"Hey, are you okay?" Tanong ng babaeng nurse sa akin.


"Ah, yes. Sorry, nalipasan lang ng gutom kaya medyo nahilo ako kanina. Hindi pa kasi ako nag be breakfast." Pag reason out ko sa kanya.


"I see. Here, inimon mo muna tong tubig and I'll go to the Cafeteria to get you something to eat. Stay here, okay?" Sabi ng nurse. 


Napaka thoughtful naman niya.


Tanging tango nalang ang naisagot ko sa kanya.


Tumayo ako at kumuha ng sticky note at ballpen sa lamesa ng nurse.


Sorry, I have to go. I appreciate your help, you're so thoughtful.


Sulat ko at dinikit ang sticky note sa clinic bed.



Nag ready na ako para lumabas. Mahirap na baka matuluyan pa 'yung pagkahimatay ko. Totoo pa naman na hindi ako nag breakfast and it's already lunch time, gutom na rin talaga ako.


Palabas na sana ako nang clinic ng makita ko ang isang lalaking patakbo papuntang clinic.


"PAASSOOKKK!!!!" sigaw niya kaya dahil sa gulat ko ay dali dali ko naman siyang sinunod.


Nang makapasok na siya sa loob, sinarado niya ang pinto at sumadal dito at nagpunas nang pawis sa noo gamit ang kanang kamay na may kasamang buntong hininga.


"Haaayyy. Hirap talagang maging gwapo." Sabi niya at napatingin naman ako sa kanya. 



"Excuse me, lalabas na ako." Sabi ko sa kanya


"No! Kung lalabas ka makakapasok sila,"


"Sinong sila?"


"Mga chikababes ko," sagot niya habang naka smile.


"Hoy Roque! Hindi mo ako sinipot sa library ha! Pinaghintay mo ako ng dalawang oras!"
"Ako din! Naghintay din ako sa Cafeteria Northwing pero hindi ka dumating dun! Pwede mo namang e inform kami. Nakakainis lang kasi nasasayang ang oras namin!"


Sigawan nang nasa labas nang clinic. May mga tao pala talagang desperada ha.


"Huuy alis na nagugutom na ako! Hindi mo pa alam kung pano ako magutom! Nagiging walang hiya ako pag nagugutom ako." Banta ko sa kanya.


Nakita ko siyang may kinuha sa bulsa nang pants niya at hinagis sakin na agad ko namang sinalo.


What the! Mentos?


"Yan, I guess it's enough for you to shut up!" medyo inis na sabi niya.


"Mokong ka ba? Asan na 'yung utak mo? Nahulog ba habang tumatakbo ka? Anong akala mo sa sikmura ko? Tingin mo mabubusog ako nitong mentos mo?" Naiinis na sabi ko sa kanya.


"E sa yan lang ang nandito sa bulsa ko e." sabi niya sabay kamot sa batok niya.


"Pardon me sa gagawin ko." sabi ko sa kanya. E sa disperado na talaga akong makalabas eh.

FiNiSH LiNE |BxB| COMPLETEDWhere stories live. Discover now