Words for R

20 1 0
                                        

Hi R. Kahit alam kong hindi mo ito mababasa kasi ayaw mo nang wattpad. What the fuck alam na alam ko talaga. Kasi nga mas gusto mo ang DotaTu. There's a lot of things I want to ask but you never talked to me. Taka pa nga ako ikaw tong nang iwan parang ikaw pa yung bitter. Yea I admitted that until now the pain is still here. Wala e sineryoso kita kasi akala ko seryoso ka rin.

Sorry kung nagexpect ako ng sobra. Kasi noon kilala ako ng Mama mo. Todo kwentuhan kami ng mama mo tungkol sayo nung pagkabata mo. Kaya dahil dun mas lalo akong nafall sayo.

Tanda ko pa kung paano nagsimula ung PANANDALIANG LOVE STORY natin. Yes panandalian lang. Ayaw kong sabihin na walang forever kasi hindi na ako bitter sayo.

Nung una nagchachat ka sakin kung may assignments or projects, kung ano ang nga kailangan gawin.

Sa personal close naman tayo kasi since grade school magkaklase tayo kaso hindi tayo masyadong naging close nun kasi sobrang pasaway at loko ka noon.

Hanggang sa tumagal araw araw tayong nagchachat kahit walang kwentang bagay pinaguusapan natin para lang tumagal ang usapan natin.

Halos February yung nangyari yun. May Junior Prom tayo. Sa choosing ng partners, sabi ni Ma'am ang boys daw ang magtatanong sa girls kung pwede sila ang maging partner mo sa entrance ng ball. As I expected ikaw ang nagtanong sakin through chat. Syempre ako umoo dahil wala nang mag tatanong sakin for sure.

Pero walang awkward between satin kapag naguusap sa school. Pansin ko rin na maaga ka nang pumasok. Natutuwa naman ako.

Pati nung magkachat tayo sabi mo may aaminin ka sakin sa prom. Napaisip naman ako syempre slow ako.

Nagulat ako nung nagchat ang mama mo. Tinanong niya kung what color nung gown ko sa prom. Bagos bigla na lang nagkwento ang mama mo tungkol sa nga kawalanghiyaan mo noon. Pati nalaman ko na nagoopen ka sakanya. Natuwa talaga ako at natawa. I just feel sad when sinabi ng mama mo na pag nakapagipon na sya dadalhin nila kayong lahat sa UK. Yea I know right, that time may feelings na ako sayo.

Nung dumating na yung prom. Ikaw ang naging partner ko nung sa entrance kaso di lang ikaw tatlo tayo nun si R din ang kapartner ko. Hahaha

Nalungkot ako dahil hindi ikaw ang first dance ko. Ang first dance ko ay si A ang dati kong crush kasi may crush na iba. Since grade nine sabi ko sana ako maging first dance nya. Kaso hindi saklap diba.

Pero natuwa ako nung inalok mo kong isayaw. Ikaw naman ang naging last dance ko. Habang nagsasayaw tayo hindi ako makatingin ng diretso sayo kaya ang ginawa ko pinuri na lang kita kasi bagay sayo ung puting coat mo.

Tinanong kita kung ano yung sasabihin mo. Kaso ang sabi mo ay nakalimutan mo.

Napaisip naman ako. Kaya hindi na kita pinilit nun.

Pagkatapos ng Junior Prom natin. Pagkauwi ko nagchat ka agad. Mga 12 na nun. Nawala ang antok ko.

Super inspired ako mag aral nun. Hindi ka naging distraction sakin.

Natutuwa ako sayo kaya I fell hard for you.

Bagos inalok mo ko ng mcdo at ililibre mo ko. Umoo naman ako. Pero nung nasa school humindi ako dahil nahiya naman ako. Kaso pinilit ako ni G kayo no choice. Tatakasan sana kita kaso wala nahuli mo ko akala ko nakaalis ka na nun dahil magpapasa ako ng project kay ma'am pero hinintay mo ko.

Nung nasa mcdo na tayo bahagya na tayo mag usap buti na lang nandyan si G baka wala na tayong nagpagusapan at puro kain tayo.

Bagos dun ka na umamin sakin. Pero bago ka pa lang umamin alam ko na. Dahil its too obvious naman na may gusto ka sakin. Dun mo rin ako tinanong na kung pwede kang manligaw.

Syempre umoo ako.

Sobrang kilig ako at pagkauwi nagchat ulit tayo.

Nung graduation natin. Di man lang kita nahagip gusto ko sana magkaroon tayo ng picture. Nadisappoint ako, hindi ko nafeel ang graduation. Pagkatapos ng graduation ang bilis nyong nakaalis di man lang kita nasabihan ng congratulation.

Bakasyon na hindi na tayo nagkikita noon dahil bawal naman ako gumala sa bayan.

Kaya hanggang chat na lang tayo.

Pero habang tumatagal para bang nawawala ka. Online ka pero hindi ka naman nagchachat kaya puro post ako sa fb at patama sayo. Nalungkot ako kasi parang walang epekto sayo. Kaya ang ginagawa ko nagsesend na lang ako ng emoji para mapansin mo at iChat ako.

Dumating ung time na parang nagkaalabuan na hindi pa tayo noon. Lupet no?

Bagos parang naging bula, nawala hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Kung kung... Kung nanliligaw ka pa ba sakin?

Iniisip kita ayaw kong umiyak I know right pero di ko maiwasan kaya idinadaan ko na lang sa wattpad.

Dumaan ang days na naging strangers na tayong dalawa. Gusto ko ng closure nun. Oo closure kahit hindi naging tayo pero may something e. Alam ko yun pati ikaw.

Inunfriend kita kasi gusto kong mag move on pero kahit iunfriend kita iniistalk pa rin kita.

Iniisip ko kung anong reason at iniwan mo ko sa ere.

Habang tumagal unting unti na kitang napatawad. Kahit hindi ka nahingi ng patawad kailangan ko yun gawin kasi hindi ako magiging masaya kung hindi ko ilelet go ang sakit at galit na aking nararamdaman.

Habang nagtitingin ako sa newsfeed nakita ko ang post ng kuya mo. Picture mo at picture nung babae. Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Hindi ko makilala yung babae.

Bagos nung isang gabi nagchat sakin si G at kinamusta tayong dalawa ang sagot ko matagal nang wala.

May sinend sya sakin na picture na kasama mo yung babae na dati mong nililigawan at sinabihan mo ng malandi. Nalungkot ako.
Pinipigilan kong umiyak kaso pati mga luha ko hindi nakaya ang nakita. Umiyak ako ng umiyak.

Doon ko tuluyan kinalimutan ang natitirang pag asa ko sayo na babalik ka sakin.

Hiling ko lang sana maging masaya ka na at mahanap mo na ang babae na para sayo.

Unspoken Words for RStories to obsess over. Discover now