BAGO ANG LAHAT

1.4K 31 1
                                    

"Hhmm."

"Ano ba? Natutulog pa eh."

"Isa pa. Lagot ka sakin."

Tinakpan ko ang tengang kinalabit nya.

"Anong sinasabi mo mikaela?! Ala sais na at malelate ka kung di ka pa babangon dyan! Bibilang ako ng tatlo. Isa!"

"Eto na nga. Tinanghali lang ng konti eh."

"Aba't sasagot ka pa! Bumangon ka na nga! Ke tanda tanda mo na ginigising ka pa! Buti pa yung kapatid mo. Andun nagsasangag na. Pambihira ka talaga! Ikaw tong mas matanda don ikaw tong tatamad tamad."

Hindi ko nalang pinansin ang pagputak ng mama. Nag inat ako.  Umalis sya sa kwarto ko  ng bumangon ako't nagkunwaring tinutupi ang higaan.

Bakit pa kasi kailangang ikumpara ko kay Klara.  Sya naman lagi yung magaling  sa kanila.

Naligo ako't naggayak para pumasok. Hindi parin ako sanay. Kakalipat lamang namin ng tirahan. Isang  sundalo si daddy at mataas ang tungkulin. Nagkataong napromote sya kaya naman hindi kami nahirapang mag hanap ng upahan. Matatagalan daw kami  dito sa san juan.  Sentro ng batangas. 

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng aking kwarto.  Masaya na malungkot sapagkat missed na missed ko na ang dati naming tirahan. Kasama ko si klara dun sa dati naming tirahan o mas tamang sabihin totoong tirahan. Sa nueva ecija. Munit kinailangan naming umalis dun para sundan ni mama si daddy para daw hindi magkaron ng kabit. Nakakatawa. Alam kong hindi nya gagawin yon munit praning si mama. Tumanggi akong sumama noon pero nagalit at nakarinig lang ako ng maraming sermon sa kanilang  lahat.

"Aba't mikaela! Anong oras na! Bakit hindi ka pa bumababa!"

"Andyan na!"

Binilisan kong itirintas ang hanggang bewang kong buhok. Bakit nga kaya? Bakit walang nagkakagusto man lang sakin? Bakit pinanganak akong pangit?

Umiling akong bigla.

"Maganda naman ako diba? Mas maganda nga lang si klara. Subalit hindi naman nakikita ang kagandahan sa panlabas na itsura kundi dito diba?"

Kaharap ang salamin.
Tinuro ko ang puso. Matagal na panahon na simula ng magkaron ng manliligaw si klara sa edad na labing dalawa. Ang edad kung saan ako nawalan ng tiwala sa aking mukha.  Fourteen ako ng sya namang pagkakaroon ng boyfriend ni klara. Simula non, tumatak sa isip ko ang pangit kong tingin sa aking mukha.

Bilugang mata, Bilugang mukha, katamtamang tangos ng ilong, hindi kapulahang labi. Malayo sa mala anghel na si klara. Sa wari nga nila'y isa itong artista.

Matapos kong iligpit lahat ng kakailanganin sa eskwela. Sinuot ko ang pinakamamahal kong salamin.




"Good morning dear sister."

"Good morning."

Masigla ang pagbati ni klara munit kabaligtaran ng panlalambot ko sa kadahilanang napuyat.

Naupo ako sa tabi nya't nagsimulang kumuha ng favorite kong longganisa.

"Ate pray before you eat."

Ani ng kapatid kong siyam na taon. Genius at Maka Diyos na bata. Ngunit grabe kung makasumbong sa lahat ng nakikita nyang mali. Katwiran nya, "Cleanliness is next to Godliness."  Minsan lamang na makalimutan ko ang napkin sa cr namin sobrang sermon na ang natanggap ko sa kanya.

Iirapan ko sana ng mapansin kong sakin nakatuon ang atensyon nilang lahat. Si daddy sa gitna sa kanyang kaliwa naman si mama na sinundan ni  Carlo. Sa kabila halera ay magkatabi kami ni klara.

Nag sign of the cross ako kasabay ng madamdaming dasal at pasasalamat ni carlo.

"Mikaela, naayos mo na ba ang lahat ng requirments mo sa bagong school na iyong papasukan?"

"Oho."

Tipid kong sagot. Kumuha ng panibagong longganisa at ngumuya. Pero sa isip ko. Kumpleto na nga ba?

"Mabuti naman kung ganon. Ikaw klara? carlo?"

"Yes Dad!"

Magkasabay na ani klara at carlo. Kababakasan ng excitement. Samantalang kaba naman ang para sakin. Iniisip  kung magkakaron ba ko ng bagong kaibigan.

*************************

"CALLING ALL THE ATTENTION OF FORTH YEAR HIGH SCHOOL.  PLEASE PROCEED TO THIS LINE WHEN YOU HEARD YOUR NAME CALLING AND FOLLOW THE TEACHER'S INSTRUCTION TO YOUR RESPECTIVE ROOM."

Maingay, magulo at madaming estudyante . Clarkson national high school. Pinakamalaking pampublikong eskwelahan sa lungsod ng batangas.

Sa bawat paglingon ko'y mga masasayang estudyante mula first year hanggang forth year high school  ang makikita.

Kanina pa ako naghihintay. Kumokonti na ang papulasyon ng forth year munit nandito parin ako sa sulok. Nag-iisa. Walang kausap at higit sa lahat wala kakilala. Doble dobleng kaba ang kanina pa nararamdaman.

"Mikaela de san juan."

Sa pagbanggit ng aking pangalan. Kahit nasa likod at malayo sa kumpulan. Dinig ko ang aking pangalan. Halos takbuhin ko ang harapan at paulit ulit banggitin ang section kung saan ako nakalaan.

four  yellowbell…

four yellowbell…

four…

yellowbell…

Sa huling pagbanggit ko ay ang pagkadapa ko sa sahig.

"Aray."

Bumangon ako't di tumitingin sa paligid.

"Halika."

Nakalahad na kamay ang tumambad sakin. Hindi paman ako nakakatayo ng maayos ay walang pag aalinlangan ko itong inabot kasabay ng pagtingin sa kanyang mukha.

Gwapo.  Malalaking mata na parang nanunuot kung tumingin, matangos na ilong, maninipis na labi, makapal na kilay, bilugang mukha, at long hair?!

Agad nyang binitiwan ang kamay ko at umalis. Nasundan ko nalang sya ng tingin.

Macho.
Matangkad.
Moreno.

Napatingin ako sa paligid munit may mangilan ngilan na nakatingin sakin at ang iba'y animong wala nakita. Tinignan ko ulit ang lalaking tumulong sakin. Nagpalinga linga ako. Ayun, paalis. Kasama ang ilang kalalakihan at mga kababaihan na halatang sumusunod sa kanila.

Sayang. Hindi man lamang ako nakapag pasalamat.

"Let's go class!"

Napalingon ako't napatakbo. Munit sa pagkakataong ito. May pag iingat sa pag takbo papunta sa kanila.

A Girl I Always Remember (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon