"Okay, wag kang uuwi ng maaga. We're going to mall later afternoon," sabi ko habang kausap ang assistant kong si Fred sa linya ng telepono.

Bumukas ang pinto ng aking opisina. "Sir, ito na po yung mga documents na kailangan nyo."

Napahinto ako nang makita ko ang babaeng pumasok. "Alexa?" Bulong ko.

Kumunot ang noo nya. "Sir Dred?"

Kinusot ko ang aking mata at nakita ko ang aking sekretarya.

"Sir, may problema po ba?"

"W-Wala.. pasensya na."

Nilapag nya ang mga dokumento sa mesa ko at agad na syang lumakad paalis.

Muli namang tumunog ang telepono. [Sir Dred, nasa conference room na po yung mga taga GUELOX.]

Tumayo naman na ako para pumunta sa isang meeting.

Napatingin ako sa aking relo habang hinihintay ang pagdating ng elevator. Muli akong napahinto nang bumukas ang elevator. Nakita ko ulit si Alexa at seryoso itong nakatingin sa akin. Bahagya akong napaatras hanggang sa pumasok na ng elevator ang taong nasa aking likuran.

"Sir, sasakay po kayo?"

Pinagmasdan kong muli ang elevator pero wala akong ibang nakita na nakasakay kundi ang taong kasasakay lang.

"H-Hindi na."

Hanggang sa nagsara na ang elevator. Lumakad ako palayo at tila hinihingal pa. Fuck! What happened to me? Please, Alexa, don't bother me.

XXX

MARY KIEN's POV.

"Bless na kay Tito Mon, dali na," utos ko kay Janus nang pumunta kami dito sa bahay ni Tito Mon.

Lumapit si Janus kay Tito Mon at nagmano rito.

"Ang laki mo na ah. Pumapasok ka na sa eskwela?" Tuwang-tuwa na tanong ni Tito Mon kay Janus.

Umiling lang si Janus marahil nahihiya sya kay Tito Mon dahil bihira nya lang naman itong nakikita.

"Papasok na po syang kindergarten sa susunod na pasukan," sambit ko.

Napatingin sa akin si Tito Mon. "Nasaan pala si Dred? Inantay ko sya nitong nakaraang araw dito sa bahay dahil nasabi nya sa akin noong tumawag sya na dadalhin nya yung ibang dokumento na kailangan kong pirmahan para ma-turn over na sa bago yung dati kong posisyon sa SLX."

"Iyon na nga po ang dahilan kung bakit pumunta kami dito. Dala ko na po Tito Mon yung mga documents para sa pag-turn over ng pwesto nyo." Binigay ko iyon sa kanya at lumakad kami papunta sa office table dito sa kanyang bahay.

"Kamusta naman yung uupo sa pwesto ko?" Tanong nya habang pumipirma.

"Tristan Hernandez po ang pangalan nya."

Napahinto sya at napatingin sa akin. "Akala ko ba si Nelson?"

"Hindi na po binigay ni daddy ang posisyon kay Nelson."

"Sino bang Tristan Hernandez?"

"Bagong pasok lang po sa kumpanya, Tito Mon."

"Bakit ibibigay ang posisyon sa bagong pasok? Mabuti sana kung mapagkakatiwalaan iyon."

"Trusted naman po ang taong yun, Tito Mon. He's a Legarda University graduate, and he was an SLX scholar."

Naningkit ang mata ni Tito Mon. "Iyon ba yung dati nating scholar na nag-top sa board exam?"

Look at this Richest Man (Book 3)Where stories live. Discover now