"Mr. Park bakit ngayon lang kayo?" dadagdag pa'tong prof. na'to sa sakit ng ulo ko

"Wala kang pake!" sabi ko na lang sa kaniya tapos tiningna ko sya ng masama para tumahimik

Edi ayun tumahimik din

"O-ok Mr.Park I'll forgive you a-and your friends"

"Tss."

"You three can sit beside Ms. Oh"

"We know" sabi ko kay Prof.

Habang papunta kami sa kanya kanyang upuan namin yung mga classmates ko ang sama makatingin kay nerd

"O-ok Ms. Oh you can continue" sabi ni prof.

At ayun nagpakilala na si Nerd. as if I care

"Good Morning,I'm Regine Marie Oh, half Korean-...... "

So Regine pala pangalan nya pero mas gusto ko yung Marie, and she's half korean

"-and excuse me miss Angel the retokada and Eunice panis akala niyo ang gaganda niyo pero yang mga mukha niyo eh na-retoke lang. Ako natural tapos yang kutis niyo hindi pantay. Tss, kung ako sa inyo bago kayo manlait tingnan niyo muna yang sarili nyo! Sorry Prof. for the long speech. That's all thanks"

Hahaha wow ganda ng speech. Hindi ko mapigilang matawa dahil ang ganda ng facial expression ng dalawang pinahiya niya

I like this Nerd palaban

Tapos ayun umupo na sya sa tabi ko

"Hey" bati ko sa kaniya

"Ako kinakausap mo?" bored niyang sagot habang tinuturo ang sarili niya

"Ayy hinde-hinde yung upuan yung kausap ko. Tss" nagtanong pa eh malamang siya binati ko

"Sunget" she murmured

"May sinasabe ka?" sabi ko sa kanya

"Wala sabi ko Hi" bored niyang sagot

"Ganda ng speech mo kanina ah" pagko-compliment ko sa kaniya

"I know" cold niyang sabi

Nakakainis nato ah. Kinakausap ng maayos, ganito kung sumagot. Ganito ba talaga mga nerd?

"Bakit ang pula ng mukha mo? May sakit ka ba? O baka nagba-blush ka? Siguro type mo ko no?"

Nabigla naman ako sa pangatlo at pang-apat na tanong niya

Type ko daw siya

YUCK

Nananaginip ata 'to ng gising. Assuming. Bilib din ako sa lakas ng loob nito.

"Park-oppa ang pulang pula na mukha mo parang kamatis. Yiieehh kinikilig hahaha" pang-aasar niya

Umiinit na talaga ulo ko dito sa babaeng 'to baka mamaya masapak ko pa'to pigilan niyo ko pigilan niyo ko. Grabe 'to. Feeling close!

"Si James - oppa type ako"

"Type niya ako haha"

"Will you please stop" sabi ko sa kaniya

Pero parang wala syang narinig patuloy parin sya sa pang-aasar kaya wala na akong choice kung hindi

TSUP

JINA's POV

TSUP

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

First kiss...

First kiss ko'to ah

Sana hindi ko na lang siya ininis. Ayan tuloy nanakaw first ko. NapakaFC mo kase Jina! Sinamaan ko siya ng tingin pero ngingisi lang siya at tinitigan ako ng nanunuya. Sasapakin ko na sana siya pero bago ko pa magawa...

"YOU TWO GET OUT OF THIS CLASS NOW!!!!"

Hala nahuli kami ni Prof. Kasalanan ni James to eh

"MR. JAMES PARK HINDI KO TO PALALAMPASIN SASABIHIN KO'TO SA MAGULANG MO" galit na sabi ni Prof. kay James

"Go ahead and tell him" sabi niya

Tapos bigla niya nalang akong hinila palabas sa room. Sakto namang nag ring yung bell nang makalabas kami. Magsasalita na sana siya kaso bigla akong tumakbo papunta sa cafeteria

Sa Cafeteria

Buti naman nakatakas din ako sa kaniya

Nasa cafeteria na ako ngayon nang makita ko si Kyla

"Kyla" tawag ko sa kaniya

"Uy girl tara sabay na tayong um-order ng food" aya niya

"Ikaw na lang busog pa ako eh"

"Ok pero samahan mo ako"

"Sure"

"So girl kamusta? Okay lang ba yung trato ng mga classmates mo sa'yo? Kung hinde sasabunutin ko yung mga yun" sabi niya

"It's ok ikaw kamusta naman?" tanong ko sa kaniya

"Ok lang din girl. Alam mo daming cute na boys sa section namin pero mas gwapo at cute pa din si Jeff my loves ko noh" sabi niya at parang kiti kiting kilig na kilig. Napabuntong hininga lang ako

"Oo na oo na"

"Uy classmate mo daw siya?" tanong niya

"Oo" napa'O' naman ang bibig niya at lumapit sa akin. Tinapik pa niya ang braso ko.

"Uy pakilala mo naman ako sa kaniya ha"

"Ayoko"

"Please"

"No"

"Please" tapos nagpuppy eyes pa siya

"Psshh di mo bagay mukha kang baka" biro ko sa kaniya

"Ang mean mo talaga so pumapayag ka na?"

Ano pa bang magagawa ko? Ang kulit kulit e, hindi ako makakain ng maayos. Kailangan ko na lang pumayag para tumigil siya.

"Oo na di kasi kita matiis eh"

"Yehey"

Pagkatapos niyang kumain nauna na siya sa kaniyang next class at eto ako ngayon sa cafeteria pa rin kumakain tapos may biglang lumapit sa akin.

Ay si Angel the retokada and Eunice panis lang pala

"What do you want?" walang gana kong tanong. Ano nanamang kailngan ng dalawang 'to? Hindi pa ba sila masaya kaninang nilait lait nila ako? May mga tao nga talagang hindi nakukuntento sa kaunting panlalait sa kapwa.

To be honest, wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Ewan ko ba bakit gusting gusto nila akong ibully, in fact mas maayos naman silang manumit sa akin. Wala namang nakaka-insecure sa akin.

"What-do-you-want your face, hoy nerd bakit mo hinalikan si King James?" tanong ni Angel the retokada

Yun lang? Yun yung dahilan nila para sugurin ako dito? At ano raw? Hinalikan ko ang hari nila? Mas pinili ko na lang na hindi sumagot

"Oh ano bakit di ka sumagot? May relasyon ba kayo ni King James? O baka isa ka lang sa mga flings niya? Sa bagay bakit ka naman niya magiging girlfriend kung yung looks mo wala ng panlaban sa looks ko" sabi naman ni Eunice - panis

"Haha tama ka girl. Hoy nerd ito tandaan mo sa akin lang pwede magkagusto si King James tsaka wag ka ngang lumapit sa kanya maliwanag" sabi naman ni angel the retokada habang dinuduro ako.

"Hindi kaya. Sa akin magkakagusto si King James" sabi ni Eunice-panis

"Me" sabi ni angel

Hanggang hindi na sila natapos. Then ako naman umalis ng hindi nila napapansin sa Cafeteria. Ang ingay nila eh kaya pumunta nalang ako sa garden....

TO BE CONTINUED

Campus Nerd meets the Campus KingWhere stories live. Discover now