UNTIL YOU 5: A LOVE STORY IN THE MAKING

7.9K 161 49
                                    

Namulikat na ang paa ni China sa kakatayo sa harap ng National Bookstore ngunit hangang ngayon wala pa din ang katagpo niyang boyfriend niya. Ang malala pa niyan sa sobrang aga niya sa tagpuan nila ni Jude, ang boyfriend niya, naabutan nga niya ang opening ng SM at sa tagal niyang nakatayo doon namemorize na niya ang theme song ng SM.

 

Pinagsalit ni China ang buong bigat niya para ang kabilang paa naman ang magbuhat noon.

Paheels-heels pa kasi siyang nalalaman, uso nga po kasi! Sa bahay wala pang 5 minuto niyang sinuot iyon namulikat na paa niya, pano pa ngayong halos 6 na oras na siyang nag-aantay?

 

Hindi mapigilan ni China ang mga bola ng mata niya na umikot sa ere. Naririnig na kasi niya ang mga daliri niya na paa na nagmumura na sa galit sa kanya. Ayaw niyang ibaba ang tignin sa mga iyon dahil pakiramdam niya dumudugo na ang paa niya. Ayaw din naman niyang umupo dahil usapan nga nila ni Jude sa tapat ng National Bookstore. Wala namang upuan sa tapat noon at tsaka madudumihan ang palda niya kung uupo siya at magbabasa ng libro sa loob ng bookstore, dilaw pa man din ang suot niya ngayon kaya tiis ganda ang peg niya sa mga oras na ito.

 

Walang magawa, pasimpleng inamoy ni China ang sarili para icheck kung may epekto pa ang Lewis and Pearl na pabango niyang pinanligo niya kanina.

 

Anong petsa na ang wala pa ang lalakeng iyon?

 

Malakas ang paniniwala niyang hindi naman ito ganoon kaengot para madisgrasya ito. Hindi tuloy nila naabutan ang opening ng pelikulang balak sana nilang panoorin. Tinignan ni China ang hawak na ticket sa sinehan, nag-aalala siya na baka hindi pwedeng i-reimburse iyon. Ang mahal pa naman ng mga iyon shete! Bumili na lang sana sila ng pirated!

 

Hinarap ni China ang glass window pane ng bookstore na kinatatayuan at pilit na sinilip ang repleksyon doon. Nilabas ni China ang lipstick na pula dahil napansin niyang mapusyaw na ang bibig niya. MALAMANG! Ikaw ba naman ang tumayo ng anim na oras ng walang kain at puro tubig lang? Yung budget niya kasi sa pagkain nakalaan para sa kakainin mamaya sa loob ng sinehan. Hindi pinambababaan ng loob na pinadaan ni China ang lipstick sa bibig ng makailang ulit, tumigil lang siya ng maramdamang natapyasan ng ngipin niya ang lipstick niyang hawak.

 

Mabilis na sinilip ni China ang ipin sa repleksyon habang pinapadaan ang dilang nagsilbing tagapamunas noon. Mula sa kung saan, sa kabilang banda ng glass window may kamaong sumulpot at kumatok sa tapat ng ngipin niya.

 

Narinig  na lang ni China na nag-crack ang cake foundation niya sa muhkang nayumos ng makita ang nagmamayari ng kumakatok na kamao na iyon.

 

Si Hezekiah.

 

May ipit itong makapal na libro sa gilid nito.

 

Base sa tabas ng hindi ngumingiting bibig nito at sa eyeglasses nitong kumikinang sa tama ng ilaw muhkang matagal na itong nakatayo doon at nagmamasid lang sa kanya.

 

Tumaas ang hintuturo ni Hezekiah na hindi napigilang nasundan ng mata ni China at tinuro ang rumurondang guard ng National Bookstore.

UNTIL YOU : Hezekiah & China (Ongoing)Where stories live. Discover now