"I'll be back before you know it. May ipapaasikaso lang si Dad na business. Anong gusto mong pasalubong?"

"Huwag ka ng mag-abala. Ang imporante ay makauwi ka kaagad..." mahinang sambit niya.

Mabilis lumipas ang panahon at umalis na si Lutian papuntang Manila. Nakakatext niya ito o di-kaya ay nakakausap through video call. Huli niyang tawagan ay mukhang pagod at puyat ito sa trabaho. Kung may magagawa lang siya para maibsan ang pagod nito.

Lumipas ang mga araw at madalang na itong magtext sa kanya. Sa halip na madismaya ay inintindi niya ang sitwasyon nito. Baka busy lang talaga ito sa trabaho. Akala niya ay uuwi ito bago magbukas ang semester pero hindi pa rin ito nagpaparamdam. Kinabahan na siya.

Pagpasok niya sa school ay hinanap niya kaagad ang dalawang pinsan nito na sina Lucas at Marcco. Nadatnan niya sa canteen ang dalawa.

"Si Lutian? Bakit? Hindi pa ba siya bumabalik?" nagtatakang tanong pabalik ni Marcco.

"Hindi pa eh. Akala ko alam niyo kung ano na ang nagyari sa kanya," kinakabahang sagot niya.

Napatingin silang dalawa kay Lucas dahil may idinial ito sa cellphone.

"I can't contact him," sabad nito sabay putol ng tawag dahil walang sumasagot sa kabilang linya.

"Don't worry we will inform you kung..." naputol ang iba pang sasabihin ni Marcco nang may biglangmagsalita.

"I'm here..."

Sabay silang napalingon sa boses mula sa likod. Ewan niya ba. Kung kanina ay sobra ang kanyang pag-aalala, ngayong nakita niya ito ay biglang umusbong ang inis niya. Malapad ang ngiti nito na parang walang nangyari. Nag-alala pa naman siya ng husto. Ang mokong ay hindi man lang nagtext sa kanya para ipaalam kung okay lang ba ito.

"O, nandito na pala itong si Lutian. What's up bro!" sinugod siya ni Marcco at tinapik sa balikat though his eyes were fixed on her.

He saw her clenched her teeth and walked away. Damn! She must be angry! Iniwan niya ang dalawang pinsan at mabilis na sinundan si Queennie. Napansin siguro nitong sinusundan niya ito kaya bigla itong tumakbo.

Mabilis ang kanyang mga hakbang hanggang sa tumakbo na siya palayo. She was not prepared to greet him at this moment. Para siyang loka-loka dahil gustong-gusto niya itong makita at ngayong nandito na si Lutian ay parang naiinis siya nang makita ito. Dumiretso siya sa botanical garden at nahahapong umupo sa bench.

Walang silbi ang pag-iwas niya dahil sinundan din naman siya nito. Narinig niya ang pagbukas ng glass door pero nanatili siyang nakayuko at nakatitig sa sapatos na suot. Ayaw kumalma ng puso niya lalo pa't papalapit ang mga hakbang nito.

Tumabi si Lutian sa kanya sa bench. Hindi niya parin ito nililingon. Hinihintay niya lang itong magsalita at magpaliwanag. Naiinis siya pero kahit papaano ay masaya siyang makita ito.

"I'm sorry. I've been really busy with work..."

Ganoon na ba ito ka busy at kahit pagreply sa text niya ay hindi nito magawa?

She sighed. Maybe she was just being too childish to act this way? Na kahit maliit na issue ay dinaramdam niya. What he probably needed now was her understanding. Ang imporante ay bumalik ito diba?

"My Queen..."

Hindi na niya ito pinatapos pa dahil bigla niya itong niyakap. She hugged him tightly like she was afraid to let him go. His hand tapped her head gently as she cried silently. Kinalas nito ang yakap niya at tiningnan siya nito sa mga mata. He wiped her tears with his thumb and kissed her forehead.

"I felt like a jerk every time I see you cry because of me..." paos na sambit nito sabay lapat ng noo nito sa noo niya. His both hands were clutching her head.

Queennie shook her head.

"It's okay. Ang importante ay nandito ka na."

He captured her lips with a kiss. His kiss was full of longing. Biglang naglahong parang bula ang inis niya. She willingly responded and encircled her arms into his neck. She really missed him. Kahit sa halik man lang maramdaman nito kung gaano niya ito ka miss.

Bahagya siyang binuhat ni Lutian at kinandong sa hita nito. Bumaba ang halik nito papunta sa kanyang leeg. She bit her lower lip hard not to utter a moan. Mas uminit ang pakiramdam niya ng maramdaman ang unti-unting pagkabuhay ng alaga nito. She could feel him hard and turned on.

Parang nabuhusan sila ng malamig na tubig nang biglang bumukas ang glass door. Napatayo siya ng wala sa oras at gulat na napatingin kay Miss Gumapang. Bahayang nagtaas ng kilay ang guro ng makita sila. Kinahabahan tuloy siya.

Tumayo si Lutian at lumapit sa kanya. Hinapit siya nito sa beywang at nginitian ang guro. Bahagya niya itong siniko at pinandilatan. Ang mokong ang hindi man lang natibag.

"Good morning Miss," magiliw na bati nito.

At may gana pa itong bumati ha!

Tumikhim si Miss Gumapang at tumango.

"Una na po kami. Pasensiya na po..." nahihiyang sambit niya sabay higit ni Lutian palabas.

Bago sila makalabas ay may pahabol pa ang guro.

"Ang mga kabataan nga naman ngayon, tsk, tsk..."

Tumawa ang mokong at bahagya niya itong hinampas sa balikat.

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon