Nalala ko pa nung mga panahon na ako lang ang nakikita mo.
Naalala ko pa nung mga panahong ako lang ang mundo mo.
Naalala ko pa nung mga panahong lahat ng desisyon mo nakabase sa reaksyon ko.
Naalala ko pa nung minsang isinugal mo yung buhay mo para lang maligtas ako.
Naalala ko pa nung sinabi mo sakin na mahal na mahal mo ako.
"Grace, nandyan na yung boyfriend mo." Kinikilig na sambit ni Aira, ang best friend ko.
Napangiti nalang ako nang makita ko ang lalakeng mahal na mahal ko. Nakaputing V-neck shirt at pantalon. Napaka simpleng porma pero ang lakas ng dating.
Naisip ko nanaman yung mga nagawa ko at bakit ibinigay siya sakin. Wala naman akong ibang ginawa kung hindi magpasaway pero mukhang may nagawa akong mabuti at ipinagkaloob siya sakin.
"Hi Mahal ko" nakangiting bati niya sabay halik sa pisngi ko.
"Hello, kamusta ang laro?"
"Hmm, nakakapagod pero dahil nakita na kita nawala lahat ng nararamdaman ko"
"Nang bola ka nanaman."
"Kain tayo?" Hinawakan niya ang kamay ko na akala mo ay isa itong babasagin na bagay na maaaring mabasag pag di iningatan.
Sikat siya sa eskwelahan na siyang pinagkaiba namin dahil isa lamang akong normal na studyante. Langit siya at lupa ako. Napakarami naming pag kakaiba. Mayaman siya at may kaya lamang ako.
Maraming tsismis sa eskwelahan namin na ginayuma ko lang daw siya. Naranasan ko na ring ma- bully dahil sa kanya. Minsan ko na ring naisip na igive up na yung relasyon namin. Napakaraming rason para mag hiwalay kami pero mas nangibabaw yung pagmamahal ko sa kanya. Paano ko nga naman iiwanan ang lalakeng tinanggap ako ng buong buo, minahal ako sa kung sino ako at higit sa lahat ay yung walang ibang hiniling kundi mapabuti ako.
"Pare ano? Napa-ibig mo na ba si Grace?" Narinig kong sabi ng kaibigan ni Marco.
"Oo pare. Amg bilis lang pala mahulog ng babaeng yun eh hahaha" natatawang sambit ni Marco, nang lalakeng mahal ko.
"Iba ka talaga pare hahaha. Biruin mo, pati yung tatanga tangang yun nahulog sayo haha."
Nakita ako ni Mark. Isa sa mga kaibigan ni Marco. Gusto ko nang umalis pero napahinto ako tanong ni Mark.
"Marco yung totoo, minahal mo ba talaga si Grace?" Seryosong tanong ni Mark.
Natigilan silang magkakaibigan. Sobrang tahimik na akala mo may dumaang isang anghel. Pakiramdam ko ay maririnig pati ang tibok ng puso ko. Lahag sila, kasama rin ako ay naka- abang sa sasabihin niya.
"Hindi"
Isang salita na bumasag sa buong pagkatao ko.
Isang salita na nakapag paguho sa mundo ko.
Isang salita na hindi ko inaasahang masasabi niya.
Ilang araw akong hindi pumasok. Ilang araw din akong hindi nagpakita sa kahit sino. Tumatawag sakin si Marco pero di ko ito pinapansin. Para saan pa diba? Sa kanya na mismo nang galing na hindi niya ako minahal kahit kailan.
Pinuntahan ako ni Mark sa bahay non. Ayoko sana siya labasin kaso naisip ko kung gaano kalayo itong bahay namin sa bahay nila. Kahit pa sabihin nating may kotse siya ay malayo parin ito at sayang ang gas.
"Anong kailangan mo?"
"Narinig mo diba?" Seryosong tanong niya.
"Hindi. Wala akong narinig."
"Hindi mo tinapos yung pakikinig diba?" Sa sinabi niyang yun ay napatingin ako. Anong hindi ko tinapos? May kailangan pa ba akong marinig? Para mas masakta ako? Hindi ako nakasagot sa tanong niya.
Ibinigay niya sakin ang phone niya. Voice clip na nakasave dito.
