108:MESS

3.8K 82 5
                                    

"Bunso gising!"

"Bunso naman!"

Kinuha ko ang aking unan at itinakip sa aking tenga. Inaantok pa ako. Wala akong balak bumangon lalo na't umuulan tapos linggo pa.

"Isa!"

"Mamaya na nga kasi!" sigaw ko. Kanina pa siya sigaw ng sigaw sa labas. Kung bakit ba naman kasi nandito pa ang ulupong na 'yan. Magaling naman na ang mga sugat niya sa mukha. Tsk!

"Iya! Nandito nga kasi ang messenger guy mo! Si Trevor," he shouted. Nanlaki ang mata ko at napabalikwas ng bangon. Dali-dali kong binuksan ang pinto.

Nabungaran ko na lang si Kuya na nakangiting tagumpay.

Unti-unti akong napasimangot nang mapagtanto ko ang kanyang ginawa. "Good joke kuya. Galing mo," I said before trying to close door.

"Hep hep!" saad niya at hinawakan ang doorknob. Tawa pa rin nang tawa. Nang mahimasmasan na siya, muli siyang nagsalita."Hindi ka pwedeng bumalik sa higaan mo. Parang pag-ibig lang 'yan, kung nagising ka na sa katotohanan, huwag ka na ulit magbulag-bulagan," he said smiling.

"Lecheng hugot 'yan! Ano ba kasing trip mo? Bakit mo ako ginising?" I exclaimed furiously.

"Haha. Ang epic ng mukha mo bunso. Pangalan lang pala ni Trevor gigising sayo," natatawang sabi niya.

"Malilintikan ka na talaga sa 'kin. Ano ba kasing meron? Wala akong pasok ngayon eh!"

Tinaas niya ang kanyang kilay. "Wala ba talaga? Grabe ka bunso, magtatampo na si God sayo."

"Mamayang hapon ako pupunta ok? Ang feeling mo kuya. As if naman maka-Diyos ka talaga. Makasalanan ka naman. Nagpapa-good shot ka lang naman kila mommy."

"Grabe ka naman. Kaya nga ako pupunta sa simbahan para magbawas ng kasalanan diba at magpasalamat na rin. Kailangan kasama ka."

"Walangya! Tinatamad ako ok? At bakit kailangan kasama ako?"

"Bukod sa makasalanan ka rin, kailangan ko ng bubugaw sa mga babaeng lalapit sa 'kin. Ang dami kasing lumalapit sa akin kapag di kita kasama. Alam nilang kapatid kita at mataray ka kaya di sila makaporma sa akin.Puro pangit na kasi ang mga lalaking nakikita ko ngayon. "

"Huwaaaaww! Bilib din ako sa lakas ng hangin mo kuya! Ang gwapo mo. Tsk!" I said sarcartically.

Natawa siya. "Hindi ko sinasabing gwapo ako. Ang sinasabi ko lang, pangit sila."

Binatukan ko na. Conceited eh!

"Bahala ka nga!" naiinis kong sabi saka naglakad papunta sa kama ko. Nagtalukbong ako ng kumot.

"Mamayang hapon na lang din ako pupunta," he said. Siguro nakaupo na naman siya ngayon sa couch. Medyo malawak kasi ang aking kwarto kaya pinalagyan na rin ni mama ng kung anu-ano.

"Matutulog ako ulit. Huwag kang istorbo kuya."

"Well, gusto kong pag-usapan natin ang puso mo," sambit niya.

"May sarili kang puso."

"Puso mo nga ang pag-usapan natin."

"Eto, nagpa-pump pa din ng dugo."

"Seryoso nga kasi bunso!"

"Ayoko."

"Dali na!"

"Ayoko nga sabi e."

"Parang utot lang 'yan bunso. Kung hindi mo ilalabas, dangerous," he chuckled.

"Ang baboy mo magsalita," I hissed. Tumawa lang siya.Tinanggal ko ang aking kumot. Bumangon ako at tumuwid ng upo. "Ano na namang pakulo 'toh?"

MESS-ENGER (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt