MALDITA Series

17.9K 117 0
                                    

Meet the MALDITAs:

》Emila
Nagsumikap para marating ang rurok ng tagumpay mula sa putik na pinagmulan. Nagtatag ng pangalan sa industriyang ngayon ay kinabibilangan na niya. Maliban sa modeling, mayroon siyang hilig dahilan para makita ang hinahanap. Ang maganda pa sa kaniya, hindi papakialaman ang iba hangga't hindi pianapakialaman ang kaniya.

》Clarita
Ayaw na ayaw ang pangalang ibinigay sa kaniya kaya naman mas gusto niyang tawagin siyang "Claire." Kahit mahal niya ang mga magulang ay may isang bagay siya na gusto niyang makuha at iyon ay ang kalayaan niya kaya naman sa oras na makapagtapos ng kolehiyo ay gusto na niyang bumukod at gawin ang mga gusto sa buhay.

》Wifey
Kung ang iba ay pakiramdam na pinagkait ang magandang pangalang ibinigay sa kanila, si Fey naman ay nagtataka kung bakit ito na lamang ang pinangalan sa kaniya. Maraming nang magkasintahan na naghiwalay dahil lang sa pagbanggit ng kaniyang pangalan. Hindi naman niya iyon kasalanan kung tinawag lamang sila nito sa kaniyang palayaw.

》Saffy
Walang pakialam kahit kanino at iniintindi lang ang sariling kapakanan ngunit dumating ang taong hindi niya aakalain na bibigyan niya ng lahat ng kaniyang atensyon at pag-aalaga. Gagawin ang lahat para makuha ang para sa taong iyon kahit na walang kapalit. Odd to say, she's surprisingly happy to see him just smile.

》Ranji
Sa tuwing binabanggit ang pangalan ay inaakala ng lahat na isa itong lalaki ngunit ang totoo ay isang pusong babae pala.

》Airi
Isang salita na may sampung letra ang inilalarawan nito. Siya ang BLACKSHEEP ng grupo ngunit hindi simple ang nakaraang nakatago sa pangalang tinataglay.

》Reiko
Kilalang malamig sa lahat. Pero sa lahat ng magkakaibigan, siya ang pinakamature. Kailangan lamang na maging maingat sa tuwing nariyan siya lalo na sa mga lalaki dahil kahit ni isang daliri lang ang hawakan ay maaawa ka na lamang sa kahahatungan.

》Keiza
Huwag papadala sa mukhang tinataglay dahil kung minsan ang demonyo ay nakatago sa mukha ng anghel. Dalawang mukha sa iisang katauhan at maghanda sa puwedeng gawin ng mga mukhang ito.

》Mao
Alam ng magkakaibigan na allergic sa lalaki ang isang ito, meaning kahit sino mang hinayupak na maimpluwensya, kung lalaki man, ay hindi uubra sa kaniya kaya naman laking gulat na lang kung may katawagan na itong lalaki.

》Rie
Alam ng magkakaibigan kung gaano kasadista ang kaibigan nilang ito pero hindi lang nila inaasahan ang isang pagkakataon na kasasangkutan nito.

Handa ka na bang malaman ang kanilang kuwento?

All Rights Reserved
©CatarinaTubiaz & ©MariaCorrona
MALDITA Series

MALDITA series #3: Wifey RiveraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon