Heartbreak Girl

255K 1.8K 231
                                    

Minsan sa buhay, masyado nating pinapahalagahan ang isang tao. At ito'y nagdudulot ng pagkakapabaya sa sarili at pagkalimot sa mga taong lubos na nagpapahalaga at nagmamahal sa atin.

Maraming nabubulag sa pag-ibig. May bulag sa pag-ibig na halos gawin ang lahat para sa taong mahal niya at nakakalimutan na niya ang mga taong tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya. Si Kathryn at Daniel ay dalawa lamang sa milyun-milyong taong bulag na sa pag-ibig.

Every heart has a pain. Only the way of expressing it is different. Fools hide it in eyes, while the brilliant hide it in their smile.

Paano kaya magkakadikit-dikit at maayos ang marupok at halos wasak nang puso ni Kathryn kung patuloy siyang nabubulag sa katotohanan na kahit kailan ay hindi siya iibigin ng best friend niya?

Paano kaya mararamdaman ni Daniel ang tunay na ligaya kung ang tanging nakikita niya ay isang babaeng wala namang kapuwang-puwang sa buhay niya?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang kwentong umiikot sa buhay ni Kathryn Chandria Bernardo, isang college student. Mayaman, maganda, mabait, matalino. Nasa kanya na ang lahat, maliban ang lalaking matagal na niyang iniibig.

Si Daniel John Padilla, isa ring college student. Mayaman, gwapo, mabait, gentleman, habulin ng babae. Nasa kanya na ang lahat, maliban ang babaeng dalawang taon na niyang iniibig.

Si Julia Barretto, isa ring college student. Maganda, maputi at mayaman. Para kay Kathryn, siya ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa.

Ang kwento'y umiikot sa tunay na damdamin ng isang babaeng umiibig sa isang binatang ni minsa'y hindi siya inibig sa paraang gusto niya.

Heartbreak Girl

All rights reserved. 2013


Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon