EPiSODE 1 -

7.2K 148 8
                                    




"Bestlab! Bestlab! Nakita ko si Roque Wu doon! Sobrang hot niya talaga, naka fitted na sando lang siya. No wonder naging hottest dude siya dito sa Rafictions University."


"Ano naman ngayon kung nakita mo siya? Magkakapera ba tayo sa kanya? Tsaka pwede ba magsoot ng sando sa University nato?" sagot ko naman.


"Ewan! Pero hindi naman papahuli si Sam na naging hottest varsity player at syempre, hindi naman magpapatalo si Ash my labs na hottest and cute nerd sa campus.. Kyyaaa!!" sabi nang bestlab ko sabay hampas hampas sa braso ko.


(Bestlab - tawagan naming dalawa yan, kagaya nang bestfriends)


"Aray ko naman bestlab! kailangan ba talagang may kasamang hampas!" sabi ko sa kanya sabay hinimas ang braso kong hinampas ng bestfriend ko.


"Sorry! Pero sayang bestlab no? Bakit kaya nag drop si Aulric Eriksson? Balita ko nagdrop daw siya kasi pumunta siya nang Canada." Sabi ng bestlab ko.


(PS: Aulric Eriksson has his own story. Refer to my book, Game Over)

"I dont know. Well, wala talagang nagtatagal sa relasyon lalo na pag lalaki sa lalaki." Sagot ko naman.


"Hindi naman bestlab. Depende yan sa taong nagmamahalan no. Hmm. Maiba ko nga? Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Roque Wu? Gwapo naman siya ahh, maputi pa, and then chinito, matangkad, mayaman, almost perfect na siya." Tanong ni bestlab sa'kin.


"Talaga bestlab? May nakakalimutan ka ata? Diba sabi nila player dude yung taong 'yun? kaya ako galit sa kanya. Pare pareho lang sila." Sagot ko at naghalumbaba.


"Hmmm. Ang hirap kasi sayo, nakakulong ka sa mga nangyari sa inyo ni Jeffrey. Bestlab, wake up! He dumped you!"


"Yun nga ang point ko bestlab, Jeffrey dumped me. Player dude 'yung Roque na yun. Ano e-expect ko? Tsaka never akong magkaka gusto sa mayabang na mokong nayun no. And besides, as if naman magsasalubong ang landas namin." Sagot ko kay bestlab.


"Ewan sayo. Gwapo naman siya."


"Bestlab! Anjan na 'yung prof!"


Agad namang bumalik sa arm chair si bestlab. 


My Niccolo Dionson, 19 years old. Second yr college at full scholar sa Rafictions University. 'yung kanina ko pa kinakausap ay super lab at bestlab kong si ROTSEN, ganda nang name noh? Baliktarin niyo po ang ROTSEN, HAHA.

Ayaw niya daw kasi ng NESTOR kasi masyadong nakakalalaki daw. Nag-iisa ko siyang kaibigan dito sa University. Ayaw kong makipagkaibigan sa iba dito ehh. Masyadong mga plastic mga tao dito, palibhasa mayaman kaya ganyan. Though, si Nestor este Rotsen ay mayaman, hindi naman siya nang lo-look down nang tao.


"Okay class! I'm more than 5 minutes late. Get your assignment hurry up !"


Patay! Monday pala ngayon! History Class! Nakalimutan ko ang summary ng Noli Me Tángere ni Lolo Rizal, pang high school naman kasi..




CLINIC


Nagkunyari lang naman akong nahimatay kaya dali dali akong binuhat at sinugod ng mga ka klase ko papuntang clinic.


Naramdaman kong inaasikaso na ako ng nurse. Nung masiguro kong wala na mga kaklase ko ay bigla akong gumising. HAHA. Atleast naka ligtas sa standing ovation.

FiNiSH LiNE |BxB| COMPLETEDWhere stories live. Discover now