"Sorry saan??" Gulong-gulo na tanong mo sakin. "Sa pag halik mo sakin? Sa kiss mark?"

Hindi mo napigilang murahin ako dahil pati ikaw ay wala nang maintindihan.

"No.. Don't cry."

"Hindi na kita maintindihan eh! sobrang.. alam mo yun? Minsan ang sweet sweet mo ang protective mo masyado na kahit si Gino pinag seselosan mo pero inintindi ko kasi alam kong mahal mo ko, tapos ngayon one week mo kong hindi kinausap.. ni sagot manlang sa text ko, sa calls kahit mga barkada mo ayaw mag salita kung anong nangyayari sayo!"

Minura mo ulit ako ng napaka lutong at saka hinampas ang aking braso.

"Hindi ako mang huhula! Kung ayaw muna sabihin mo! hindi yung ganitong ginugulo mo yung utak ko!"

Hindi ako nakapag salita.

Galit na galit ka to the point na umiiyak kana. Pero wala akong magawa dahil miski ako hindi gustong saktan ka.

I wipe my tears.

"Sorry kung hindi ako sumasagot sa tawag mo.. Hindi ko alam.. saan mag sisimula o kung pano ko sasabihin sayo. Pero sa luob ng isang linggo na yun nag iisip lang ako. Hindi ako umiiwas kasi may iba nako o hindi na kita mahal. Mahal na mahal kita Cassy. Mahal na mahal."

Nakikinig ka lang habang parehas tayong naiiyak.

"Naalala mo ba nung nag paalam ako sayo na kakausapin ako ni Jade? We actually went home that day. Kinausap kaming lahat ni Dad about kay mama. She went missing a month ago. Mahabang kwento..."

Yung kaninang galit sa mga mata mo ay napalitan ng pag-aalala. You knew my mom already because weve been friends for years before I step up. Hindi ko noon inaamin sa kanya na mahal ko si Cassandra pero her being my mom knew kahit wala akong sabihin. Dahil si Cassy lang yung pinakilala ko sa kanilang babae.

"Oh my god you should have told me earlier! I'm sorry."

"Don't be. I'm still shocked until now but I'm good. Hindi mo kailangan mag alala sakin. Dad's already did something, hindi lang namin sinasabi pa sa lahat to minimize panic and you know? media, baka pati kapatid ko maapektuhan.."

Lumapit ka sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Magiging okay rin lahat. Let's just pray for her and her safety."

I kissed you once again holding your hand.

"Pansamantala muna ako hihinto sa pag-aaral. Biglaan kasi.."

You cut me off asking why. "Bakit kailangan mo huminto? Graduating kana.. I thought your dad handle it already??"

Worry peak your eyes. Hindi ka mapakali kakaisip bakit.

"I know.. ayoko rin naman Cassy."

Iniisip ko nanaman yung mga pangarap ko para satin. Na Pag natapos ako sa pag-aaral I'll work or I'll pursue my basket ball career. Kahit saan na mas makakaipon ako para agad kita papakasalan..

Tapos mag kakaanak tayo ng marami... My typical dream of how all of our kids looked like you running around the house.

"Pano? At bakit?"

Naiiyak ka nanaman. Mas lalo akong nahihirapang sabihin yung totoo kapag ganito kita iiwan.

"I need to go.." I said not looking at you.

"Hindi kapa nga tapos mag paliwanag sakin gusto mo nanaman agad umalis? Ngayon na nga lang tayo nag kita."

"It's not that. Kailangan kong umalis kaya matitigil ako sa pag-aaral. My dad wanted me to enrolled asap in the military.. So we can help find Mom."

Hurt, betrayal and confusion clouded your mind. Parang hindi nag sink in sayo ang mga sinabi ko pero ayoko na yong ulitin.

"Hindi dapat ako. Pero ako lang yung pwede sa ngayon. Hindi kasi pwede si Kuya Keith dahil puro siya tattoo at may concert siyang paparating ngayong taon. Zeth's still in senior highschool so I'm the only one left.. and my sister volunteered,"

You were silent.

"I don't want to go." I blurted out. "I don't have a choice. Hindi ko gusto umalis at iwan kang mag isa Cassandra."

You didn't listen. You just stood there looking out of nowhere crying.

"I'm sorry."

Parang gusto kong iuntog ang aking ulo ko sa pader wag lang ako umalis.

"K-kelan ka kailangan? Gano ka asap?? Para ihinto mo yung pag-aaral? Ganun naba kalala? Bakit-bakit ngayon mo lang to sinasabi sakin? I-I don't understand..."

I kissed you once again, closing my eyes. "I have to decide before end of this month,"

Napalayo ka. "What?!" tears filled your eyes, pero mabilis mo itong pinunasan. "Ilang araw nalang Kase?"

Kita ko sa mata mo na parang gusto mong sumama nang mapag tanto mong ilang araw nalang at maiiwan kana mag-isa.

I couldn't look you in the eye.

"Ba't sobrang bilis naman..." This time napaupo kana at napahawak sa iyong ulo. "Aalis kana sinayang mo pa yung araw na dapat mag kasama pa tayo!"

Tumaas ang boses mo, bumabalik ang galit at sinusumbatan ako. Wala akong ibang masabi kundi sorry lang. I should have said more but I was so heartbroken.. watching us like this.

Hindi ko alam kung kakayanin mo, ako na malayo sayo.. ngayon palang nahihirapan na tayo.

His Exception (Ongoing)Where stories live. Discover now