Chapter 11

45 1 0
                                        

Chapter 11

Nang magkamalay tao si priscilla ay nasa park na uli siya. Nasa sasakyan siya noon. Hindi napansin ng iba pa nilang mga kasama na sila’y umalis sapagkat hindi naman nagtagal ang kanilang pag-uusap at kasalukuyan pa ring nagkakantahan sa park.

Ang ilan pa nga sa kanila ay abala pa rin sa paglilibot sa park. Lahat ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan kaya naman hindi nila napansin ang saglit na paglayo ni priscilla at lucky.

Masaya pa rin ang lahat. Maliban sa kanilang dalawa.

Nasa malapit lang din si lucky ng magising si priscilla. Muli silang nag-usap at noo’y naintindihan na ni priscilla ang kalagayan ni lucky. Nangako ito na hindi niya ipagsasabi sa iba ang sekreto ni lucky at nangako rin ito na tutulungan rin niya ito upang mapawalang bisa ang sumpa nito. At dahil doon ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa.

Lumipas na naman ang isang araw.

Sumikat ang araw at nagising ang mga panauhin ni lucky na masayang masaya.

Bagama’t wala pa rin silang naaalala sa kanilang nakaraan, masaya pa rin sila.

Unti unti na namang nagkakalapit sina mario at emma, alliyah at enrico, jessie at julio. Para bang unti unting bumabalik ang mga pag-ibig na nararamdaman nila para sa isa’t isa.

Samantala, unti unti ring napapatunayan ni jella sa kanyang sarili kung sino nga ba talaga ang matimbang sa kanyang puso. Mas napapamahal naman sa isa’t isa sina marrize at si dean.

Habang nag-iisang nakaupo sa kanyang kama si alliyah ay bigla namang may kumatok sa pintuan. Ito’y kanyang binuksan at si enrico pala iyon.

“Oh, ikaw pala? Anong ginagawa mo rito?”

“Uhmm.., wala naman. Gusto sana kitang makausap eh. Kung gusto mo lang naman. Pero kung ayaw mo, ayos lang sa akin.” sagot ni enrico.

“Ah.., ‘yon ba. Sige, pasok ka?” si alliyah.

Pumasok naman si enrico at agad itong nagsalita. “Nga pala, gusto kong humingi ng paumanhin sa iyo. Masyado ata akong naging bastos ng tayo’y huling mag-usap.” Hinging paumanhin ng binata.

“Ayos lang ‘yun sa akin. Ganyan naman talaga kayo eh.”

“Huwag mo sanang isipin na ganuon ako. Ipagpaumanhin mo kung ganoon man ang aking ikinilos. Hindi lang talaga maganda ang aking pakiramdam ng mga oras na iyon. Maniwala ka sanang ako’y sising-sisi sa aking ikinilos noong tayo’y huling mag-usap. Hindi ko intensyon na ika’y bastusin.” paliwanag ni enrico.

“Huwag mo ng alalahanin ‘yon. Hindi naman ako nagtatampo sa’yo. Naiintindihan ko na kaya ka ganoon umasta ay dahil sa masama ang pakiramdam mo. Pati din naman ako eh, medyo naging suplada sa’yo. Sorry din ah.” Ang sabi naman ni alliyah.

“Salamat naman at naintindihan mo ako. Nga pala, hindi ka ba nababagot dito? Gusto mo ba na ipasyal kita?” ang tanong ni enrico. “Uhmm... sige.” Ang sagot naman ni alliyah at umalis na nga sila.

Nanonood naman sina marrize at jella ng mag-yaya si dean na mamasyal sa park kung saan sila madalas mamasyal. Sumama naman si jella at marrize. Ngunit bago sila pumunta ng park ay sinundo muna nila si munchkin.

Magkasama man ay hindi nagkikibuan sina jella at munchkin. Kahit na pagtitig lamang ay halata ng nag-iiwasan ang dalawa. Ngunit hinayaan nalang ito ni marrize at dean. Nais nilang magpakasaya sa araw na iyon at lumimot ng problema.

Papaalis naman sina enrico at alliyah ng biglang dumating sina jessie, julio, lucky, priscilla, ireene at rizza.

“oh, sa’n kayo pupunta? Magde-date kayo nouh?” ang tanong ni priscilla sa dalawa.

LUCKY: The time travelling carWhere stories live. Discover now