UNTIL YOU 8: Falling

Start from the beginning
                                    

"I can see Pa how happy you are but NO we didn't." Kalmadong sabi ni Hezekiah kasi muhkang tatalon na sa tuwa ang Papa niya kapag sinabi niyang oo. Sabay sabay na parang natalo sa grand lotto ang mga nagaabang ng sagot niya.

"Son. You never lied to me." Tuloy na pangungulit ni Heath sa kanya. Tampo-tampuhan pa ito. Dismayed at the honesty of his answer seryosong binalingan ni Heath ang manager niya."Paki-cancel ang schedule ko. Mag-uusap kami ng masinsinan ng anak ko. Kailangan niya ng tulong ko. Pakisama sa regalo ko sa kanya ang mga copya ng pwede niyang pagkuhanan ng impormasyon..."

"Ok this discussion is done." Awkward as hell Hezekiah had to stand up. Alam na niya ang takbo ng utak nito. There was no way he was discussing his sex life to his lunatic father. "I swear I'll call out Mama." Banta ni Hezekiah ng parang gusto pa siyang habulin ng Papa niya.

Iniwan niya itong tumatawa kasama ng mga alipores nito at habang pataas ng hagdan nagmessage si China. She explained that her emergency involved her funeral salon. Napatingin si Hezekiah sa regalo ng ama at sa message ni China. Kesa naman sumakit ang ulo niya sa kakulitan ng Papa niya pupunta na lang siya siguro para ibigay ang mga iyon kay China.

-------------------------

China had received no answer from Hezekiah.

Kanina pa niya hindi macontact ito matapos niyang itext na may importante siyang gagawin sa punenarya. Pansamantalang binulsa niya ang telepono matapos na patakas na suyuin muli si Hezekiah at napatingin siya sa mag-anak na nagiiyakan sa parlor niya. Sarado sana ang shop niya noong araw na iyon kasi may date sila ni Hezekiah pero pinakiusapan siya ng pamilya ng namatayan. Ayon sa mga ito wala silang pera at di makayanan ang gastusin ng pagpapaembalsamo sa namayapa nilang nanay. Kompleto silang magkakapatid ng namatayan na nagmamakaawa sa kanya na sana bawasan ang singil sa serbisyo ng punenarya niya.

China always had a soft spot for family because she never had one.

And her ultimate dream was as simple as having a complete set of family. Ganoon siguro talaga... kung ano ang wala ka yun ang pinapangarap mo.

Mula pagkabata nag-iisa na siya. All she had was her doting grandfather, her guardian Heath and his bully son Hezekiah. Growing up she also had no friends so she only had Venice at ang mga bangkay sa sementeryo at lahat ng kliyente niyang patay na pumupunta doon sa maliit niyang parlor.

The only one she genuinely had already passed away. Ang lolo niya.

Kung di pa siguro siya inalok ng kasal ni Hezekiah siguro hindi madadagdagan ang buhay na nakakasalamuha niya. Once Hezekiah marries her she'll have a family.

Magiging tatay niya si Heath at magiging asawa niya si Hezekiah. And who knows if she gets lucky enough she'll have a son or a daughter with Hezekiah. Palalakihin niya ang batang iyon na punong-puno ng pagmamahal ng isang pamilya. Her child would never feel alone because he/she will have parents like her and Hezekiah who knows how it feels growing up alone.

Buti pa nga si Hezekiah dahil kahit maiksing panahon lang nakasama pa rin nito si Venice. Hezekiah once had a family. Gusto ni China ng ganoong klase ng pamilya... just like the one that Hezekiah had.

"Ma'am pwede niyo po ba kami tulungan. Hindi po talaga naming kaya. "

"Wag na ho. Libre na po." Awang-awa na sabi ni China. Biglang natuwa ang pamilya.

Napayakap sa kanya ang anak na lalake ng namatayan sa tuwa at buong pusong nagpapasalamat sa kanya. All of a sudden her wind chimed door opened. Akala ni China dagdag pang kapamilya ng namatayan kaya laking gulat niya ng niluwa noon si Hezekiah.

-------------------------

"Hezekiah!"

Biglang napasigaw si China sa tuwa ng makita siya. Hindi nakaligtas sa kanya na kahit gusto na siyang puntahan ni China hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap ang lalakeng nakalingkis dito.

UNTIL YOU : Hezekiah & China (Ongoing)Where stories live. Discover now