Natatakot ako pindutin kasi baka mas masaktan ako pero hindi pupunta dito si Mark para lang sa wala diba?
"Hindi."
"Hindi mo siya mahal?" Boses ni Mark ito.
"Sa totoo lang laro lang talaga para sakin ang lahat ng ito eh. Pero nahulog din ako. Hindi siya yung tanga gaya ng sinasabi niyo kung hindi ako" nagulat ako sa narinig ko. Si Marco to, sigurado ako.
"So mahal mo nga si Grace?" Ulit ulit na tanong ni Mark.
"Oo. Mahal na mahal ko si Grace"
Napatingin ako kay Mark na umiiling iling.
"Dapat kasi tinapos mo na. Makikinig ka na rin lang naman ng usapan ng may usapan sana tinuloy mo na."
Hindi parin mag sink in sa utak ko ang nangyari. Mahal talaga ako ni Marco.
"Pinahihirapan niyo lang dalawa ang sarili niyo. Hindi makapag ensayo ng maayos si Marco dahil hindi mo raw sinasagot ang tawag niya at hindi ka rin pumapasok sa school. Ayusin niyo na yung problema niyo kasi pati kaming mga kaibigan niya nadadamay." Seryoso sambit niya. Kinuha niya sa kamay ko yung phone at umalis na.
Gabi na pero di ko parin lubos maisip na mahal talaga ako ni Marco. Saktong tumawag siya ay sinagot ko ito. Sinabi niyang miss na miss niya na daw ako at gusto niya akong makita ngayon. Maaga pa naman kaya pumayag ako. Sabi niya sa dating tambayan daw namin kami magkikita.
Naalala ko pa non kung gaano siya kasaya nang makita ako sa kabilang kalsada. Papatawid na ako non ng biglang nay mabilis na kotse na paparating. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ko magalaw ang mga paa ko. Ipinikit ko nalamang ang mga mata ko at hinintay na bumangga sakin ang humahagibis na sasakyan pero imbis, naramdaman ko nalang na may tumulak sakin at saktong pagsak ko ay siya namang sigawan ng tao sa paligid.
Napatingin ako doon sa kumpol ng tao sa kalsada. Hinanap ko rin siya sa kabilang kalsada ngunit wala na siya. Biglang nanlamig ang aking sarili ng maisip ko yung bagay na yun. Nagmadali akong tumayo at pinuntahan ang taong nagligtas sakin. Nagulat ako sa nakita ko. Nakahiga siya at naliligo sa sarili niyang dugo.
"Mark" naiiyak na sambit ko.
Sampung taon na ang lumipas mula nang mangyari iyon. Nandito ako ngayon sa puntod niya. Hawak hawak ang sulat na nakuha ng doktor sa bulsa niya nung dinala siya sa Hospital.
Dear Grace,
Alam kong masaya ka na kay Marco ngayon kaya wala na akong balak na guluhin ka pa. Alam kong di mo na ako naaalala kasi isa ako sa mga nakalimutan mo ng matanggalan ka mg memorya. Aalis na ako at pupunta sa tita ko sa Canada. Ibibigay ko lang itong sulat sa iyo para malaman mo kung gaano kita kamahal. Ang hirap kasing makita na yung mahal mo ay masaya sa piling ng iba.
Mahal na mahal kita Grace. Ako yung kababata mong nangako na papakasalan kita. Hindi mo first boyfriend si Marco dahil ako ang una mo. Tanggap ko na na hindi mo ako maalala. Bukas na ang alis ko kaya paalam na mahal ko.
Nagmamahal,
Mark Villanueva
Naalala na kita Mark. Pero wala ka na. Nakakalungkot lang isipin na kung kailan kita naalala ay siya namang pagkawala mo. Sana kagaya ko lang din na pag nauntog o naalog ang utak ay babalik na ang nawala. Pero hindi eh.
"Nanay!" Tinig ng isang batang lalake. Lumingon ako at nakita ko si Mark Ventura. Ang anak namin ni Marco.
"Grace mahal ko, Halika na?" Nakangiting tawag sakin ni Marco.
Pinalis ko amg luha ko at tumayo na. Tinignan ko muli ang puntod niya at ngumiti. Paalam na Mark, pangako lagi kita maalala kasi kahit wala ka na mananatili ka dito sa puso ko.
