Chapter 12

35 1 0
                                        

Chapter 12

Para bang binuhusan sila ng semento ng makita nilang hirap na hirap si miss L na umakyat ng hagdan ngunit abot pa rin hanggang tenga ang kanyang ngiti.

Mabilis namang tinulungan ni katelyn at bianca si miss L.

Puro mga masusustansiyang pagkain at mga magaganda at branded na damit ang kanyang mga bitbit. Napakasaya pa rin niya at masiglang masigla pa rin siya kahit na pagod na pagod siya sa pag-akyat.

The ten girls stood still near the window. Their mouth popped open. Lahat sila ay shocked na shocked sa nakikita.

“Hello? Tatayo lang ba kayo diyan habambuhay at patuloy na tititigan ako habang nakabukas ang inyong mga bibig?” ang sabi ni miss L.

Agad silang natauhan at sabay sabay na lumapit kay miss L.

“miss L, anong okasyon?” nakangiting tanong ni atheena.

“Wala!” Ang sagot ni miss L. It seems like her smile will never fade. As if it was nailed there forever. “Bakit mo naman naitanong?” ang dagdag pa niya.

“Uhmm... wala lang po.” Ang sagot ni atheena.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni emma. Biglang hinipo ang noo ni miss L.

“Miss L, may sakit po ba kayo? Okay lang po ba kayo? Galing po ba kayo sa doktor?” ang nag-aalalang tanong ni emma.

“Ano ka ba? Anong doktor ang pinagsasasabi mo diyan? Wala nouh! Okay ako. Maayos ako. I’m still healthy. Isn’t it obvious?” ang sagot ni miss L na walang bahid ng pagkainis at tila natatawa pa kay emma.

“Ah... obvious naman po.” ang sabi naman ni emma habang nakangiti.

Sabay sabay na napabuntong hininga ang lahat.

“Aha! Nanalo ho ba kayo sa lotto? Sa bingo? Sa text promo ng deal or no deal? Game ka na ba? O baka naman sa singing bee?” ang tanong naman ni shanna.

“Naku, hindi nouh. Hindi naman ako mahilig gumamit ng cellphone eh. ‘pag kailangan lang talaga.” Ang sagot naman ni miss L.

“Miss L, sirit na kami. Wala na kaming ibang maisip na dahilan. Ano ho ba talagang nangyari sa inyo?” Ang tanong ni rizza na suko na at hindi na makaisip ng ibang dahilan kung bakit biglang bumait at sumaya ang kanilang land lady.

“Oo nga ho. Sigurado ho ba kayong wala kayong problema? Kung meron ho, ‘wag ho kayong mahiyang magsabi sa’min.” Ang sabi naman ni priscilla.

“Oo nga po. Matutulungan ka naman po namin eh. Kapamilya na rin ang tingin namin sa inyo. Diba guys?” ang sabi naman ni ireene na agad sinang-ayunan ng lahat.

“okay lang talaga ako. Nga pala, tulungan ninyo ako ah. Lulutuin ko pa kasi itong mga pinamili kong pagkain eh. Mamaya ko nalang ibibigay ‘yung mga damit na pinamili ko para sa inyo.” Ang sabi ni miss L sabay tayo.

Sabik na sabik na siyang magluto. Gusto na niyang magsimula. Pupunta na sana siya sa may kusina ngunit biglang nagtanong si alliyah.

“Uhmp. Lahat ho ba ‘yan lulutuin niyo?” ang tanong niya.

“oo naman.” Ang nakangiting sagot ni miss L.

Napalunok naman si alliyah sa sobrang dami ng pagkain lulutuin ng land lady nila.

Nang matapos magluto si miss L ay nagtipon tipon ang lahat sa mesa.

Bago sila magdasal ay may sinabi muna si miss L sa kanila.

“Uhmmp... May mga panauhin o bisita tayo ngayong araw na ‘to. And i just want all of you to behave properly, Okay? May mahalaga din akong sasabihin sa inyo pagdating ng mga bisita natin.” Ang sabi ni miss L.

LUCKY: The time travelling carWhere stories live. Discover now