Oh my fridahlyn! you're in a big trouble. aniya sa isip.

Ngunit hindi dumating ang inaasahan niyang halik bagkus ay ang pagdampi ng malamig na tuwalya sa kanyang pisngi ang naramdaman niya. Pagdilat niya ay nakita niya itong paalis na.

Kaasar! I'm sure iniisip niya na ineexpect kong hahalikan niya ako! Nakakahiya ka Fridahlyn! Gosh! I'm so embarassed. Bakit sa kanya pa! sermon niya sa sarili.

Upang makabawi man lang sa pagkapahiya ay tinawag niya ito.

"Wait! Qiel!"

"Uh-uh?"

"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko..." pag-iiba niya sa usapan... o usapan nga ba? dahil sa pagkakatanda niya ay ni-isang salita walang namagitan sa kanila. Puro mga aksyon lang... Specifically, ang paglapit nito masyado sa kanya.

"About the clothes right?"

She nodded.

"Well, I didn't changed it. It was my maid who did... And i'm not interested so no need to worry about. You're not my type."

Burn! Ang sakit naman nito magsalita. Pusong bato ba ito? Napaka insensitive. Kahit na ba sabihing hindi nga ang tulad niya ang tipo nitong babae ay ang kapal naman ng pagmumuka nito upang sabihin sa kanya iyon ng harap-harapan.

"How dare you! For your information Mr. super ugly jerk who lives on earth! hindi rin ikaw ang type kong lalaki!"

"Nakakapagtaka naman yata yan... Parang kanina lang, gustong gusto mong halikan kita?"

Bago pa man siya makasagot rito ay nakaalis na ito. Tanging ang likod ng pinto na lang ang nakita niya. Sa sobrang inis ay  ibinato niya ang unan rito. Muli ay iginupo siya ng antok at nakatulog na.

                                                                                  ***

Mabuti na ang kanyang pakiramdam kaya napagdesisyunan niyang ayusin na muna ang kanyang mga gamit. Matapos maayos ang mga ito ay nakaramdam siya ng gutom kaya bumaba  siya. Malayo palang ay naamoy na niya ang mabangong amoy ng ginigisang sibuyas at bawang. Lalo tuloy kumalam ang kanyang sikmura.

She wonder what will be her breakfast. Nasa kasalukuyan siya ng pag-iisip ng mga pagkain ng mapahinto siya sa may bukana ng kusina. There he is... Looking perfectly beautiful and damn hot with his plain white t-shirt and shorts. Nagtago siya sa likod ng isang eskaparate upang hindi makita nito. Palihim siyang sumilay rito. 

Those muscles... Pwedeng pwede lambitinan.

Medyo nagawi ito sa kanyang direksiyon kaya agad siyang nagkubli at maya maya pa ay palihim na sumisilay rito.

He's gorgeous. The apron looked good to him. Sa katunayan ay mas nakadagdag ito sa kaguwapuhan niya. Teka nga sandali. Bakit ba ganito ang iniisip niya? War nga sila diba. Muli ay sinubukan niyang silipin ito ngunit sa buong pagtataka niya ay wala na ito. Where did he go?

"Looking for me?" ang baritonong boses na iyon. Kilala niya iyon. It was him... Qiel.

"Uhh... I was just looking for the bathroom. That's it" tugon niya rito pero ang traydor niyang tiyan ay tumunog tanda ng pagkagutom.

"I guess your tummy says, you're not." He grabbed her arms and dragged her into the dining table.

"Teka... What do you think are you doing?"

"Isn't obvious? kakain ng breakfast."

Naupo siya at saka pinanood ito habang inihahanda ang breakfast. Mukang masarap ang niluto nito. Nakakaakit ang amoy ng fried rice. Umupo ito sa kanyang harap.

"Eat."

"No way." What the heck? saan nanggaling yun? Now she know... From the bottom of her pride. It's too late para mabawi pa ang kanyang sinabi. Lalo lang siya mapapahiya.

"You sure?"

"Y-yes... Of course. Yes"

"And your food?"

"I'll cook my own... Hindi ba't kasunduan rin naman natin na kahit nasa iisang bahay lang tayo ay may sari-sarili tayong buhay?"

"Yes... But kakagaling mo lang sa sakit at-" She cut it.

"I can manage myself."

Tumayo siya at dumiretso sa kitchen. Binuksan niya ang refrigerator para kumuha ng maiiluto. Sa huli, Itlog lang ang kaya niyang lutuin kaya ito ang kinuha niya. Inihanda niya ang lulutuan at saka kumuha ng kaunting mantika. Nakaramdam siya bigla ng discomfort, napalingon siya sa likod at dun ay nalaman niya ang dahilan kung bakit... naroon ito at minamasdan ang bawat kilos niya. She manage not to feel uncomfortable pero di niya kinaya.

"What do you want?" tanong niya ng di na siya nakatiis.

"I'm just checking... mamaya masunog pa ang bahay eh."

"Whatever."

Sinimulan niya na iprito ang itlog at muntik na mapatili ng magtilansikan ang mantika nito. Fine. She admtted it... She don't how to cook. Damn that pride. 

Umusok ang kanyang piniprito kaya nataranta siya. Sa kanyang pagka panic ay di niya napansin na nahawakan niya ang kawali kaya napaso siya. Napahiyaw siya sa sakit.

"Fridahlyn! are you alright?!" Isang nag-aalalang Qiel ang bumungad sa kanya. Pinatay muna nito ang kalan bago siya kinaladkad papunta sa lababo upang hugasan ang kanyang paso.

"I told you to eat but you didn't listen!" bulyaw nito.

"Instead you refuse to eat it because of your damn pride!" patuloy nito. Napatulo ang luha niya dahil sa pinaghalong sakit ng pagkapaso at takot rito. Lumambot ang ekspresyon ng muka nito ng makita ang luha sa kanyang mga mata.

"Hush... Don't cry Fridahlyn... I didn't mean to scare you." Pang-aalo nito sa kanya.

"It's okay... You're right... It's my fault" She said while crying.

Umalis ito saglit at agad din namang bumalik na may dala-dalang ointment. Pinaupo siya nito at kinuha ang napaso niyang kamay. He gently put the ointment and blow it.

Ibang-iba na Qiel ang nakikita niya ngayon. Not the usual cold one but a sweet and gentle one... Kung sana ay ganito ito palagi baka mahulog pa ang loob niya rito.

Wait a second...

It won't happen.

Never.

When Ms. Troublemaker Meets Mr. Right (ON HOLD)Where stories live. Discover now