Inangat ko ang kamay ko at ako na ang pumunas sa mga natuyo niyang luha. Sandali siyang natigilan at napatitig sa'kin.

"You don't have to hide your tears, hangga't nandito pa ako, ako ang magpupunas ng mga luha mo."

Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin pero nagdesisyon na lang siyang itikom nag bibig at kalimutan ito. He heaved a deep sigh and hold my hands tight, tighter and tighter.

"Enough with this... this is our day. Let's forget everything and leaved it all behind for the mean time. Kahit ngayong araw lang, mabuhay naman tayo sa paraang gusto natin, let's live a life full of happiness, freedom and peace."

Sandali ko siyang tinitigan at kalauna'y ngumiti nang ngumiti siya. Tumango ako bilang pag-sangayon sa sinabi niya. Pareho kaming natawa nang mapagtantong parehong basa ang pisngi namin ng mga luha. Pinunasan namin ang luha ng isa't isa habang natatawa.

"Panget mo umiyak." komento ko habang pinupunasan ang pisngi niyang nababasa sa mga bagong agos ng luha. Napariin naman ang pagpupunas niya sa pisngi ko na parang gumaganti sa pang-aasar ko.

"Ganda ka teh? Makalait ka akala mo perkpek." tumawa lang ako sa sinabi niya.

Hinagis ko na sa kanya ang itim na makapal na jacket na kanya namang isinuot na ipinatong sa makapal niyang sweater. Sabay na rin kaming lumabas sa kotse.

Nagtataka ako nang may makita akong maraming hikers sa paligid. Sukbit-sukbit nila ang malalaking backpack sa likuran at ang mga malalaking waterjug.

Inikot ko ang buong paningin ko sa paligid. Nasa may paanan kami ng bundok. Magh-hiking kami? Napatingin ako kay Mark na may inaayos sa compartment. Nilapitan ko siya at nakita ang dalawang itim na naming malaking backpack na ngayon ay lumubo na dahil sa dami ng laman.

"Magh-hiking tayo?" tanong ko sa kanya kahit obvious naman na ang sagot, nakangiting tumango siya at inabot ang isang pares ng hiking shoes.

"Wear this."

Inabot ko ito at pumunta sa backseat para doon umupo habang nagpapalit ng sapatos. Ganoon rin ang ginawa niya. Nang matapos ay isinara na namin ang kotse, isinukbit niya ang isang backpack sa likod, nakipag-agawan pa ako sa isa kasi ayaw niyang ipabuhat sa'kin.

"Babe, lalo kang liliit sa bigat nitong bag. Maliit ka na nga, liliit ka pa."

"Yabang mo naman. Hoy matangkad ka lang! Akin na yan! Wag kang pabida, bigat-bigat niyang dalawang bag eh."

Ilang minuto pa akong nakipag-agawan sa bag hanggang sa bumigay na siya.

"Pagnabigatan ka na, sabihin mo sa'kin ah."

Tumango ako nang maisukbit ko na nag bag. "Opo, boss."

Nang maisukbit ko na ang bag ay halos mapahiga ako patihaya sa sobrang bigat nito. Shet, ang bigat pala. Ano ba lama nito? Hollow blocks?

Kinuha na niya ang dalawang malaking water bottle bago tuluyang nilock ang sasakyan at naglakad na papalapit sa ibang hikers.

"Bakit naisipasn mo mamundok tayo?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang hiking pole samantalang siya naman ay sinasabit sa dalawang bag namin ang tubigan.

"Diba sabi mo gusto mong lumipad ng sobrang taas, yung tipong mahahawakan mo na ang mga ulap? Yung sobrang taas na magiging kaisa mo na ang paborito mong bughaw na kalangitan at mga ulap? Dahil wala naman tayong pakpak, mamundok na lang tayo." nakangiti niyang sagot habang inaayos ang paglalagay ng tubigan sa bag ko.

Napatitig lang na lang ako sa kanya. Tinutoo niya talaga yung sinabi ko sa kotse?

"I know how you wanted to be with the clouds and sky in the day and be with the moon and stars at night but I can't afford to lose you right now kaya mamundok na lang tayo. Sa tuktok ng bundok makikita mo ang mga ulap ng malapitan, matatanaw mo ang buwan at mga bituin, magiging kaisa mo ang bughaw na kalangitan kahit panandalian lang." saad niya hanggang sa matapos niyang ayusin ang tubigan sa bag ko.

Tale Of Lucy NakaharaWhere stories live. Discover now