo mong bigla na lang sumisigaw out of nowhere anak, bawas pogi points."

"K. Mama Ten may time ba ako bago mag-start yung photo-shoot?"

"Meron, 1 hour pa mag-start yung shoot. Bale 30 minutes pa para ayusan ka. Ayan may 30 minutes kang bakante."

"Sige, punta lang ako roof-top ng building pagkatapos akong ayusan pwede?"

"Ano gagawin mo sa roof-top? Jusko RJ! Wag ka tatalon ha! Jusko naku naman kinakabahan ako!"

"Luh si Mama Ten, yung buhok ko wag mo guluhin. Magpapahangin lang ano ka ba. Teka, ba't tawa ng tawa yung mga sira ulo kong stylist?"

"Oh sige, basta balik ka agad bago magstart yung shoot. May pinapanuod lang sila na video na nagdudubsmash daw."

"Dubsmash? May dubsmash din ako hehe."

"Sus di ka naman marunong nun. Oh ayan tapos ka na daw ayusan. Alis na."

"Ang downer mo talaga Mama Ten, sige bye!"

"Bye! Ay ang bilis umalis ng loko. Huy mga ulol kanina pa kayo tawa ng tawa. Artista ba yang babaeng magaling magdubsmash?"

"Mama Ten! Hindi po eh. Pero Maine Mendoza ang pangalan."

We Shared a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon