"DADDYYYY! DADDYYYYY! WAG MO KO IWAN! MAGIGING SAD AKO! AYAW KONG PALAGI AKONG SAD!" , sigaw ng isang batang lalaki habang umiiyak hawak ang isang stuffed toy na BARNEY.
"Kailangan umalis ni Daddy, anak. Magwo-work sa malayong lugar si Daddy. Di muna siya makakauwi ng matagal.", sagot ng ama nang batang umiiyak
"Di mo na ba kami Love?", tanong ng bata.
"Love ni Daddy kayo pero kailangan niya umalis eh. Babalik naman si Daddy kaya wag ka mag-alala. Nandyan naman si Barney eh pagna-aalala mo ako yakapin mo lang siya para di ka na sad palagi ha?", pagpapaliwanag naman ng ama.
Tango nalang ang naisagot ng batang lalaki at tuluyan ng umalis ang kanyang ama. Gabi na ng mga oras na yon at lahat ng tao sa kanilang bahay ay tulog na pati ang nanay at mga kapatid niya.
Hindi kasi alam ng nanay niya na aalis ang tatay niya. Siya lang ang nakaalam dahil naalimpungatan lang siya sa ingay na nanggagaling sa baba at tinignan niya ito at nakita niya ang tatay niyang may hawak na susi at palabas na ng bahay.
5 yrs. old na ang batang lalaki nang mga panahong iyon. At habang lumalaki na siya ay hindi niya na masyado maalala ang tatay niya at panay na din ang tanong niya sa nanay niya.
"Mommy, Love ba tayo ni Daddy?", 6yrs. old
"Nasaan na si Daddy?",7yrs. Old
"Bakit ang tagal niya nang wala?", 8yrs. Old
"Babalik pa ba siya?", 9yrs. Old
"Kukunin niya ba tayo doon?", 10 yrs. Old
"May ibang pamilya na ba siya doon? Kinalimutan niya na ba tayo?", 17 yrs. Old
Yan ang mga tanong niya sa Nanay habang lumalaki siya. Pero kahit na matagal na silang hindi nagkikita ay hindi naman ito nagtanim ng sama ng loob sa kanyang ama. Ang tanging alaala niya sa ama niya ay ang stuffed toy na binigay nung tatlong taon lamang siya.
Lumipas ang 15 taon at ngayon ay 20 na siya at umaasang makita niya muli ang ama.
__________________________
YOU ARE READING
His Secret
Teen FictionTrailer credits- @Jin_NyeLla description under construction!
