Tinignan ko siya sa mata..

"Shane..h'wag ka nang magsorry, natural lang naman 'to diba?" Nahihiyang suway ko sakanya, tumango tango siya pero kita ko sa mukha niya ang pag hingi niya ng tawad.

Nginitian ko ulit siya bago pa ako pumasok sa cr..



"Abhie!!!" Napangiti ako nang makita kong nagmamadaling makalapit saakin si Syril!

"Hey! Dahan dahan naman!" Suway sakanya ni Stan, nakalimutan kong sabihin na....silang dalawa ang nagkatuluyan, actually namimilog na ngayon ang tiyan ni Syril.


Kaagad kong niyakap si buntis.

"I missed you! Nasaan ang asawa mo?" Tanong niya saakin, "Umoorder lang ng pagkain natin." Nakangiting sabi ko, inalalayan siyang maupo ni Stan.

"Pupunta din si Elle ngayon, kasama yung boyfriend niyang MVP! Ang gaga magpapakasal na next year." Masayang balita saakin ni Syril!

"Buti naman at naisipan na niyang magpakasal noh!" Sabi ko, ang tagal na rin ng huling pagkikita naming lahat, last year pa yata yon. Nung kasal ko.

"Ilang buwan na ba yang tiyan mo?" Usisa ko kay Syril.. "Seven months.." Masayang sagot niya, hinaplos ko ang tiyan niya..

"Nasaan ang inaanak ko?!" Biglang tanong ni Stan, ah si Dustin ang tinutukoy niya.. Ang first baby namin ni Shane.


"Buhat buhat ni Shane, paano humahabol sakanya." Natatawang sabi ko, mag iisang taon na si Dustin at nakakatuwa dahil kamukha ni Shane ang anak namin.


"Baka naman magmana ng kasungitan yan sa asawa mo." Natatawang sabi ni Syril, "Haha! H'wag naman sana." Natatawang sabi ko.

"Tulungan ko lang si Shane sa mga order." Paalam ni Stan saka tumayo na.

"Waaaa!! Guys!! Namiss ko kayo!" Sigaw ni Elle pagkarating na pagkarating, niyakap niya kami ni Syril.

"Guys si L nga pala.. My soon to be husband." Nakangiting pakilala niya saamin. "Hi, nice to meet you." Bati nito saamin saka kinamayan kami.

"L? Means?" Usisa ni Syril.

"Lorenz." Nakangiting sagot nito, maya maya lang dumating na rin sila Stan na dala dala ang mga pagkain namin, pinakilala din ni Elle ang boyfriend niya dun sa dalawa.

Mabilis silang nagkasundo dahil kilala pala nitong si Shane at Stan si L dahil pinapanood nila lagi ang laban ni L sa basketball.. Nakakaloka nga dahil sila lang ang nagkakaintindihan.

Yung anak ko sigaw na ng sigaw dito sa restaurant..

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon