Episode 1: Love Letter

Start from the beginning
                                    

"Hoy mga panget! Inaano nyo si Xiang Qin my love?!"

"Aba loko to a. Sinong panget? Zhi Shu panget daw tayo"

"Wag mo na sila patulan, nakaka baba ng sarili pag pinatulan mo pa sila."

"Oo nga, tara na Zhi Shu"

"Sino ka ba ha?!, akala mo perfect ka! Hindi porket ccccampus crush kaaaa ganyan ka na umasta!"

"Hhh!"

(Pag uwi ni Xiang Qin sa bahay nila)

"Pa, andito na ko." Malungkot na nagsalita si Xiang Qin

"Oh, Xiang Qin anak kamusta sa school ha? Sorry nak a medyo makalat ang bahay natin kasi kanina lang naghatid ng gamit ang mga tauhan e. Nga pala kumain ka na ba Xiang Qin?"

"Hindi pa papa, wala akong gana" sabay akyat sa kwarto"

"Hmmm, ano kaya nangyare dun"

(3 times knock at the door)

"Oh, naparito kayo?"

"Hi tito Ah bu!"

"Oh, Hi Chun Mei at Ya Nong tuloy kayo. Pasensya na medyo makalat a."

"Wala yun tito Ah bu, si Xiang Qin po pala?"

"Andun sa taas, parang malungkot nga e. Ano kaya nangyare dun?"

"Wala naman po tito, sige po akyat po muna kami a. Tara Ya Nong."

"Xiang Qin!!!"

*Xiang Qin crying*

"Oh, bat ka umiiyak?"

"Ano ka ba naman Ya Nong, kahit ako yung napahiya sa school at nagbigay ng letter kay Zhi Shu mag susuicide ako no hahaha! Buti nga iyak lang ginagawa nya e."

"Shht, ano ba Xiang Qin wala na tayong magagawa. Napahiya ka na at kailangan mo na tanggapin yun."

*minor earthquake*

"Aaaaa! Anong nangyayare??"

"Anak!!! Labas kayo dali..."

"Papa sobrang lakas ng lindol!!!

" oo nga anak!"

*paglabas nila ng bahay*

"Papa ano nangyare? Hindi gaano malakas ang lindol pero bakit nagiba ang bahay naten?" Umiiyak

"Hindi ko alam nak, hindi ata maganda ang yare"

*May nagpapatugtog ng Violin sa likod ng bahay nila at tinignan nila kung sino*

"Pare, oh kayo pala yung nasiraan ng bahay"

"Pare, long time no see at kasama mo pa pala yung asawa mo a."

"Hi Ah bu, anak mo sya?"

"Ah, oo nga pala. Yu Cai at Zhao Zi ito nga pala ang anak ko si Xiang Qin. Xiang Qin sila ang college friends ko."

"Ahm, hellow po"

"Napaka ganda mo namang bata iha."

"Thank you po hehe."

"Haha! Tama na nga bolahan nyong dalawa dyan! Oh Ah Bu, may titirhan na ba kayo ni Xiang Qin?"

"Wala pa nga e."

"Oh ano pa inaantay nyo? Tara na"

"Ha, saan?"

"Saan pa? Edi sa bahay."

"Nnnnako hhhhindi na..."

"Ano ka ba naman Ah Bu, welcome kayo sa bahay namin no! Para na kayong magkapatid ni Yu Cai e."

"Haha! Oo magkasama sa kulitan, pambababae....."

"Ay oo nga no! Hahaha ikaw talaga Yu Cai oh..."

"Tara na iha, Xiang Qin saan ka ba nag aaral iha?"

"Taiwan University po."

"Ah ibig sabihin magkaparehas kayo ng anak ko."

"Talaga po?" Nagtatakang sagot

"Oo, lalaki yung anak ko. Siguradong magkakasundo kayo iha."

"Iha, feel at home a. Teka lang tawagin ko lang yung anak ko para makatulong dito sa pagbubuhat ha?"

"Sige po."

*nakita ni Xiang Qin ang naka sulat sa gate nila Yu Cai At Zhao Zi ang JIANG, halo halo ang naiisip nya at iniisip nya na baka si Zhi Shu ang anak nila pero iniisip nyang imposible pa rin yun.*

"Anak tulungan mo sila ha? Pasok na muna kami. Teka nak baka kilala mo si Xiang Qin.?"

"Oo naman ma, kilalang kilala."

*pag harap ni Xiang Qin, gulat na gulat sa nakita*


*TO BE CONTINUED...........

It Started With A KissWhere stories live. Discover now